Chapter 13

1.2K 45 0
                                    

-MYCA-

"Vince likes watching movies especially yung mga may superheroes like Marvel."

Yun ang isa pang sinabi sa akin ni Sugar kaya naman ang balak ko ngayon, ayain si Vince na mag-movie marathon.

Pero siyempre para hindi halata, kailangan ko ng props.

"Psttt! Vann! Psssstttt!" tawag ko kay Vann na kasalukuyang nasa balcony at kinakausap yung mga halaman niya at dinidiligan.

"Vaaaannnn!" bulong ko na medyo pasigaw.

Sa wakas ay humarap siya.

"Oh, Myca. Bakit?" malakas ang boses na sabi niya.

Nilapitan ko siya at tinakpan ko agad yung bibig niya. 

"Shhh! Huwag kang maingay!" gigil na sabi ko.

Tinanggal niya yung kamay kong nasa bibig niya.

"Ano ba yan! Bakit ang alat ng kamay mo? At bakit ba tayo bumubulong?" tanong niya.

"Nilagyan ko ng asin yung mga tilapia na lulutuin ko mamaya. Di pa yata ako nakapaghugas."

Nanlaki yung mga mata niya at pagkatapos ay umaktong nasusuka.

"Joke," natatawang sabi ko.

Pinitik lang niya ako sa ulo.

"Crazy woman. So, bakit nga tayo bumubulong?"

"Kasi ganito 'yan..." saka ako bumulong sa tenga niya. "Diba sabi ni Sugar mahilig sa movies yung Kuya mo? Ano... ayain mo kaya siyang mag-movie marathon mamaya?"

Nagulat ako nang bigla na lang magsalita itong si Vann pero hindi ako yung kausap.

"Kuya, busy ka ba mamaya? Gusto mo daw bang mag-movie marathon?" tanong niya kay Vince na nasa harapan na pala namin!

Bakit hindi ko siya naamoy agad!

"Hmm. Wala naman akong gagawin masyado. What are we going to watch?" tanong niya na sa akin nakatingin at sa kamay kong nakahawak sa tenga ni Vann na agad kong binitawan. Baka magselos pa siya, eh! Hehe

"Ano... yung Marvel sana," sagot ko. Nakita ko kung pano nagliwanag yung mukha niya na parang batang excited mabilhan ng bagong laruan.

"Yung Superman," nakangiting dagdag ko. Kasi diba sa mga superheroes si Superman yung sikat? Kaya sure ako yun ang gustong panoorin ni Vince. Kahit na hindi pa ako nakapanood ng kahit isang movie tungkol sa mga superheroes!

Kaso pagkabanggit ko ng Superman, biglang naglaho yung ngiti ni Vince at pagkatapos ay kumunot yung noo niya.

Nagulat na lang ako nang sapukin ako ni Vann.

"Crazy girl! Hindi kasama si Superman sa Marvel!" nanggigigil na sabi niya.

What?! Talaga?! Kelan pa?

-VINCE-

"Bakit ang tanda naman ng bida diyan sa Iron Man? Pero ang pogi niya, ha," tanong ni Myca kay Vann.

Nakaupo silang dalawa sa mahabang sofa habang ako ay nasa single seat na sofa. 

Myca kept on munching popcorns while watching. She seemed so engrossed kahit pa halatang first time niyang manood ng ganitong pelikula.

Pinigilan kong matawa nang maalala ko kung pa'nong sabi niya ay Marvel ang papanoorin namin sabay sabing Superman daw. Akala ko pa naman may alam talaga siya sa Marvel. 

What's weird though is I found that really funny instead of being annoyed by it.

Nakita kong nag-unat si Vann at ipinatong sa likod ng sofa yung mga braso niya kaya nagmukhang nakaakbay siya kay Myca.

Tumingin pa muna sa akin si Vann bago niya sinagot si Myca.

"Ganyan talaga iyan. Tony Stark is an adult even in the comics," aniya kay Myca.

"Ohh, I see! Pero anong name nung actor?" tanong ni Myca na humarap pa kay Vann na nakayuko naman so they looked like they were inches apart from kissing.

That kind of irritated me so I stood up and sat beside Myca. Agad naman silang napatingin sa akin.

"His name's Robert Downey, Jr. And he's the man who started it all," sagot ko kahit hindi ako yung tinanong niya.

I can't help it. RDJ became my favorite actor simula nung i-release ang Iron Man 1. His acting skills are superb. He did not become Tony Stark but rather it was Tony Stark who became Robert Downey, Jr. 

Napatingin ako kay Vann nang tanggalin niya yung kamay niya sa likod ng sofa. He was smirking at me and then he shook his head.

What is he up to this time?

"Woah... I think crush na kita," biglang sabi ni Myca habang nakatingin sa akin.

Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya. What did she just say?

I looked directly at her round, black eyes.

She blinked and then she licked her lips sabay balik ng tingin sa TV. 

"Crush na kita, Iron Man," kausap niya sa TV.

Narinig ko ang pigil na tawa ni Vann habang ako naman ay binitawan ang hiningang hindi ko napansin na pinipigilan ko pala.

My chest feels kind of weird. It feels... heavy yet warm. 

Kailangan ko na yatang magbawas sa pag-inom ng beer. Nakaka-heartburn yata iyon.

Nagpatuloy lang kami sa tahimik na panonood. 

Myca stopped asking questions and focused on the movie. She did not seem bored, she looked like she actually enjoyed it.

I'm glad. Ang saya kasi sa pakiramdam na nagugustuhan ng ibang tao ang mga bagay na nagugustuhan mo.

Kumuha ako ng popcorn pero nagkasabay kami ng kuha ni Myca. Saglit na nagdaiti yung mga kamay namin bago parang napapasong inalis ni Myca yung sakanya na may kasamang isang dakot ng popcorn.

"Grabe. Ang lakas ng spark," I heard her whisper to herself kasabay ng pagsabog ng kuta ng mga kumidnap kay Tony Stark sa movie.

'Sobrang lakas nga ng spark,'  I thought as I stared at my hand.

And then Vann's loud laugh filled the room.

What's so funny, you fool?

-VANN-

Hindi ko mapigilang matawa sa kaengotan ng dalawang 'to!

Clearly, may something sakanila but they were too oblivious to understand! 

Well, Myca being Myca - natural na sakanya ang pagiging unaware. But she's at least aware of her feelings. Sobrang sablay lang talaga niya madalas kaya kailangan niya ng proper guidance.

And Kuya - I know he was just 16 years old when he first fell in love kaya siguro hindi na siya aware kung ano yung pakiramdam ng kinikilig o ng may crush. Pero alam kong may nararamdaman na siya kahit pa'no kay Myca because he wouldn't be jealous of me if not. Also, nabawasan na ang paglabas-labas niya. Hindi na din siya masyadong nag-iinom. He was definitely better now.

I shook my head. I need some iron will and resolve para magampanan ko ang pagiging Cupid sa dalawang 'to.

Masyado silang sakit sa ulo!

But I definitely know what to do.

I will make Kuya jealous to the point of him realizing his feelings for Myca but I won't tell this to Myca kasi siguradong papapalpak ang plano ko pag sinabi ko sakanya!

Kumuha ako ng popcorn at nagpatuloy sa panonood.

Iron Man is a great movie and RDJ is a brilliant actor but I enjoy being an actor myself more.

I looked at the two idiots sitting beside me...

Kuya was looking at Myca while Myca was biting her lips halatang pinipigil ang kilig dahil alam niyang nakatitig sakanya si Kuya.

Yes, I enjoy watching this more. 

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon