Chapter 22

1.1K 34 1
                                    

-MYCA-

Iminulat ko ang mga mata ko at parang baliw na ngumisi at impit na tumili.

Bakit hindi? Yung dating panaginip ko lang, ngayon totoo na. Haaaays. 

Nakangiting bumangon ako, naligo at lumabas ng kwarto para makapaghanda na ng almusal.

Akma kong bubuksan ang ref nang may nakita akong note na nakaipit sa ref magnet.

"Mycs, went out for a quick jog. Be back for breakfast. - V"

Wala namang sweet words na nakasulat pero bakit sobra yung kilig na nararamdaman ko?!

Vince beybe! Ganito ka pala manligaw ha???

Hinalikan ko pa muna yung papel bago ko inilagay sa bulsa ko at nagsimula na akong magluto.

Napapa-hum tuloy ako sa sobrang ganda ng gising ko. Sana araw-araw ganito.

Paglingon ko para ilagay yung tapa at sinangag sa mesa, may tatlong tangkay ng daisies na sumalubong sa mukha ko bago nalipat ang tingin ko sa lalaking may hawak niyon.

"I found these in the flower shop I passed by and they immediately reminded me of you. The florist told me they symbolize innocence and purity - which were the things I particularly love about you," he said smiling.

Hindi ako makapagsalita at para lang akong tangang nakatingin kay Vince. 

He was wearing  a white shirt and a black running shorts  and looked so incredibly handsome while his ears were pink and his shy gaze was directed toward me. Namumula din pati buong mukha niya.

May mga butil ng pawis sa noo niya pababa sa leeg niya pero bakit hindi siya nagmukhang dugyot? In fact, mas nagmukha pa siyang masarap na baboy na kakatapos lang pakuluan.

Teka, ano na naman bang pumapasok sa utak ko?!

"Myca, hinga," sabay tulak nang mahina ng isang tao sa likod ko.

It was Vann.

Oh my God! I can't believe natulala talaga ako kay Vince!

"Ahm... Oh my God. Ahmm. Vince... grabe. Wooh! Dahan-dahan ka namang magpakilig. Magkakasakit ako sa puso ng di oras, eh!" sabi ko na tinawanan lang nilang magkapatid.

Inilapit pa ni Vince yung mga bulaklak sa akin.

Tinanggal ko yung apron ko at tinanggap ang mga iyon.

"T-thank you," pumiyok pa ako meged! Pano kasi, tinototoo ni Vince na kukunin niya lahat ng firsts ko! 

This is my first time to receive flowers from a guy - from a suitor to be specific.

Ganito pala ang pakiramdam - para akong nakalutang sa sobrang saya.

"Come on, kiss and make out so I can watch," biglang singit ni Vann na sumusubo na ng pagkain.

Binato siya ni Vince ng dala niyang bottled water na sinalo lang nito bago tatawa-tawang nagpatuloy lang sa pagkain.

"Uhm... I'll just take a shower. I'll be right back," paalam ni Vince at agad na pumunta na sa kwarto niya.

Ako naman ay parang baliw na sinamyo nang sinamyo yung mga bulaklak.

"Maawa ka naman sa mga bulaklak. Baka malanta nang di oras," pang-aasar ni Vann.

"Inggit ka lang. Wala kang flowers."

"Yabang natin ah... Parang kelan lang nagmamakaawa ka sa akin na tulungan ka kay kuya," nakangising sabi pa niya.

Natawa ako nang maalala ko lahat ng kalokohan na ginawa namin.

"At least worth it diba? Ako na yung nililigawan ngayon. Gusto ko na nga siyang sagutin eh kaso ayaw pa niya, liligawan pa muna daw niya ako. Ang ganda ko grabe."

"Mabait lang talaga si Kuya. Kulang ka kasi sa experience kaya pinaparanas muna niya sayo. At hindi iyon dahil maganda ka, okay?"

"Vann naman! Kitang nangangarap lang eh. Pero seryoso, salamat ha? Ikaw ang pinakamabait na brother-in-law sa balat ng lupa!" buong puso kong pasasalamat sakanya habang nakangiting ginugulo ko ang buhok niya.

Ang saya namang magka-baby brother!

"Future brother-in-law. Wag kang masyadong advance mag-isip, Ate," sagot niya at tinanggal yung kamay ko sa ulo niya.

Mayamaya pa ay tumayo na siya at akma ng aalis.

"Oh? Aalis ka na? Hintayin mo na kuya mo."

"Nah. I realized I can't watch you two make out. So gross," sabi niyang nakangiti nang nakakaloko.

Ako naman ang bumato sakanya ng pot holder na hawak ko.

"Baliw! Alis ka na nga!"

"Yeah, yeah. Pakisabi na lang kay kuya. May tatapusin lang kasi ako sa school. And Myca, put the flowers in your room. Allergic si kuya sa mga bulaklak," sabi niya bago ako iniwan na nakanganga.

What?! Kung allergic si Vince, bakit binigyan niya pa rin ako ng bulaklak? So hindi lang siya namumula kanina dahil sa hiya kundi dahil sinumpong siya ng allergies?!

At kaya ba agad siyang pumunta sa kwarto para maligo?

God, Vince. Sobra ka naman. Sobra kang magmahal. 

-VANN-

Best brother-in-law, huh? Yeah right.

"A penny for your thoughts?" 

Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. It was Sugar.

Umupo siya sa upuan sa tabi ko. Classmates nga pala kami sa subject na 'to.

"Hey," sabi ko na lang.

"You don't look like your usual self, Vann. Any problem?"

"Nah. Di ko lang ma-take ang atmosphere sa bahay. Kinikilabutan ako."

"Really? Why? May nangyari na naman ba sa Kuya mo? He looked fine the last time I saw him," ani Sugar.

"Yeah, he's fine. Well, he's more than fine actually. He finally realized his feelings for Myca and confessed to her. Nililigawan na niya si Myca ngayon."

Kinuha ko yung notebook sa bag ko at naglabas ng ballpen. Malapit nang mag-start ang klase.

"Then... why do you seem upset?"

Napatingin ako kay Sugar. She was looking intently at me as if trying to read my thoughts.

And then her face lit up, like an idea just popped in her head.

"Vann... tell me honestly. By any chance, do you also have feelings for Myca? Coz you are in a deep shit if you are,"  aniyang diretso pa rin ang tingin sa akin.

Nilabanan ko ang titig niya. Masyadong nalulong na din sa pag-ibig itong si Sugar kaya kung ano-ano ang naiisip.

"Of course not. I'm happy for Kuya and Myca, Shoo. Don't put too much thoughts on it. Allergic lang talaga ako sa mga taong lulong sa pag-ibig. Because I saw firsthand how it could destroy one person from the inside out and it does not make any sense to me."

Me? In love with Myca? Not in a million years.

She's just my future sister-in-law. Nothing more, nothing less.

Siguro kailangan ko na ring mag-explore sa ganito para hindi ako napaghihinalaan ng kung ano-ano?

I'll keep in mind to call Gwen later and tell her I'd go with her to the Senior's Graduation Ball as her partner. 

And I'm not doing this just to prove I don't feel anything for Myca.

I am doing this so Kuya and her can have some time alone and focus on their budding relationship.

Yeah, I'm the fucking best future brother-in-law.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon