Camille's POV
Mag gagabi na pala grabe yung tulog ko sa library hahaha 3 oras din yun, si Alex saka Ella kasi eh mga busy sa boyfriend nila huhu ako na lang yung wala..
"Camille!!!!"
Nilingon ko naman yung tumawag sakin at si Ella lang pala.
"Yow Ellabells kumusta?"
"Si Alex?"
"Ayun iniwan ako, may date daw sila ni Zeus."
"Ah hahaha, okay."
"So di ka ba magkukwento?? Yieeee" out of nowhere kong tanong kay Ella.
"Bukas na lang pag andito na din si Alex. Ay oo nga pala gusto mo pumunta samin?? Kwinento ko kasi kayo kela Mama sabi niya invite ko daw kayo minsan mag dinner. 😊"
"Ha? Hala may pupuntahan kasi ako eh halaaa sayang naman makikita ko sana si prince charming ko huhu 😞"
"Baliw hahaha sigee sabihan mo lang ako if kelan kayo free ni Alex ha para masabi ko na din agad kay mama 😊"
"Okay hahaha sige ha una na ako see you tom! 😘"
"Byeeee!!"
At naghiwalay na kami ng lakad alam ko sasakay pa yun ng jeep eh. Pupuntahan ko pa kasi yung pinsan kong kakarating lang galing ibang bansa yiieee makikita ko na ulit si ate Hara ☺️
Habang naglalakad ako biglang may tumigil na sasakyan sa gilid ko 😑 kilala ko na kung sino to
"Yo baby, halika na hatid na kita."
Nakatitig lang ako sa kanya sarap dukutin ng mata arrgghh =__=
"Eww wag mo nga akong tawagin ng ganun kadiri ka eh shoo umalis ka na nga!!"
Bababa pa sana siya ng kotse niya kaso tumakbo na ako. Pagkarating ko sa may mcdo pumasok agad ako at dumirecho ng cr. Tumawag agad ako kay Alex
Calling Alexaaaaa.....
[hola amigo problema mo?]
"Ay kingina Alex laging ganyan bungad mo sakin ah."
[hahaha sorry na so what's up?]
"Sunduin mo ako dito sa may mcdo, andito yung stalker ko na weird. Bilisan mo!"
[whut??? Okay okay papunta na kami dyan]
"Okay, magaantay ako dito ha subukan mong wag pumunta dito masasapak kita."
[grabe ka naman sakin friend hahahaha malapit na kami ni girly ciao]
"Okay."
Inend ko na ang call tapos lumabas na ng cr sabay pila bili muna akong pagkain. Pagkatapos ko magorder naghanap agad ako ng table saka umupo.
"Buti naman at lumabas ka na baby."
Ahhh! kelan ba ako lulubayan neto?? Kainis naman ohh. Hindi ko siya nilingon at kumain na agad pero ang loko umupo sa harapan ko ayy 😑
"What the hell??!!"
"Grabe naman makasigaw babe hahaha"
"Gago!!"
"Sshhh" hahawakan niya sana kamay ko pero inalis ko na agad sa table tss kainis!!
Tinawag ko agad yung isang crew at pinabalot yung inorder ko na pagkain. Pagkabigay sakin tumayo na ako at aktong aalis kaso bigla niyang hinawakan braso ko.