Ken's POV
May laro kami ngayon, kaso nawawala si Ethan at di namin alam kung nasaan. Loko talaga yung lalaking yun hays, sabagay kabute naman siya susulpot na lang bigla sa tabi mo.
"Pre, tawagan kaya natin? Baka matalo tayo oh." naiinis na sabi ni Brian
"Luh? Andito kaya ako kahit wala si Ethan mananalo tayo." pagmamayabang ko.
"Ang taas ng confidence ah di ko maabot Kenneth, tsk."
"Gago ka ba? Ako nga nagpanalo sa team namin dati eh."
"Gwapo lang, pero pag hindi pa dumating yun uupakan ko siya."
"Isa lang masasabi ko sayo, goodluck."
"Maghahanap ako ng mga kasama ko."
"Isa pang goodluck Brian, kapag ikaw nabugbog ni Ethan lilibre mo ako sa starbucks ng isang linggo."
"Gago, bakit kita ililibre? Nabugbog na nga ako?"
"Tanga mo kasi."
"K."
Umalis si Brian sa harapan ko, nainis ata haha.
Nakita ko naman si Johann na naghahanap ng pwesto na mauupuan niya. Manonood pala ng laban, nice.
---
Ethan's POV
"Ano ba?? San ba tayo pupunta??"
"Pwede ba manahimik ka na lang? Daming satsat eh."
"Eh kasi naman ayaw pa sabihin eh!"
Di ko na siya sinagot binilisan ko na lang lakad ko.
"Tingnan mo to, nagpapasama tapos iiwan din pala ako."
Hindi ba to titigil?? Tsk baka nagsisimula na yung laro.
"Gym??"
"Yeah, may laro kami ngayon kailangan mong manood ng laban namin."
"Ha?? Bakit?? Di ako mahilig sa ganyan mabobored lang ako saka susunod nalang ako kela Camille kesa manood ng laro niyo."
"Subukan mo, kung ayaw mo malaman na nila katotohanan."
"Fine!! Mananakot pa eh!"
Takot naman pala. Pumasok na kami at di nga ako nagkamali andun na sila lahat ako na lang ata inaantay.
"Ano Ethan konting bilis naman oh!!" Sigaw ni Kenneth.
Di ko siya pinansin, dumeretso lang ako dun sa may upuan at nagpalit ng t-shirt wala ng time kung papasok pa ako ng locker damit lang naman papalitan ko.
"Kyaaahhh!!! Omg!!!"
"Grabee d'yan talaga siya nagpalit omg omg heaven!!"
"I LOVE YOU ETHAN!!!"
"Kyaaaahhh!!! ANG GWAPO AT HOT MO!!"
Ingay! para nagpalit lang ng damit. Hinanap ng mata ko si Tin at nakita kong nakaupo na siya sa may bandang taas, tsk ang layo naman niya.
"Hoy Ethan makinig ka kay coach!" sita ni Brian sa akin.
"Nakikinig ako."
Saka pinandilatan ng mata si Brian, nag-peace sign naman siya, tsk.