Chapter 51

903 35 1
                                        

-MYCA-

Tahimik na sinusundan lang ako ng tingin ng mga empleyado dito sa opisina habang naglalakad ako papunta sa harap nila. Sinabi ko kay Dad na papasok pa rin ako kahit na may mga nagkalat na masasamang balita tungkol sa akin.

Hindi ko hahayaang matalo ako ng mga pekeng balita. Hindi ko hahayaang mawalan ng saysay ang ginawa ni Vince para sa akin. Nawala na rin yung mga pekeng videos dahil na rin sa tulong ni Dad na ginamit ang mga koneksyon niya para matigil ang pagkalat ng mga ito.

At saka dahil sa ginawa ni Vince, halos wala nang mabalita tungkol sa akin. Nabaling ang mga balita at haka-haka tungkol sa kanya at kung ano ang katauhan niya.

In just one day, the news about me had toned down, but the media was now going after him.

Vince assured me that he will be fine. Pero kahit naman malaki ang tiwala ko sakanya, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.

"Give me a month. I promise you that everything will be fixed in one month. Will you wait for me?" tanong niya sa akin kaninang umaga bago sila umalis ni Vann.

He wouldn't tell me kung anong plano niya. Basta ang sabi lang niya, pag-aaralan niya ang takbo ng kompanya nila.

"I have waited for you all my life, Mine. One month is nothing."

Mawawalay lang kami saglit sa isa't isa pero hindi kami maghihiwalay.

At sa mga panahong magkalayo kami, gagawin ko rin ang lahat ng kaya kong gawin para sa sarili ko.

At sisimulan ko ito ngayon dito sa kompanya.

Tinipon ko ang mga empleyado dito sa lobby, regardless kung ano man ang posisyon nila.

Tinanguan ako ni Dad, hudyat na pwede na akong magsimula.

Huminga ako nang malalim para makahugot ng lakas ng loob.

"Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako po si Myca Rian Lee, ang nag-iisang anak ng mga magulang ko."

Napakunot-noo ako nang may ilan na mahinang natawa. May mali ba sa sinabi ko?

Napatingin ako kay Dad. Maging siya ay nakayuko at nagpipigil ng tawa. Bakit ba?

Tumikhim ako at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Alam ko pong nabigla kayong lahat sa mga narinig at nakita niyong balita. Pero nais ko pong ipaalam sainyo na hindi po ako ganoong klase ng babae. Hindi dalawa ang puso ko para magmahal ng dalawang lalaki."

Nakita ko kung paanong nakinig silang muli sa mga sinasabi ko kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.

"Yes, I refused to be married to someone I don't love dahil sino ba naman ang gugustuhin iyon diba? Pero dahil sa pagtanggi kong iyon, nakilala ko ang taong alam kong mamahalin ko hindi lamang ngayon kung hindi habang-buhay."

"I found my happiness when I decided to get lost. But his love took me back to this place. Maaari niyo po akong paniwalaan, maaari rin pong hindi pero isa lang ang gusto kong hingin sainyo... Sana'y suportahan niyo po ako, hindi sa darating na eleksyon, kundi sa pagpapalagong muli ng kompanyang ito. Pinapangako ko po hinding-hindi babagsak ang kompanya, at walang kahit isa sainyo ang mawawalan ng trabaho dahil gagawin ko ang lahat para masolusyunan ang dapat solusyunan. But I can't do this alone, so I am asking all of you, please lend me your strength," sabi ko at pagkatapos ay yumukod sa harap nila.

Lumipas ang ilang sandali at ang tanging meron lang ay katahimikan. Mabilis ang tibok ng puso ko. Paano kung hindi nila ako tanggapin?

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng isang palakpak at nang tingnan ko kung sino iyon, pakiramdam ko binalot ng kakaibang saya ang puso ko.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon