Chapter 2

121 5 1
                                    

Ella's POV

"Oh anak andito ka na pala" bungad ng mommy ko

"Hi po Ma" saka ako nagmano sa kanya

"Mukhang pagod ahh kumusta first day?"

"Okay naman Ma, haha medyo pagod nga lang pero masaya naman po madami kasi agad nangyari ngayong araw"

"Oh talaga? Edi may mga kaibigan ka na?"

"Wala pa po pero di po ako susuko Ma haha"

"Oo tama yan anak, sige magbihis ka na at magpahinga na muna habang niluluto ko pa ulam natin"

"Sige po Ma"

Pagkapasok ko sa room, binuksan ko agad yung laptop ko, tapos nakita kong may notification kaya binuksan ko. Inadd pala nila ako sa group kaya naman binuksan ko, tapos merong event na magaganap sa saturday,  "Welcome Party for the Newbies" ang nakalagay, may mga names sa baba kung sino sino yung mga baguhan, nakita ko name ko so invited ako sa party na to wow naman ang saya may ganito pala sa Siwon Academy grabe di ko alam to ah.

"Oy kakain na daw" nilingon ko kakambal ko.

"Tapusin ko lang to, tapos baba na ako"

"Okay." Matipid na sagot ni Eric tapos umalis na.

Hays salamat naman at tapos na. Iniwan ko lang ulit ang laptop at saka tumakbo pababa.

"Oh anak dahan dahan lang sa pagtakbo baka madapa ka"

"Daddy di naman ako lampa eh haha"

"Ay nako kahit na baka madulas ka masugatan ka na naman"

"Okay lang po ako haha"

"O sige na maupo ka na kakain na tayo"

Umupo na ako sa pwesto ko nakaupo na din si kambal si mommy naman kinuha yung ulam.

"Late na ba ako??"

Lahat kami napalingon sa may pintuan.

"Kuyaaaaaa!!!!!!!" Sabay takbo at yakap sa kanya "namiss kita!!"

"Hahaha hi bunso, namiss din kita." niyakap naman niya ako pabalik.

"Tamang tama pala ang dating mo Ryan, halika na rito at sumabay na sa pagkain."

"Pa, dadating din po pala si Kean ngayon, sabi niya."

"Ay? Pati si kean darating??" tanong ko bigla.

"Oo bunso"

"Anong meron at umuwi kayo??"

"Bunso naman, bawal bang mamiss kayo? Haha saka namimiss ko na din luto ni mama haha"

"Weh? Yun lang? Haha joke lang alam mo namang lagi ka naming miss eh"

"Sorry late ako!!"

Sigaw ni kean habang nagtatakbo papasok ng bahay. Hahahaha loko nasa labas pa nasigaw na. Pagpasok niya nilagay niya lang gamit niya sa may sofa tapos direcho agad sa hapag-kainan.

"buti na lang nakaabot ako, sorry Ma sorry Pa hehe"

"Okay lang yun anak atleast andito ka na, sige maupo ka na at ng makakain na tayo baka lumamig na pagkain natin."

Ng makaupo na si kean yumuko na kaming lahat at nagsimula ng manalangin si Mama.

"Amen." Sabay sabay naming salita.

Stay With Me (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon