Chapter 7

76 6 1
                                    

Ethan's POV

"Oy pre di ka ba naguiguilty sa ginawa mo?" bungad ni Brian sakin.

"Hindi."

"Grabe ka doon sa babae para picture lang" singit ni Kenneth.

"Tss."

"Di ka naman ganyan ah"

"Wala kayong pakialam."

Umalis na ako kainis bakit ba ako sinisisi nila? Pssh. Habang naglalakad ako biglang may mga kamay na pumulupot sa braso ko.

"Hi baby kumusta ka na? Namiss kita"

"Bitiwan mo nga ako Johann saka di mo ako anak" inalis ko naman kamay niya na nakapulupot dun sa braso ko

"Bakit ang sungit ng baby ko? Saka diba liligawan mo pa ako?" tapos ngumiti siya

"Hindi ko na binabalak yun wag ka na umasa."

"Aww baby naman eh ang joker mo talaga haha" pinapalo palo pa kamay ko puta kainis

"Sige alis na ako." tapos naglakad na ako ng mabilis buti naman at di na ako sinundan baka masapak ko eh kahit na babae siya wala akong pake tss.

Sa kakalakad ko di ko namalayan na nasa may soccer field na pala ako ayos may mapagtatambayan akong walang ingay wala kasi naglalaro saka wala ding mga estudyante.

Pumunta ako dun sa may malaking puno at umupo sa may damuhan. May narinig akong kumakanta nairita ako kasi akala ko wala ng ingay. Hinanap ko naman kung sino yun babae kasi, nung nakita ko na kung sino napakunot yung noo ko kasi di ko akalain na marunong pala kumanta yung babaeng yun tsk.

"Hoy" tawag ko sa antensyon niya.

Lumingon naman agad siya tapos biglang nagiba yung mukha parang takot na ewan tsk.

"Uhh eh naistorbo ba kita? Sorry di ko alam na andyan ka pala hehe sige alis nako" tapos inayos niya yung gamit niya. Baliw ba to? Sino naman nagsabi na nakakaistorbo siya? Tsk. Nagulat ako sa sarili ko bat ko sinabing hindi istorbo siya? Luh.

"Ge bahala ka." Tapos bumalik na ako sa pwesto ko at humiga saka naglagay ng notebook sa mukha ko.

"Ano...."

Istorbo tsk natutulog eh. Pero di ko siya pinansin at pumikit na lang ulit.

"E..ethan"

Ang kulit!! Tss inalis ko naman yung notebook sa mukha ko at bumungad lang naman sakin yung babaeng napaiyak ko.

"Problema mo?!"

Nakita kong parang natakot ulit kaya naman nagsalita ako agad.

"Ano ba gusto mo? Matutulog na ako eh tsk"

"Ano kasi kung pwede dito din muna ako? Mamaya pa kasi yung pasok ko saka wala kasing ingay dito eh."

"Tss yun lang pala bat kelangan mo pa magpaalam sakin? Di ko naman pag mamay ari to eh."

"Baka kasi magalit ka" tapos yumuko siya

"Bahala ka kung ano gusto mong gawin di ko pag mamay'ari tong soccer field at matutulog lang din ako."

Stay With Me (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon