Chapter 6

1.4K 48 2
                                    

-VINCE-

Nagising ako na parang binibiyak sa sakit ang ulo ko. Naparami na naman yung inom ko kagabi at nasangkot na naman ako sa gulo.

Damn, my life is a mess.

I am so fucking ruined.

I got up and went to the bathroom to take a bath.

Pagkatapos maligo, lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Myca na naghahain ng mesa.

"Hi, Sir! Good morning. Kain na po kayo," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

Napakunot-noo ako. Why is she calling me Sir again? And why is she avoiding my eyes?

"Did something happen last night, Myca?" I asked while taking a seat.

Agad na napatingin siya sakin at pagkatapos ay namula.

What the hell? Did anything happen? I could not remember a single thing except dun sa pag-iinom ko at paghahamon ng away sa bar. The rest, I had no fucking idea.

"W-wala naman po, Sir. Kain na po kayo."

"Bakit tinatawag mo kong Sir?"

"Ahh, sorry, Vince. Nasanay lang ako kay Sir Vann."

Hmm. 

"Sit down."

"Ah eh ano, Vince, tapos na po akong kumain. Nauna na ko kanina," she said, still avoiding my eyes.

Why?

"Tell me the truth. Did I do anything to you last night?" seryosong tanong ko. Nasukahan ko ba siya? Nasigawan? I could not remember anything but I don't want her avoiding me like this.

"Ha? Ah eh hindi po! Ayos lang ako, Vince. Promise," she said, now smiling.

I did not probe any further and left it at that. I can sense she was uncomfortable.

"Sorry," sabi ko at diretsang tiningnan ko siya. "Sorry kasi bigla na lang kitang iniwan kahapon. I... just had some important things to do."

Right. Ang pagsunod kina Sugar ay isang napakaimportanteng bagay. 

Damn it. Why can't I let her go?

She is happy now. She is happy with someone else. So why the fuck can't I just accept it and move on?

Tumango lang si Myca at kiming ngumiti. "Okay lang, Vince. Naiintindihan ko. Saka iniwan mo naman sakin yung wallet mo kaya nakauwi pa din ako. Hehe!" sabi niya at pagkatapos ay iniabot sakin ang pitaka ko.

Kinuha ko iyon at nagpasalamat.

Nagpatuloy ako sa pagkain nang lumabas si Vann.

"Kuya, saan ka na naman ba nanggaling kagabi? Don't tell me na pinuntahan mo na naman si Sugar? Kuya naman. Maawa ka naman sa sarili mo. You're ruining your life!" sermon niya sa akin.

I sighed and looked at Myca. Tahimik lang itong nakatayo sa gilid ng mesa.

"Myca, can you leave us for a while?" 

Tahimik na tumango lang ito at umalis. Ayaw kong marinig niya ang pag-uusapan namin ni Vann. It was too personal. And I don't want to look like a pathetic loser.

"Vann, just let me be, okay? My life, my problem so stay away."

Alam ko nagiging unfair ako sa kapatid ko pero hindi ko pa kayang hindi makialam nang kahit ano tungkol kay Sugar.

"But you are getting more pathetic every day, bro. I can't stand it," umiiling na sabi niya habang kumakain.

"I know. I'm sorry. But I can't let go of her just yet. I am still hoping. Hindi pa naman sila kasal," wala sa sariling usal ko.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon