Chapter 10 - unforgiving

22 1 0
                                    

Andito ako ngayon sa house nina Drake. Infairness naman sa kanya ang ganda ng house nila. Mayaman din siguro 'tong mga 'to. Pinaupo muna ako ni Drake.

"AJ, anong nangyari sa'yo kanina?" Tanong ni Drake na nagtataka.

"Dahil sa ex ko at dun sa gagong pinsan ng barkada ko." I sobbed.

"Uy AJ don't sob, di dapat iniiyakan ang mga ganung lalaki, wala silang kwenta."

"DK, thank you talaga kung hindi mo ako nakita kanina baka tuluyan na akong nabangga." I said between my sobs.

"Wala yon AJ, kaya wag ka ng umiyak jan ang panget mo na, hahaha." He laughed after saying those words.

Napaiyak na naman ako :'(

"Uy AJ tahan na."

"Alam mo ba kung bakit ako naiiyak?"

"Hindi," at umiling siya. "Eh bakit nga ba? Dahil ba sa sinabi ko?"

"Oo, dahil sinabihan mo akong panget."

Napatawa siya ng malakas "hahahahaha, nakakatuwa ka talaga AJ."

Grabe siya, ano bang nakakatawa dun? Hm... pinanliitan ko siya ng mata. "Pinagtatawanan mo naman ako eh DK, kung sa'yo biro 'to sa'kin hindi, this is a serious matter."

Natigilan sa pagtawa si Drake, "I'm sorry AJ, I didn't mean it, I mean natutuwa lang ako sa'yo."

"It's okey Drake Klein." Nagulat siya nung sinabi ko yung buo niyang pangalan.

"Wow! Natatandaan mo pa din ang real name ko ha."

"Yes, of course."

"Sir Drake, okey na po yung tubig sa bathroom may mainit na po yon." Sabi nung isa sa mga katulong nila.

"Thank you Yaya," then he smiled. Ang bait talaga niya. Tumingin siya sa'kin.

"AJ, kailangan mo maligo para hindi ka lagnatin."

"Wala akong damit na pampalit."

"Don't worry nakaprepare na lahat sinabi ko na kay Yaya Cita, may bagong damit si Ate Denise yun na lang muna ang isuot mo."

"May ate ka pala, close ba kayo?"

"Oo super close kami nun, mabait yon wala siya dito ngayon kasi nag-out of town kasama ang mga friends niya."

Buti pa sila close ng ate niya.

"AJ, pumunta ka na sa bathroom at maligo ka na."

---
Fresh from the bath. Hindi ko namalayan 10:00 pm na pala. Paano pa ko makakauwi nito wala namang maghahatid sa akin maliban na lang kung ihatid ako ni Drake kaso nakakahiya naman.

"Knock! Knock!" Si Drake kumakatok.

"Pasok ka DK."

"Okey ka na ba AJ? If you want I'll drive you home hindi naman sa tinataboy kita or pwede naman na magstay ka dito kung gusto mo."

"Hm! Nakakahiya naman if I'll stay here .."

"No, no, no hindi nakakahiya yon."

"Uuwi na lang ako kasi baka hinahanap na ako nina Mom and Dad." Asa pa naman ako na hanapin nila kahit nga ata alas dose empunto ako umuwi hinding-hindi nila ako hahanapin, sinabi ko lang yun kay Drake kasi kakahiya naman sa kanya na magstay ako dito sa kanila.

"If that's what you want then shall we?"

"Yes! Drake thank you talaga ha. Nung una sinave mo ako sa bar pangalawa sinave mo na naman ako ngayon. Ang bait mo talaga. Sana maging friends din tayo." At sana maging akin ka pagdating ng araw hahaha assumera

Who are you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon