-VANN-
Hindi ko kahit kailan naisip na makakayang gawin ni Kuya ang balak niyang gawin – ang makipagkita sa taong siyang dahilan kaya nawalan siya ng anak.
The man who ruined his life – that very same man was our father, Kai Torres.
Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela nang sa wakas ay makarating kami sa matayog na building ng Torres Group of Companies.
Ilang taon na ba ang nakalipas nang huli akong nakatapak dito? Mahigit sampung taon na yata. Simula noong maghiwalay sina Mom and Dad.
"Vann, take the car. You can stay here or go somewhere and wait for my call," seryosong sabi ni Kuya habang inaalis ang seatbelt niya.
"Ipa-park ko muna itong sasakyan then I'll follow you. I won't let you go there alone, Kuya."
Dahil alam ko kung ano ang pwedeng mangyari. He hated our father to his very being. Kaya maging ako ay kinakabahan sa gagawin niyang ito.
Tinanguan lang niya ako bago bumaba ng sasakyan.
Nakita ko kung paanong kumuyom ang mga kamay niya, kung paano siya huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili niya.
It had been years but the scar my father caused never faded.
Mabilis na naghanap ako ng parking para masundan ko na sa loob si Kuya.
-VINCE-
Calm down, Vince. You are here for Myca, remember that.
Bago ko pa maitapak ang mga paa ko sa loob ng gusali, hinarangan na ako ng guard na nakabantay.
"Excuse me po, Sir. Pwede po bang manghingi ng ID? Hindi po kasi kami pwedeng basta-basta magpapasok ng kung sino."
Mabilis na kinuha ko yung wallet ko sa bulsa at ibinigay sa guard ang isang valid ID.
I saw how his eyes widened. At bago pa siya makapagtanong kung sino ako, nagpakilala na ako.
"I'm Vince Torres. Your boss is my f-father."
Halos isuka ko ang salitang binitawan ko. Matagal ko nang kinalimutang ama ko siya.
Agad na yumuko ang guard at hindi malaman kung paano hihingi ng tawad.
"Sir Torres, paumanhin po! Hindi po namin alam na kayo po pala ang isa sa mga anak ni Sir Kai."
Sir Kai? Kailan pa nagpatawag sa ganoong paraan ang lalaking iyon?
Tinanguan ko na lamang siya at dire-diretso na akong naglakad papasok.
Hindi ko na kailangang malaman kung saang palapag naglalagi si Kai Torres. It will always be the top floor because that man always wanted to be at the top kesehodang ang kapalit noon ay ang pamilya niya.
Nang makarating sa top floor, nakita ko kung paanong mapatayo ang sekretarya niya. Mukhang nairadyo na nung guard na narito ako kaya hindi na siya gaanong nabigla.
"Is Kai Torres inside?" diretsong tanong ko.
Nakita ko kung pa'nong napalunok ang babae sa paraan ng pagtawag ko sa pangalan niya.
"Y-yes, Sir but—"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at naglakad na ako papunta sa nakasaradong pinto ng opisinang iyon.
Sa bawat hakbang ko ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
At nang sa wakas ay mabuksan ko na ang pinto at makita ang mukha ng taong kinamumuhian ko, parang biglang nabuksan muli yung sugat na naghilom na o inakala kong naghilom na.
![](https://img.wattpad.com/cover/8219175-288-k125559.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. Broke
RomanceThey met in an unusual way. Vince was trying to forget the love he just lost while Myca was running away from an arranged marriage, penniless. He was heartbroken, she was broke. And fate has better plans for the two of them.