"Bitawan niyo na kasi ako! Ano ba!"
Pinipilit kong pumiglas sa mga kamay ng kaklase ko pero hindi ko magawa, bakit kasi napaka hina at duwag ko? Bakit hindi ko kayang protektahan sarili ko? Tangina.
"Ano pa ginagawa niyo? Simulan niyo na." walang buhay na utos ni Johann sa mga nakahawak sakin.
"Johann! Maawa ka sa akin! Ilang bese-- hindi lang pala ilang beses kundi paulit-ulit niyo na akong binubugbog, wala na ba kayong sawa?" pagmamakaawa ko pero parang wala siyang narinig.
"Manahimik ka Justine, binigyan na kita ng pagkakataon na umalis sa school na 'to pero hindi mo sinunod! Kaya magdusa ka."
"Per---"
"Kayo na bahala sa kanya, alis na ako."
Sinubukan ko siyang tawagin uli pero hindi na siya lumingon.
"Ano pa ginagawa niyo? Simulan niyo na!" sigaw nung isang babae na hindi ko maaninag kung sino.
Sinimulan na nga nila ang pangbubugbog sa akin.
"Sa susunod kasi kapag hiningi sayo ibigay mo na."
Tapos nagtawanan sila.
---
"Sorry po I'm late."
"Mr. Acosta alam mong bawal ma-late sa klase ko diba? Pero ginawa mo pa din?"
"Hindi na po mauulit Ma'am."
At dumeretso na ako sa pinakalikod at dun umupo.
"Puro sugat mukha mo? Anyare sa'yo?"
Napalingon ako sa gilid ko pucha may tao palang nakaupo akala ko ako lang nakaupo sa linyang 'to.
"Wala kang pake."
Tumahimik naman siya kaya nakinig na ako sa discussion ni Ma'am.
"Pero anong nangyari sa'yo?"
Nilingon ko siya at pinandilatan ng mata.
"Ano nga?"
"Ang kulit!"
"Sasabihin mo lang kasi eh."
"Sino ka ba?"
"Ako? Ako si Lyra Dane Bernardo, eh ikaw?"
"Tsk."
"Sungit hmp."
Hindi ko na siya pinansin baka mahuli kami na nag-uusap nakakatakot pa naman 'tong prof namin dito tsk.
Pagkatapos ng klase namin inayos ko na agad gamit ko at saka nagmadaling lumabas, ayokong makita nila akong ganito ang itsura.
"Hoy! Teka saglit lang!"
Nung marinig ko yung boses na yun binilisan ko lang lakad ko, sino ba kasi siya? Ngayon ko lang siya nakita.
"Aba! Talagang hindi ka huminto ah!"
"Ano ba kasi gusto mo? Bakit mo ba ako sinusundan?"
Hindi niya ako sinagot sabay hinawakan niya braso ko at hinila ako binawi ko naman agad braso ko.
"Ano ba?!"
"Dadalhin kita sa clinic ayaw mo pa?!"
"Eh kung ayaw ko pumunta dun? Ano bang pake mo ha!"
"Ikaw na 'tong tinutulungan! Ikaw pang galit!! Aba!"
"Hindi ko naman kasi hinihing tulong mo? Tsk."