"Tara sa mcdo!" Pag-aaya ni Nikki
"Mcdo na naman?"
"Oh bakit? Akala ko ba--"
"Oo na! Jusko imemention mo naman siya eh!"
"Hahaha nako Yanna inlove ka na nga dun sa lalaking yon." sabay nag tawanan sila ni Aya.
"Hoy Nikki! Manahimik ka dyan!"
"Defensive ate mo Yanna hahaha."
"Ewan ko sainyong dalawa! Tara na nga!"
"Kunwari pa kasi na ayaw eh hahaha." Pang-aasar ni Nikki.
Tiningnan ko sila ng masama kaya tumahimik na silang dalawa. Habang naglalakad napapaisip ako kung andun nga ba siya or wala na naman hays, minsan ko nalang kasi siya maabutan sa mcdo since nagbago ang sched ng pasok ko.
"Yanna, ano order mo? Ako na mag-oorder hanap na kayo ng ma-uupuan natin."
"Yung usual order ko."
"Coke or orange juice?"
"Orange juice."
"Okay."
"Ako mag-oorder sa sarili ko ah wait mo ako dito." sabi ni Aya
"Sure."
Tapos naghanap na kami ni Aya ng table. Nakakita ako ng sakto sa'ming tatlo kaya binilisan ko lakad ko since may ibang estudyante rin ang naghahanap ng vacant table.
"Bilis talaga ng mata mo makahanap hahaha."
"Ako pa ba?"
"Sige mag-oorder lang ako ng pagkain ko."
Tumango naman ako at umalis na si Aya. Nilibot ko yung paningin ko baka sakaling makita ko siya eh. Pero wala okay na-disappoint ako kasi wala na naman siya hays. Bigla namang may nahulog na ballpen sa may gilid ko kaya kinuha ko ito at inabot sa may ari nung ballpen kaso...
"Thanks." pagkakuha niya sa ballpen niya.
"Uhm, you're welcome."
Tapos ngumiti lang siya. Okay kalma lang Yanna wag kang kikiligin please omg. Huhu paano siya pala yung lalaking nakaupo sa katabing table namin pero hindi ko napansin! Pero masaya ako! Andito siya! Nakita ko crush ko omg!
"Walang orange juice kaya sprite nalang pinapalit ko."
"Okay lang, thank you Nikki."
"Wow may himala na ba?"
"Loko ka!"
Tapos nagtawanan na naman silang dalawa ni Aya aba! Lagi nalang nila akong pinagtatawanan! Tsk.
Kinuha ko na yung pinaorder kong pagkain saka sinimulang kumain. Habang nagkukwento si Aya about sa boyfriend niya napapatingin ako sa gawi ni crush huhu kahit nakatalikod ang gwapo niya omy!
"Yanna, ikaw? Kelan mo balak sagutin si Adrian?"
"Wala akong balak sagutin yun." kalmadong sagot ko kay Nikki
"Eh bakit patuloy pa din siya sa panliligaw sa'yo?"
"Aba ewan ko, parang hindi niyo alam yung kwento?"