Chapter 3

98 7 1
                                    

Ella's POV

Kakarating ko lang ng school ang aga ko na ngayon, mahirap kasi malate uli. Pagpasok ko ng room konti pa lang tao, pumunta na ako sa upuan ko at umupo.

"Uhm hi?"

Nilingon ko siya saka ngumiti.

"Hello, good morning!" masigla kong bati sa kanya.

"Ang cute, haha anyway pwede ba ako umupo dito?" sabay turo dun sa katabi kong upuan.

"Ah, di ako sure eh kasi may nakaupo dyan kahapon"

"Ahh, edi palit na lang kami ng upuan if ever na may nakaupo nga dito, ayoko kasi sa unahan eh"

"Ahh okay, sige haha"

"Camille nga pala" pagpapakilala niya.

"Michaella" masaya kong sabi.

Pero teka? Siya yung kahapon! Yung nagsalita sa may likod ko!

"Anyway since bago ka, gusto mo sumama samin? I mean mahirap kasi pag walang kaibigan diba? Mabubully ka ng iba"

Nagulat ako sa sinabi niya, pero tatanggi pa ba ako? Inaalok na ako oh!

"Ha? Ahm okay lang sainyo na isali ako sa grupo niyo??"

"Ano ka ba! Syempre oo naman! Saka dalawa lang kami uy, hahaha"

"Ay hahaha, nahihiya kasi ako makipag-usap kasi feeling ko masnob lang ako dito"

"Hayaan mo sila, hahaha wag ka magalala I'm sure magugustuhan mo din si Alex haha kaso late yun ngayon"

"Ah sige haha okay lang"

"Anyway saang school ka pala nanggaling?"

"Ah sa St. Joseph Academy"

"Seryoso? As in? Dun ka galing? What the?!bakit ka pa lumipat dito? Eh diba sobrang ganda ng school na yun tapos madaming sikat??!"

"Yeah pero kung gaano siya kaganda sa mata ng iba ganun siya kapanget kapag doon ka pumapasok haha"

"Really? Wow sabagay halos lahat ng andun perfectionist noh? tama lang na lumipat ka baka mahawa ka doon hahaha"

"Hindi naman hahaha"

Di ko namalayan na malapit na palang magtime kung di pa nag bell. Saka madami dami na din pala kami dito kaya medyo umingay na ang classroom.

"Asaan na ba yung bruhang yun tagal ah tsk"

Narinig kong sabi ni Camille. Tapos biglang bumukas yung pinto tapos natahimik lahat at nakatingin lang doon sa babaeng pumasok.

Wow ang ganda naman niya, hala? jusko dyosa!! omg tapos papalapit siya sa may gawi namin, nakatitig lang ako sa kanya as in waaaahhh. Nakabalik lang ako sa sarili ko ng biglang nagsalita si Camille.

"Buti naman andito ka na, buti na lang at wala pa si Ma'am Ivy kundi lagot ka na naman doon"

"Tss i don't care, anyway why are you here? I mean, why are you seating on that chair? Eh diba sa unahan ka dapat nakaupo?"

"Lumipat ako obvious naman diba? Saka ayoko umupo doon, dito ka na din sa tabi ko ipapakilala kita kay Michaella."

"Michaella?? Who's that? A newbie?"

"Yes, and she's right here."

Sabay turo sakin tapos tiningnan niya naman ako, ako namang tong manghang mangha pa rin sa kagandahan niya nakatitig lang.

Stay With Me (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon