Ouch! My head is aching. Teka, ano bang nangyari kagabi at bakit nasa ibang kwarto ako. Kaninong kwarto 'to? Asan ako? Pagtingin ko sa sarili ko wala akong suot na damit at may katabi akong lalaki. Napasigaw ako. Waaaaaaaaahhhhhhhhh!!! Tulungan nyo ako pinagsamantalahan akoooooooo!!!!
Nagising yung lalaking katabi ko at tinakpan ang bibig ko.
"Wag kang maingay!!!"
"Bitawan mo ako, who are you? Ipapapulis kita. Anong ginawa mo sa akin ha?"
"Hindi mo ba natatandaan? Ako si Tristan yung pinsan ni Sean."
"Yeah, tanda ko na. Anong ginawa mo sa akin pinagsamantalahan mo ako noh? How dare you?"
"Tumabi lang sa'yo pinagsamantalahan ka na agad," natatawa pa niyang sabi.
"Eh, bakit magkasama tayo ngayon? Asan ba ako?"
"Andito ka ngayon sa kwarto ko. Lasing na lasing ka kagabi. Sabi ni Sean dalhin kita dito sa bahay kasi mapapagalitan ka daw sa inyo pag inihatid kita ng lasing. Sumuka ka pa nga kaya sabi ko kay manang fe tanggalin muna yung damit mo. Wala akong damit dito na kasya sa'yo eh. Don't worry wala akong ginawa sa'yo. Nagpapabili na ako ng damit na isusuot mo."
"Sigurado ka ba na wala kang ginawa sa akin at walang nangyari sa atin?"
"Yes, I'm sure. Bakit ko naman gagawin yon? Kaya naman ako tumabi sa'yo eh binabantayan kita pero wala talaga akong nakita, hahaha." Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Pervert!" binato ko siya ng unan. I can't imagine na kasama ko ang lalaking 'to sa ganitong sitwasyon. Ang awkward talaga.
Knock! Knock! May kumakatok sa pintuan. Nagtalukbong muna ako ng kumot. Binuksan ni Tristan yung pinto.
"Sir Tristan, ito na po yung pinabibili nyong mga damit."
"Thank you Manang Fe."
Ramdam ko papalapit na siya sa akin. Hinagis niya yung mga paper bags sa kama.
"Go to the bathroom, take a bath and wear that. Lalabas lang ako."
Tumayo na ako para pumunta sa bathroom. Infairness, mabait naman pala siya eh kaya lang basta ayaw ko pa din sa kanya. Ang linis at ang ganda ng kwarto niya parang hindi kwarto ng lalaki.
After taking a bath, nagbihis na ako. While combing my hair, pumasok si Tristan sa kwarto.
"Hey gorgeous, here's your breakfast. Swerte mo, ako nagluto niyan."
"Ano namang maswerte dun aber," tinaasan ko siya ng kilay.
"Eh kasi bihira akong magluto eh, kaya swerte mo nasa mood kasi ako," he smiled at me.
"Talaga lang ha!"
"Teka, you should drink coffee pampatanggal ng hang over."
Ininom ko yung isang tasa ng kape. Aba masarap siya magtimpla ng kape ha.
"Masarap ba yung coffee?"
"Kulang sa pait." Pero siyempre etchos lang yon alangang sabihin ko na masarap yung kape na tinimpla niya.
"Okey gorgeous, now eat this food baka sabihin mo ginugutom kita." At nakangisi na naman siya nakakaloko 'tong taong 'to ah.
Wow! Totoo nga masarap yung luto niya.
"Miss gorgeous, masarap ba luto ko?"
"Hm, pwede na, bakit ba miss gorgeous tawag mo sa akin baka mamaya tawagin kitang mr.handsome."
Ano ba yung sinabi ko? Baka magtake advantage pa ito sa akin.
"Good to hear especially when it comes from you," ngumiti siya ng nakakaloko.
Sige lang tumawa ka ng tumawa. Nakakabwiset talaga.
"Can I ask you a question?" he looked at me seriously.
"What?" I also looked at him.
"Bakit mo ako hinila sa dance floor kagabi? And you kissed me. Nagtataka lang ako. Dahil ba lasing ka lang?"
"I'm so sorry, lasing lang talaga ako kagabi kaya ganun."
"Siguro kaya mo ako kiniss kagabi sa dance floor dahil nabitin ka sa kiss ko," he said laughingly.
The nerve! I'm really getting annoyed to this guy. Kaya ko lang naman siya niyaya sa dance floor at hinalikan para isipin ni Raven na hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Tama naman si Jecka sa sinabi niya kagabi. Pero naaasar na talaga ako sa lalaking 'to.
"Ang kapal din naman ng mukha mo, ni hindi nga kita kilala eh tapos sasabihin mo sa akin yan, assuming ka din."
"Hindi naman ako assuming, sadyang gwapo lang," at ngumiti na naman siya. Ang sarap itapon sa dagat.
"Okey whatever, ihatid mo na lang ako sa amin, I wanna go home."
"As you wish Miss gorgeous, ubusin mo muna yang food bago kita ihatid sa inyo."
--
Tristan's POV
Naihatid ko na si miss gorgeous sa bahay nila. Ang sungit naman nung nirereto sa akin ng pinsan ko. Makadaan muna sa house nina insan Sean.
"Hey cousz how's life?" bungad ni Sean.
"Ayun, kakahatid ko lang sa friend mo, wala akong ginawa dun ha."
"I know cousz, I trust you may kalokohan ka lang taglay kung minsan, hahahaha."
"hahaha, kilala mo talaga ako Sean Maverick Perez, ganyan tayo eh, kaya nga Perez eh, hehe. Pero ang sungit naman nung nirereto mo sa akin. Parang laging may period. Ganun ba talaga yon?"
"Broken hearted kaya ganun insan, masanay ka na."
"Bakit broken hearted pa yung nireto mo sa akin insan, pwede bang si Candace na lang?" I said jokingly.
"Insan, ang kay Pedro ay kay Pedro at ang kay Juan ay kay Juan, gets mo?"
"I'm just kidding around cousz, haha, wala ka na bang ibang mairereto sa akin?"
"Wala na cousz, ayaw mo pa ba kay Xandra? Anak ng may-ari ng Hernandez Company. Choosy ka pa?"
"Hindi naman sa choosy, wala lang talaga sa qualities ni Xandra yung hinahanap ko sa isang babae. Masyado siyang mahilig sa gimik, mahilig uminom, at masungit."
Yun ang totoo ayaw ko talaga sa babae yung masyadong mahilig sa gimikan. Pinagbigyan ko lang 'tong pinsan ko na kilalanin yon. Sa totoo lang I'm just playing around sa mga girls na mahilig makipaglaro, yung tipong konting kindat lang kuha mo na agad yung loob.
Hindi naman ako playboy pero mahilig lang din akong sumakay sa trip ng mga girls na flirt.
"Wow ha cousz, kahit pala ganyan ka mga good qualities pa din ang hinahanap mo sa babae, hahahaha."
"Siyempre naman cousz, kahit naman siguro ikaw."
"Sinabi ko pa naman kay Xandra na okey ka, hindi mo naman pala type."
"Hindi rin naman niya ako type so patas lang. Trip ko lang siya asarin, ang sarap kasi niya asarin."
"Malay mo naman as time goes by magkagustuhan kayo."
"Alam mo Sean, ayaw ko maging taga-akay niya kapag lasing siya. Baka ang kalabasan eh maging bodyguard pa ako nun."
"Hahahaha, you make me laugh Tristan. Kung sa bagay, mahilig kasi si Xandra uminom eh, lagi ngang yung bestfriend niya ang naghahatid sa kanya kapag lasing siya.
"Oh see, kaya ayaw ko, haha."
![](https://img.wattpad.com/cover/40406243-288-k390554.jpg)
BINABASA MO ANG
Who are you?
Fiksi RemajaSa di sinasadyang pagkakataong ay nagkakilala kami. Masyadong napakaawkward ng pangyayaring ito. Sino ba ang nilalang na ito? Who the heck is he to kiss me? I don't even know him. - Alexandra Jamille Hernandez