Tristan's POV
"Insan, alam mo dahil sa sinabi mo kay Xandra malamang pati friendship namin maapektuhan," sabi ni Sean na sa tono ng boses niya ay parang worried.
Ewan ko ba kung bakit bigla akong naging concern sa taong yon. Katulad nga ng sinabi niya "who are you?" Sino nga ba ako sa kanya para makielam sa buhay niya? Sinabi ko lang naman yon dahil alam kong niloloko lang siya nung lalaking kasama niya kagabi.
"Kasi insan hindi alam ng kaibigan mo na niloloko lang siya nun."
"Mahal niya kasi insan kaya siguro nakipagbalikan siya."
"Pero hindi naman sapat na mahal niya para bumalik siya, niloko na siya ng minsan tapos magpapaloko ulit siya, tanga ba siya o nagtatanga-tangahan?"
"Oh relax lang Tristan, bakit parang concern ka kay Xandra? Don't tell me .......... " at ngumiti si Sean ng nakakaloko.
"No, it's not just that, nakita ko kasi yung lalaki na yun nung hapon before sila magkita ni Xandra." I said seriously.
*Flashback*
-Sa may parking area ng resto-
"Babe, may pupuntahan lang ako importante lang 'to may kabusiness meeting kasi ako." Sabi nung ex ni Xandra dun sa babaeng kasama niya.
"It's okey Babe, tomorrow pwede naman tayong magdate diba."
"Oo naman babe."
The girl wrapped her arms into his neck then she kissed him on the lips.
"I have to go babe." Sabi nung lalaki.
*End of flashback*
"Parang hindi mo ata nakuwento sa'kin yan kahapon."
"Paano ko naman makukuwento sa'yo eh parang natense na din ako sa ginawa ni Xandra. Inabot na ata ng ulan yon. Hinabol namin siya nung ex niya kahapon kaso ang bilis niya hindi namin siya naabutan."
"Sabihin kaya natin kay Xandra yung nakita mo kahapon."
"No, I think it's not a good idea na sabihin natin sa kanya iisipin niya sinisiraan natin yung Raven na yun sa kanya lalo pa't galit siya sa'kin, palamigin na muna natin ang sitwasyon."
"Okey insan, that's the best way that we can do."
Xandra's POV
"Xandra, sabi ni dad manliligaw mo daw yung kasama ni Sean kagabi. Totoo ba? Ikaw ha hindi ka man lang nagkukuwento sa'kin. Nung magkawalaan kayo ni Raven wala na ding latest sa lovelife mo." Saad ni ate Andy na tuwang-tuwa habang sinasabi yan sa'kin.
"Ate, can't you see? Marami akong ginagawa and take note Tristan is not my suitor."
Si ate Andy talaga wala sa oras ang pakikipagchikahan, we're here at my office. Nakikipagtsismisan sa akin habang nasa work. Kung isumbong ko kaya siya kay Daddy. Masyadong showbiz sa lovelife ko. Mind her own business.
"Eh bakit sabi ni Daddy suitor mo daw, may dala pa nga daw flowers and chocolates, speaking of flowers and chocolates nilanggam yung trash can dahil dun mo tinapon yung chocolates sana ibinigay mo na lang sa'kin."
"Kung alam ko lang na gusto mo eh di sana nga binigay ko na sa'yo." Naiirita kong sabi. Wala lang siguro masabi itong si Ate kaya kung anu-ano na lang ang sinasabi.
Pumunta siya sa may table ko at umupo siya sa chair.
"Ang sarap palang umupo dito, palit na lang kaya tayo ng office." Nakangiti nitong sabi.
"Ate, pwede ba bumalik ka na nga sa office mo inuuna mo pa ang pagdaldal kesa pagtatrabaho working hours po ngayon baka hindi mo alam. Baka gusto mong isumbong kita kay Dad."

BINABASA MO ANG
Who are you?
Teen FictionSa di sinasadyang pagkakataong ay nagkakilala kami. Masyadong napakaawkward ng pangyayaring ito. Sino ba ang nilalang na ito? Who the heck is he to kiss me? I don't even know him. - Alexandra Jamille Hernandez