Ella's POV
May sinasabi pa si Alex nung bigla akong hatakin paalis ni Ethan dun, hala lagot na baka magalit na naman to huhu lord please save me from this monster.
"Pinakilala mo pa pala akong boyfriend mo ayos"
Eto na lalabas na ulit yung pagiging halimaw huhu. Tapos bigla kaming nagstop nasa may likod na pala kami ng school wala na ding ibang estudyante.
"Una yung picture, ngayon naman boyfriend?? Ayos ka din eh no? Di hamak na transferee ka lang tapos kung makapagkalat ka ng kalokohan??!!!"
Napayuko ako kasi naman lakas ng boses kala mo rakistang kumakanta eh.
"Ano di ka magsasalita dyan?!"
"Pano ako magsasalita kung ganyan kataas boses mo?" mahina kong sagot
"Tss sagutin mo na kasi!!"
"Eto na po papaliwanag ko na ha wag kang sasabat"
Tapos sinimulan ko ng ikwento sa kanya.
"Pero hindi ko talaga alam pano nilang nasabi na ikaw yun hays sorry talaga nadamay ka pa"
Tapos ko na sabihin sa kanya lahat, marunong naman pala makinig ni hindi nagsalita pero di din ako sure kung nakikinig eh nakatingin lang kasi doon sa may building.
"Pumapayag na ako."
Napatingin ako sa kanya, anong pumapayag na? Wala naman ako tinatanong nababaliw na ba 'to?
"Ha? Pumapayag saan?"
"Maging boyfriend mo kunwari."
Di ako makapaniwala sa sinabi niya luh siya ano daw??
"Tss tinutulungan na nga kita oh para di ka mapahiya sa mga kaibigan mo."
"Di ako makapaniwala na sinasabi mo 'to?? Baka nasaniban ka? O kaya kinuha ka ng mga alien?? Omg"
Tapos kinutusan ako langya ang sakit 😣
"Aray naman!!" *sabay hawak sa part na kinutusan niya*
"Ikaw na din ipapakilala kong girlfriend ko."
"Hanggang kelan? Pano pag nalaman nilang di totoo tong ginagawa natin? Mas lalo lang sila magagalit sakin."
"Edi galingan mo mag-acting tss."
"Pagbubutihan ko po sorry na ah."
"Good dog."
"What?!! Anong dog?? Baka masapak kita kainis to."
"Wag ka na umarte."
Tapos naglakad na siya sumunod naman ako, di ko inaakala na gusto niyang gawin yun hays parang nung una galit na galit siya sakin tapos binigyan ako ng bagong phone tapos ngayon ito nangyari wew.
"Ethan Miguel Corpuz."
Pinagsasabi neto? Baliw na nga ata hahahaha.
"Tss di ka man lang ba magpapakilala?"
"Ay sorry na, Michaella Kristin Cortez name ko."
"Okay Tin."
"Anong Tin?? Ella na lang gagawa ka pang ibang nickname ko eh"
"Gusto ko Tin kasi wala pa tumatawag sayo nun para maiba naman."
"Ay ewan ko sayo bahala ka nga Migs"