-VINCE-
"Shhh, Mine... Stop crying. It's okay now. I'm here, hmm?" pagpapatahan ko kay Myca.
Mahigpit na nakayakap pa rin siya sa akin habang humahagulgol. It must have been quite a nightmare.
"P-pero k-kasi dun sa panaginip ko—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil umiyak ulit siya.
Hinagod ko ang likod niya at hinaplos ang buhok niya.
"Calm down now, Mine. Kung ano man yung panaginip mo, hindi yun totoo. Tahan na."
Pero sa halip na tumahan, lalo siyang kumapit sa akin at yumakap na halos nakakandong na siya sa akin.
"H-hindi ko kasi matanggap. Namatay ka dun sa panaginip ko, Vince. It felt so real. Ang sakit-sakit," parang batang sumbong niya at patuloy pa rin sa paghikbi.
Natigilan ako. Ah, I see.
No wonder she couldn't stop crying. Kasi kung ako rin iyon, baka namatay na lang din ako sa bangungot.
"Pero narito ako, Myca. At patay pa rin. Patay na patay pa rin sa'yo."
Naramdaman ko ang pagtigil niya sa pag-iyak pero ilang sandali pa ay humagulgol ulit siya at pagkatapos ay hinampas ako sa dibdib.
Mahinang natawa ako.
"Bakit? Hindi ka kinilig?"
Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko.
"Hindi. Kasi sobrang corny no'n. Bakit ba hindi ka nagre-research kasi, Mine? Ang luma-luma lagi ng mga pick-up lines mo," nakangiting sabi niya habang namumugto ang mga mata.
"Ahh, corny pala, ha?" sabi ko at sinundot siya sa tagiliran.
Mabilis na lumayo siya sa akin habang humahagikgik.
"H-Hindi na corny! Kinikilig na ako... M-Mine! Hahaha!" tumatawang sabi niya habang patuloy ko siyang kinikiliti hanggang sa mapahiga siya.
Now, I was in the perfect position to stare at her.
I gently touched her face – bare and beautiful.
Her eyes were now shining, not with tears, but with happiness.
"Myca... please always remember... Not even death could take me away from you. I love you, and I will always be with you, I promise," I said and gave her a quick kiss on the lips.
"Hmmm... Ngayon kinikilig na talaga ako!" she said smiling and pulled my head so she could kiss me.
How could I not want to marry her when she makes me fall deeper each time she initiates a kiss?
Ahh, yes. I could live with just this.
-MYCA-
"Bakit ang laki ng bag mo, Mine?" tanong ni Vince habang nasa daan kami at papunta sa kung saan man niya ako gustong dalhin.
Napatikhim ako.
"Bakit ba? Lagi namang malaki ang bag ko, di ba?"
He smirked.
"Ahh, right. Basta ba wala kang balak takasan ako," natatawang sabi niya.
"Hah! Wala 'no. Forever ka nang connected sa akin. At hindi ako papayag na hindi. Kaya Mine, manigas ka."
Malakas na natawa siya at pagkatapos ay nakangising tiningnan ako.
Okay, his grin definitely meant something.
BINABASA MO ANG
Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. Broke
RomanceThey met in an unusual way. Vince was trying to forget the love he just lost while Myca was running away from an arranged marriage, penniless. He was heartbroken, she was broke. And fate has better plans for the two of them.