Chapter 46

923 24 1
                                        

-VANN-

The house felt empty without Myca around. Hindi ko kaya yung nakakabinging katahimikan sa bahay kaya lumabas ako para magliwaliw.

Patuloy lang ako sa pag-drive ng sasakyan at walang partikular na mapupuntahan nang may makita akong pamilyar na pigura.

Nasa loob siya ng isang coffee shop habang nakatayo sa harap ng isang lalaki at isang babae na akbay-akbay ng nauna.

She was definitely trying to make a scene dahil kinuha niya iyong isang basong tubig at itinapon iyon sa mukha nung babae.

Gwen was fuming mad. I can almost see her nostrils flare. Mabilis na itinabi ko yung sasakyan at nag-park sa tapat ng coffee shop.

"Bagay talaga kayong magsama, isang chimpanzee, at isang gorilla," I heard her say when I came in.

"Oh, wait. Hindi pala. Kasi kawawa naman yung mga hayop kung ikokompara ko sila sainyo. Dahil ang mga hayop, loyal sa mga kaibigan at partner nila. Eh kayo? Hindi na nga loyal yung boyfriend, ahas pa yung bestfriend ko," malakas na sabi niya.

All people were now staring at them and they were clearly enjoying the show.

"Will you stop being pathetic, Gwen? Why can't you just leave us alone? Kahit anong pilit mong ibalik kung ano tayo dati, hindi na mangyayari iyon. Wala na akong ni katiting na pagmamahal na nararamdaman sa iyo," the bastard said.

Nakita ko kung pa'no kumibot ang labi ni Gwen. Her chest rose up and down as she was trying to hold her tears.

Tarantadong lalaki 'to, ah.

Naglakad ako palapit sa kanila pero bago pa ako makasingit sa usapan, dinampot ni Gwen yung mainit-init na kape sa tabi niya itinapon niya iyon sa mukha ng pangit na lalaki.

"What the fuck?!" Galit na sabi nito at agad na tumayo. Akmang sasampalin niya si Gwen nang humakbang ako sa harap niya at hinawakan nang mahigpit ang kamay ng gagong lalaki.

"Don't you dare lay a hand on her, fucker," I said menacingly.

Nasanay yata ako sa pagmamahal na pinapamalas ni Kuya sa mga babaeng minahal niya kaya hindi ko kayang makitang minamaltrato ng isang tulad kong lalaki ang babaeng gaya ni Gwen.

"Vann?" anang tinig sa likod ko.

Tiningnan ko si Gwen na nakangangang nakatingin lang sa akin. Tila hindi makapaniwalang may taong lalapit at tutulong sakanya.

"Gwyneth, don't tell me na iniyakan mo ang mukhang 'to? Eh mas gwapo pa yung aso ko dito eh," sabi ko.

Nailagay ni Gwen yung isang kamay sa bibig niya at tumawa kasabay ng mga taong nanonood sa amin.

"Aba't gago ka, ah!" sabi ng lalaki at akmang susuntukin niya ako na mabilis na naiwasan ko kaya nawalan siya ng balanse at dire-diretsong humalik yung mukha niya sa semento.

Yumuko ako nang konti para idiin yung ulo niya lalo roon.

"Mas bulag ka pa pala dito kay Gwen. Or what, were you shadow boxing?" nakangising pang-aasar ko.

Kumuha ako ng pera sa bulsa ko at inilagay ko yun sa ulo niya.

"Bayad namin sa kape," sabi ko bago tumayo at hinawakan si Gwen sa baywang at lumabas ng coffee shop na iyon.

Her shoulders were shaking.

Seryoso, iniiyakan niya iyon?

Pakakalmahin ko na sana siya pero nagulat ako nang bigla siyang tumawa nang malakas at hawak-hawak pa niya yung tiyan niya.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon