Alexandra's POV
Napabangon ako bigla ng marinig kong may kumakatok. Aiisshh istorbo sa tulog!!
"Saglit!!" Padabog kong sabi.
binuksan ko yung pinto at bumungad lang naman sakin yung pangit kong boyfriend.
"Good morning sunshine"
"Sunshine mo mukha mo! Ano ba ginagawa mo dito? Sarap pa ng tulog ko eh!"
"Sinusundo ka? Baby naman bat ang highblood agad? Ganda ganda ng umaga eh"
"Pssh get out! ayoko makita pag mumukha mo!!"
Isasara ko na sana pinto kaso hinirang niya yung braso niya.
"Ooppss di ka na babalik sa tulog maligo ka na at mag ayos malate ka pa eh"
"Di ako papasok saka wala kang pakialam kung matutulog ulit ako kaya pwede ba?!"
"Ah sige tabihan na lang pala kita."
Bat ba nakangiti to? Arrghh sarap ipatapon kainis.
"Ayoko nga!! Umuwi ka na sainyo!! Alis! Shoo!"
"Makataboy naman parang di ako boyfriend tsk"
"Bakit? Sino ba ang may mga kasama na namang babae kagabi, HA?!"
"Ohh kaya naman pala highblood babes ko kasi nagseselos pala hahahaha"
"Alis! ayoko makita ka."
"Sorry na baby alam mo naman ugali ko diba? Hehe"
"I know! that's why umalis ka na sa harap ko kung ayaw mong mawala sa mundo ng maaga!!"
"Easy lang baby lakas ng boses eh sakit sa tenga tsk"
"OH?! EDI UMALIS KA NA KUNG AYAW MO NA SAKIN!!!!"
"Alexandra naman hindi kelangan sumigaw geez fine! Aalis na kung aalis."
Tapos umalis na siya, buti naman aalis naman pala pinapahighblood pa ako tsk. Bumalik na ako sa kama ko kaso di na ako makabalik sa tulog ugghh!!! Kasalanan mo to Ezekiel!!! Kainis!!!
At dahil di na ako makabalik sa tulog naisipan kong maligo na lang at pumunta sa coffee shop ng kaibigan ko. Sinuot ko yung bago kong biling damit yung crop top na tshirt saka pants tapos nagsneakers lang ako pahirap kung magheels pa kasi.
Bumaba na ako tapos sinalubong ako ni manang.
"Ma'am, kain po muna kayo ng almusal"
"Hindi na po manang okay lang ako sa labas na lang po ako kakain salamat"
"Sige po Ma'am ingat po kayo."
"Salamat Manang"
Tapos lumabas na ako di na ako nagpahatid kasi sabi ko magtataxi na lang ako saka baka kailanganin ni Lyra yung kotse so wag na. Pagkalabas ko ng gate nagulat na lang ako ng biglang may humatak sakin.
"What the---"
Di ko natuloy yung sasabihin ko kasi tinakpan niya bibig ko fvck kidnaper ba to? Pano nakapasok sa village namin??
"Chubs."
Nung marinig ko pamilyar na boses, nawala na yung kaba ko at nakahinga ako ng maluwag. What the f? Bakit kelangan takpan bibig ko??!!! Di na ako galit sa kanya, nakayakap pa kasi sakin yung babaero na 'to tsk saka namiss ko din to ilang araw di ko nakita eh.