Ella's POV
Mamaya na yung welcome party!!! Excited na ako haha kasi ipapakilala na kaming transferees sa buong school, ganito daw kasi dito parang tradisyon na nilang i-welcome lahat ng transferees.
"So anong damit isusuot mo Ella?" Tanong ni Alex
"Hmm, siguro dress lang tapos sandals? Hehe di naman ako mahilig sa mga pangsexy na damit eh."
"Syempre welcome party yun oh hahaha don't worry ako na bahala sa dress mo pahihiramin kita kaya mamaya casual lang ang isuot mo tapos palit ka na lang dito sa school."
"Okay." Masayang sambit ko kay Alex
"Sureness basta ikaw Ella." Sabay kindat sa akin
Bumalik na siya sa pagkain ng cake niya, si Camille naman ay umalis nandito daw kasi sa school pinsan niya sinamahan niya lang.
Nagulat naman ako nung biglang may sumipa sa kinauupuan ko.
"Ano bang prob---lema mo....ikaw pala Migs hehe hi? 😅"
"Tss."
Tapos may mga lalaking tumatakbo at nagsisigaw papasok sa canteen, nagulat naman ako nung biglang nagtago si Migs sa ilalim ng lamesa nagkatinginan lang kami ni Alex.
"Huy Migs bat ka nagtatago??"
Pero hindi siya sumagot sumenyas lang siya na wag daw ako maingay so tumahimik na lang din ako baka ako pa awayin nyan eh sungit pa naman.
"HOY ETHAN!! LUMABAS KA NA!! DAHIL SAYO KAYA TAYO NATALO!! KAYA IKAW ANG GAGAWA NG PUNISHMENT!!!"
sigaw nung isang lalaki, kaya pala hahaha oo nga pala natalo sila Migs pano kasi puro si kambal yung binabantayan eh mabilis makabasa ng galaw si kambal kaya di sakanya pinapasa ang bola hahaha.
"YUHOO ETHAN!!"
natatawa ako sa mga naghahanap sa kanya hahaha samantalang si Migs andito lang sa ilalim at di na maipinta yung mukha 😂 tapos bigla ko na lang narinig pangalan ko.
"MICHAELLA!!"
nilingon ko naman siya tumakbo talaga siya papunta sa pwesto ko hahaha baliw talaga tong si Brian
"Oh bakit??"
"Nakita mo ba si Ethan??"
"Ha?? Ano uhm hindi? Hehe."
"Andito siya....kanina kaso umalis nung narinig niya mga sigaw niyo minsan kasi ang bobo niyo din hays."
Natawa na lang ako sa sinabi ni Alex kasi naman akala ko sasabihin niyang andito sa ilalim si Migs eh.
Oo nga pala yung punishment na binigay nung coach nila eh magsusuot ng Mascot mamaya sa party at si Migs yung magsusuot nun hahaha di na ako makapagantay na makita siyang nakasuot ng mascot hahahaha 😂
"Geez napakaingay talaga nila tsk kaistress."
"Hayaan mo na hahahaha."
"Tawa pa tsk."
"Sorry na po, tatahimik na po ako."
Umalis na lang bigla si Migs ng walang paalam, ang moody talaga non.
"Hi guuyysss!!!" Masilang bati ni Camille
"Hi Camille."
"Oy bruha tagal mo ah hahaha."