Chapter 27

1K 28 1
                                    

-VANN-

Madaling-araw na ako nakauwi kaya ngayon ay tinanghali ako ng gising.

Lumabas ako ng kwarto para makakain na dahil sobra na yung gutom ko. 

Natigil ako sa paglalakad at napatingin kay Myca na busy sa pagkausap sa mga halaman ko.

 Mayamaya pa ay para siyang napatanga sa mga iyon at bigla na lang ngumiti. 

"Hindi kaya mamatay yang mga halaman ko niyan? Nasosobrahan ka ng dilig, Myca," puna ko sakanya na nakangiti pa rin habang inilulubog sa tubig yung mga halaman ko.

Agad na napatingin siya sa akin at pagkatapos ay sa mga dinidiligan niya.

"Hala! Halaaaa. Sorry, Bea! Sorry, Trixie! Sorry, Winry!" hingi niya ng paumanhin sa mga halaman ko na binigyan niya ng pangalan. Weirdo.

Pinigilan kong matawa sa reaksyon niya at agad na pinatay ko yung faucet para matigil yung daloy ng tubig saka ko kinuha mula sa kamay niya yung hose. 

"Ano ba kasing meron at lutang ka na naman? May nangyari ba kagabi?" tanong ko. 

Dahil nga hindi ko sila nakasalo sa agahan, wala akong alam kung anong nangyari sa date nila kagabi.

Pero kahit hindi yata ako magtanong, alam ko nang may magandang nangyari.

Hindi ko alam bakit pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko habang hinihintay ang sagot ni Myca.

Lumapit siya sa akin at bumulong sa tenga ko.

"Hindi na ako virgin, Vann," mahinang sabi niya at pagkatapos ay humagikgik.

Napahigpit yung hawak ko sa hose at nabura yung ngiti ko pagkarinig ko sa sinabi niya.

What the fuck? Ganun kabilis? 

"Are you serious?" ulit na tanong ko.

Knowing Myca, baka ma-misunderstand ko siya. Mali-mali 'to lagi eh.

She just nodded and then smiled again.

"Kayo na ba?" 

Coz hell will rise if they did it without being officially together! Ako pa ang unang susuntok kay kuya.

"Oo. Mine pa nga yung tawagan namin eh!"

Ha. Of fucking course. 

"Ahh.. Congrats. Finally, huh?" sabi ko at pagkatapos ay binatukan siya. "Kagabi lang naging kayo tapos bumigay ka na agad?!"

"Aww! Bakit ba? Diba sabi mo yun yung iregalo ko?"

Parang gusto kong suntukin yung sarili ko. She took that seriously?! Damn, Myca!

Tinanggal niya yung kamay ko sa ulo niya at pagkatapos ay malakas na tumawa.

"Joke lang, baby bro! Walang nangyari, muntik lang," natatawa pa ring sabi niya.

Ginulo ko yung buhok niya bago siya tinalikuran.

"Not a good joke, Myca," sabi ko at iniwan na siya. 

It was not a good joke, but I felt relieved. Damn me.

-MYCA-

Tingnan mo yun! Agad na sinundan ko si Vann.

"Meron ka ba ngayon, baby bro? Sungit mo!" sabi ko nang mahabol ko siya.

Agad na kinuha ko yung ulam at ininit yon para sakanya.

"Sablay naman kasi yung joke mo," ani Vann at umupo na at nangalumbaba sa mesa.

"Gusto ko lang makita yung reaksyon mo, sorryyy. Nga pala, anong oras ka umuwi kagabi? Nan-chix ka 'no?" 

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon