Chapter 57

879 25 1
                                        

-VANN-

Bakit ba ako napasali dito?

Sina Sugar at Klint, magkatabi pero magkatalikuran. Sina Myca at Kuya naman magka-hawak kamay at nagbubulungan. Si Dad naman ay tahimik na sumisimsim lang ng wine mula sa kopita niya.

Habang ako ay tahimik lang na nakaupo at pinagmamasdan silang lahat.

I have never felt so single until this moment. Damn.

Sobrang tahimik dito sa loob ng sasakyan. Walang may gustong magsalita.

Hindi ko nga rin alam kung bakit kailangang isama kaming lahat ni Dad kung saan man kami pupunta.

Napatingin ako sa gilid ko nang maramdaman kong may humihila sa manggas ng damit ko.

"Ate, bakit?" tanong ko kay Myca na nakausod na pala palapit sa akin.

She made these weird gestures and I did not understand a thing of what she was trying to say.

"What the heck are you doing? Magsalita ka kaya."

Impit na tumili siya nang mahina bago ako hinila sa tenga.

"Ang slow mo talaga kahit kelan, Baby Bro! Hay naku!" bulong niya sa tenga ko.

At siya pa talaga ang may ganang sabihan ako ng ganyan. Babaeng 'to talaga.

"Ewan ko sayo, ate. Di ka na lang kasi magsalita, diba?"

"Shhh! Huwag ka ngang masyadong maingay. Baka mapansin tayo ng Daddy mong parang principal," bulong pa rin niya.

"Principal?"

"Basta! Nga pala, yung tanong ko kasi ito... Alam mo ba kung saan tayo pupunta?"

Tinanggal ko yung kamay niya sa pagkakahawak sa tenga ko at saka ko siya matamang tinitigan.

"Mukha bang alam ko kung saan?"

"Hindi," sagot niya tapos biglang lumungkot ang mukha.

"Oh, bakit ganyan reaksyon mo, ate?" curious na tanong ko.

"Eh kasi naman aayain ko lang talaga dapat mag-date itong Kuya mo tapos naloka ako sa mga pangyayari. Bigla ko na lang hinarap yung press tapos ngayon itong si Daddy K naman. Hehe! Di pa ako prepared!"

Narinig kong mahinang natawa si Kuya pero walang anumang sinabi.

"Daddy K?"

"Di ko pa kasi siya matawag na Daddy Kai kasi di pa kami nagkakakilala nang pormal," nakangiting sabi niya.

"That's not it, Myca. You're actually calling my Dad, Daddy now?"

"Oo naman. You know, practice!" maluwang ang ngiting sabi niya.

Napailing ako.

"Crazy!" sabi ko at tinuktukan siya.

Nakaka-miss ang ganitong kakulitan niya talaga. Sobrang boring na sa bahay simula nung umalis siya.

"You should not have come here."

"You shouldn't have left me."

"You were being a jerk. You deflated my tires."

"I was worried about you. Ang tigas ng ulo mo kahit kailan."

"Ikaw ang matigas ang ulo. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na maayos na nga ako?!"

"And how many times do I have to tell you that I don't want you out of my sight?! Because the last time na hinayaan kitang mawala sa paningin ko, you got fucking kidnapped, you got fucking shot, Blade. Just... can't you just listen to me?" madiin ngunit may pakikiusap na sabi ni Klint kay Shoo.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon