Chapter 42

1K 28 0
                                    

-MYCA-

"Mine, pahiram pa ng shirt mo," sabi ko dito kay Vince.

Hapon na kami nagising kasi natulog pa muna kami ulit pagkatapos ng makaubos lakas na pag-uusap namin.

Kung kahapon sobrang bigat ng pakiramdam ko, ngayon naman ay sobrang gaan ng feeling ko. Para akong nakalutang sa ere kasi wala na akong anumang itinatago at sobrang sarap lang talaga sa pakiramdam.

Lahat talaga ay madadaan sa maayos at klarong usapan.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na alam niya lahat ang tungkol sa akin! Na pareho lang kaming naglilihim sa isa't isa dahil ayaw naming magkahiwalay.

Kinikilig ako sobra. Patay na patay din pala sa akin itong si Mine dati pa!

Kasalukuyan, naghahanap ako ng pwedeng maisuot. Wala na akong bikini na dala kasi nga wala naman sa plano ko ang abutin ng dalawang araw dito sa Boracay kaya isang swimsuit lang ang binili ko.

Yung tusukan lang ang successful sa plano ko. Yung pinakamasayang part. Hehe

Patuloy lang ako sa pagkalkal ng ternong bra at panty ko nang biglang may lumitaw na paper bag sa harapan ko.

Tiningnan ko si Vince. Medyo namumula yung tenga niya at nakaiwas ang tingin sa akin.

"Ano 'to?" tanong ko at kinuha iyon.

Napakamot siya sa likod ng ulo niya.

"Just open it."

Naupo ako sa kama at binuksan yung paper bag.

Unang bumungad sa akin ay yung white two-piece swimsuit na may conservative na cut. Tapos sa ilalim no'n ay isang black na Maxi Dress as cover-up. Spaghetti-strapped 'yon at may malalim na uka sa harap at likod. Sobrang stylish!

Hindi ko napigilang matawa. Seryoso? Kailan niya binili 'to?!

"Do you like it?"

Umiling-iling ako.

"Are you serious? I love it, Mine!" sabi ko at hinila siya para maupo siya sa tabi ko.

"Buti naman," nakangiting sagot niya.

"Pero kailan mo binili 'to?" curious na tanong ko.

"Kahapon. Nung nagpi-picturan kayo ni Vann. My shirt looks good on you, but I want you to look even more beautiful with the appropriate attire kaya binili ko yan sa isang shop na malapit dito."

Aww. This guy really!

Hinawakan ko yung mukha niya at saka ko siya hinalikan nang mariin sa labi. Grabe siyang magpakilig talaga!

"Thank you, Mine! Sobrang ganda nito," tuwang-tuwang sabi ko at mabilis na tumayo.

Agad na hinubad ko yung suot kong damit at undies para maisuot ko na itong binili niya.

"Myca! What are you doing?!"

Nakangising nilingon ko siya at kinindatan. His face was so red, and his eyes kept on looking up and down on my back.

"Nagbibihis? Kailangan ko pa bang magpunta sa CR eh nakita mo naman na lahat?"

Nakita ko kung paanong gumalaw yung Adam's apple niya.

I wanted to tease him more kaya naglakad ako patalikod para makalapit sakanya.

Isinuot ko yung top.

"Pakitali," sabi ko at tiningnan siya.

Napahalakhak ako nang manlaki yung mata niya at mahinang mapamura.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon