-MYCA-
"Ma'am Myca, may mga ipinadala po si Sir Vince para sa iyo."
Sabay-sabay na napalingon kami nina Dad at Mom nang marinig namin ang boses ni Len.
Namilog yung mga mata ko nang makita kong mga basket ng prutas at gulay iyon.
Oh my God!
Nakakaloka si Mine! Mukha bang bahay-kubo itong bahay namin?!
"Why would Vince give you fruits and vegetables instead of flowers?" rinig kong tanong ni Dad.
Agad na dumagsa ang kaba sa dibdib ko. Malamang ipinadala ni Vince ang mga ito dahil sa pagbubuntis ko. Kaso wala pa sa plano namin ang sabihin kina Dad iyon hangga't hindi tuluyang naaayos ang gulo sa mga kompanya namin.
Mabilis na nag-isip ako ng dahilan.
"A-ano... Uhm... Ah! Allergic kasi siya mga bulaklak, Dad. T-tama! Allergic nga siya! Kaya sabi ko noon, huwag na niya akong bigyan ng bulaklak," palusot ko. Sana lang huwag na silang magtanong pa.
"May bulaklak pa rin naman, Ma'am Myca. Eto oh, cauliflower," sabi ni Len na ipinakita pa yung cauliflower.
Ilang sandaling nakatingin lang ako do'n at pagkatapos ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumunghalit ako ng tawa na sinundan nina Dad at Mom pati na yung mga kasambahay at mga guards.
Nakakaloka talaga! Sobrang nakaka-good vibes itong pakulo ni Mine!
"I'm happy for you, Myca, anak. Mahal na mahal ka ni Vince," ani Mama at hinawakan ang isang kamay ko.
Napangiti ako.
"Mahal na mahal ko rin po siya, Mom."
"So, when's the wedding?"
Naubo ako sa tanong na yun ni Mom.
"W-wala pa po. Marami pa kaming dapat ayusin, eh."
I mean, oo nakapag-propose na siya at tumataginting na Yes ang sagot ko pero hindi pa naman talaga namin napag-usapan ang kasal.
Saka hindi naman ako nagmamadali. If it's Vince, I could wait forever.
"Hmm..."
Napatingin ako kay Dad sa tinuran niya. Bakit parang siya yung walang masyadong sinabi ngayon?
"Yes, Dad? Ano po yun?"
"Nothing," aniyang may misteryosong ngiti sa labi bago uminom ng kape.
Tatanungin ko pa sana siya ulit nang mag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Pasimpleng sinilip ko kung sino yun at nang makita kong tumatawag si Vince, agad na nagpa-excuse ako kina Mom at pumunta sa kwarto ko.
"Hello, Mine."
"Wife, did you like my gifts?"
Jusko. Kulang na lang lumabas yung puso ko sa biglang pagbilis ng tibok niyon dahil sa tinawag sa akin ni Vince!
"M-M-Mine! Oh my God. Pwedeng sandali? Titili lang ako saglit. Grabe ka! Umagang-umaga!"
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.
"Why? Kinilig ka agad? I'm not even trying, Mine."
Rinig ko ang pagkatuwa niya sa kabilang linya.
Bakit habang tumatagal lalong gumagaling magpakilig itong si Vince?! Pakiramdam ko tuloy anytime pwede akong atakihin, eh!
"E-Ewan ko sa'yo! Magdamag ka bang nagsaliksik, ha? Ang dami mong baon ngayon!"
Tinawanan lang niya ako ulit.
BINABASA MO ANG
Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. Broke
RomanceThey met in an unusual way. Vince was trying to forget the love he just lost while Myca was running away from an arranged marriage, penniless. He was heartbroken, she was broke. And fate has better plans for the two of them.