~MYCA~
Kinabukasan, maaga akong bumangon para ipaghanda ng almusal yung magkapatid. Syempre, alam ko naman yung pinasukan ko.
Baka mamaya sungitan pa ko ni Vince pag nagising siyang walang almusal. Maging monster pa nang di oras.
Nagluto ako ng sinangag, tapa, hotdogs, eggs. Nagtimpla na din ako ng kape. Oo, marunong akong magluto dahil halos lahat ay ginawa ko para ma-please ang mga magulang ako. They wanted me to become good at everything so I just did what I had to do.
I was humming while cooking when I heard someone spoke from behind.
"Morning."
I turned around and saw a demigod. Charot! Si Vince na naka-white shirt at shorts na above the knee, bed hair and all.
Sobrang hot lang kasi talaga ni Vince jusko. Nalalaglag lahat nang dapat malaglag. Haha
"Quit ogling me, Myca."
Anak ng pating. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko mula sa mapupulang labi niya. Hmm.
Namula ako sa sinabi niya kasi totoo naman. Pero di ko naman kasalanan na masyadong nakakabighani siya sa umaga. Basta huwag lang siyang magsasalita.
Tumikhim ako at pasimpleng ngumiti.
"Good morning, Sir Vince. I've prepared-- ahem nagluto ako ng almusal," nakangiting sabi ko. Kailangan kong tandaan na hindi dapat mahalata ni Vince na galing ako sa isang may kayang pamilya. Or else I'll blow my cover.
Hinila niya yung upuan at naupo na siya.
"Drop the Sir. Call me Vince," sabi lang niya.
Hmmm... Parang mabait yata siya pag umaga?
"Okay," nasabi ko na lang. Kinuha ko yung kapeng tinimpla ko at binigay ko sakanya.
"Thanks. Sit down and join me," aniya.
"Ha?"
Tiningnan lang niya ko. Malalim na tingin. Haaay.
"Sabi ko samahan mo kong kumain," ulit niya.
"P-pero... si Sir Vann?"
"Mamaya pa babangon yon, kaya samahan mo akong kumain. I don't want to eat alone."
Bakit kahit parang ang sungit ng pagkakasabi, ang hot pa rin ng dating?
"O-okay," sabi ko na lang at umupo.
Nagsimula nang kumain si Vince habang ako eh nakatingin lang sakanya... naghihintay ng reaksyon.
Nahalata yata niya ang pagtitig ko kaya tiningnan niya ako at pinagtaasan ng kilay.
"What?"
Grabeng kasungitan! Di ba pwedeng sabihan niya ko kung masarap o hindi yung pagkain na niluto ko???
"W-wala. Hehe Eat well." Tipid na sabi ko.
What the heck. Eat well??? Sinong katulong ang nagsasabi ng ganon sa amo??
Kumuha ako ng kanin at ulam at nagsimula na ding kumain. Sobrang awkward!
"Your cooking is good," mayamaya ay sabi niya.
Napatingin ulit ako sakanya at ngingiti na sana pero...
"Bagay ka ngang katulong ko," dagdag na sabi niya. At ngumisi.
Ahhh. Myca. Magtimpi ka. Magtimpi ka.
"Ahhh uhhh. Salamat po, Sir. Buti naman at nagustuhan niyo," punung puno ng sarkasmong sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/8219175-288-k125559.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. Broke
RomansaThey met in an unusual way. Vince was trying to forget the love he just lost while Myca was running away from an arranged marriage, penniless. He was heartbroken, she was broke. And fate has better plans for the two of them.