Chapter 9 - desperate

18 2 2
                                    

As usual, I'm here again at my office.
"Alexandra, marami kang namissed na gawain dahil sa marami mong absences, so you need to finish this all today. Is that clear?" Sabi ni Dad sabay abot ng mga fucking papers. The nerve! Hindi man lang ba niya tatanungin kung kumusta ako, kung bakit hindi ako nakapasok sa work nung nakaraan at kung magaling na ba ako. Sus! Asa pa ako.

Inabot ko ng walang imik yung mga papers na binigay ni Dad. At lumabas na siya afterwards.

Nakakasawa naman yung ganito pero ano bang magagawa ko kailangan ko magwork.

Habang may ginagawa ako, nagring yung phone ko. Aba! Si Raven tumatawag.

I answered the call.

Xandra: Hello!
Raven: Hi! Xandra. Are you busy?
Xandra: Yes! I'm so busy at this moment in time, why?
Raven: I just wanna invite you for a dinner date if you are free tonight.
Xandra: yeah! Sure ..
Raven: What time?
Xandra: ahm, 7:00 pm
Raven: okey, I'll fetch you at 7:00 pm, see you Xandra. I love you.
Xandra: okey I love you too.

I ended the call. I couldn't believe this. He's inviting me to have a dinner date with him. Wow! That's unbelievable. Hindi naman siya ganun dati. Baka nga nagbabago na siya. But still he betrayed me once so why do I believe on him. Bahala siya basta go with the flow na lang ako.

---

Malapit na mag-7:00 pm at susunduin na ako ni Raven. Buti na lang ako patapos na ako sa mga paperworks na ito. Sure ba talaga akong makikipagdate sa Raven na yon? Hay basta bahala na talaga.

May narinig akong ugong ng sasakyan. Baka si Raven na yon. Sinilip ko kung sino ang bumaba sa kotse. At hindi nga ako nagkamali. Si Raven nga na may dalang flowers. How romantic. Weh? di nga etchos lang siguro yung pagdadala niya ng flowers.

"Miss Xandra, may bisita po kayo? Raven Dale Chavez po, papapasukin ko po ba?" Tanong ng sekretarya.

"Yes, papasukin mo siya sa office ko."

"Right away Miss Xandra."

Maya-maya'y pumasok si Raven dala-dala yung mga flowers na ibibigay niya sa'kin. I supposedly assumed kanino pa ba niya ibibigay yon. Alangan namang sa sekretarya namin.

"Flowers for you," said Raven.

"Thank you, nag-abala ka pa." Sabay tanggap ko naman ng flowers.

"Shall we?" tanong niya habang nakatingin sa'kin.

"yeah, wait lang magreretouch lang ako."

"Kahit di ka na magretouch, you're still beautiful."

"Bolero ka talaga, let's go na nga."

---
Andito kami ngayon sa isang resto na pang-elite. Siyempre mayaman naman si Raven so keri niya yung mga ganitong sosyalan na resto. Mga elite lang talaga ang pumupunta dito.

Pumunta ang waiter para ibigay sa'min yung menu.

Out of nowhere ay nagtanong ako "Raven, bakit mo 'to ginagawa?"

"I just wanna make you happy Xandra, bumabawi lang ako sa mga panahong hindi ko 'to nagawa sa'yo." Hawak niya ang mga kamay ko habang sinasabi ang mga katagang yan. Parang gustong kumawala ng puso ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang paniwalaan pero sabi ng isip ko wag ako magpadala sa mga pambobola niya.

Hindi Xandra hindi dapat. OMG!... Is it a tricky game? Baka mamaya eh masaktan na naman ako. Ang tanong bakit ako masasaktan ulit kung makikipaglaro lang din ako sa kanya unless I allow him to do it again.

"Xandra, bakit parang ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko?" I snapped from my thought when he said that.

"Siyempre naman Raven, naniniwala ako sa'yo. Nagulat lang ako dahil hindi ako makapaniwala sa mga ginagawa mo ngayon."

"Maniwala ka na ngayon Xandra dahil hindi lahat ng girls na nilalandi ko ay dinadala ko dito sa pang-elite na restaurant except you."

Medyo flattered naman ako dahil sa sinabi niya pero yung mga boyfriend ko before dinadala din naman nila ako sa mga ganitong restaurant. But you know naman I'm just playing around with them. Sanay na ako na dinadala sa mga ganitong lugar.

"Good to know Raven," just go with the flow.

"Order na tayo," namili na kami ng oorderin namin.

While we are eating, may namataan ako sa di kalayuan. Yung gagong pinsan ni Sean. Sa lahat ng makikita ko bakit siya pa. Mukhang may ka-business meeting ah. Don't mind him Xandra.

Sige diretso lang ang pagsubo ko. Maya-maya someone stood in front of us. Fuck! Bakit lumapit pa ang gago na 'to.

"Hey! honey, kanina pa kita hinihintay ah .. bakit mo naman ako pinaghintay ng matagal? May kasama ka pala, driver mo ba siya?" Sabay turo kay Raven.

"What the fuck did you just say? Kung sino man yung mukhang driver dito ikaw yon," said Raven furiously.

"Kung mukha man akong driver, ang gwapo ko namang driver," said Tristan sarcastically.

Pumagitna na ako sa kanila mukhang magbubugbugan eh. Nakikita ko na yung kuryente sa mga mata nila.

"Hey! Can you please stop? Tristan sa totoo lang wala naman tayong dapat pag-usapan, umalis ka na kung wala kang sasabihing matino."

"Wow! lang miss gorgeous. Kailan lang galit ka sa kanya bakit ngayon parang nag-iba ang ihip ng hangin, oh baka naman nagpabola ka sa kanya, kung sa bagay hindi na ako magtataka dahil madali kang maniwala sa sinasabi ng iba na easy to get ka."

I slapped him.

"Who are you to say that? Kilala mo na ba ko para magsalita ka ng ganyan sa akin? You don't know me yet. You have no right to judge me." Nagwalk-out ako at patakbo akong lumabas ng restaurant. Umiiyak ako ngayon dahil parang pakiramdam ko desperada na ako kay Raven. Marahil tama ang mga sinabi ni Tristan tungkol sa akin.

Hinabol ako ni Raven and Tristan but still dire-diretso lang ako sa pagtakbo. Hanggang sa tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko napansin na may paparating palang sasakyan. Bumusina ito ngunit hindi ko ito pinansin. Tumigil ako sa gitna ng kalsada at napaupo na lang ako dahil sa lakas ng ulan. Maya-maya'y may lumabas mula sa loob ng kotse.

"AJ, ikaw ba yan?" Pagtunghay ko nakita ko si Drake. "Anong ginagawa mo dito AJ? Sumama ka muna sa'kin." Inalalayan niya ako sa pagtayo, pinayungan at pinasakay sa kotse niya. Hindi na ako nakaimik dahil nilalamig na ako at basang-basa dahil sa ulan. Siguro napagod na sina Raven at Tristan sa paghabol sa'kin kaya di na nila ako naabutan.

---
A/N: Magulo ba ang chapter na ito? Comment lang po hehe .. vote na rin if you want thanks .. :-)

-StoriaMikera-

Who are you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon