Xandra's POV
"You know what Jecka, nakakainis yung nirereto nyo sa akin. Para lang siyang si Raven eh. I hate them both, aaaarrrrgggghhhh!!!"
Andito ako sa house nina Jecka ngayon. Wala naman work si Jecka ngayon. Ako naman hindi pumapasok sa opisina. Sa ayaw ko eh, wala namang magagawa si Dad kung ayaw ko. Si ate Andy na bahala sa kompanya namin tutal siya naman ang responsableng anak at ako ang iresponsable.
"He's nice naman Xandra am I right? He's handsome. Kung gusto mo sa akin na lang siya, hahahaha," she said while laughing.
"Sa'yo na lang siya, he's not my type actually."
"Oh really? Baka mamaya kainin mo lahat ng sinabi mo."
Isa pa 'tong si Jecka haizt, sabi nang hindi ko nga type yon.
"How many times could I tell you that he's not my type? As in Y-U-C-K, over my dead, gorgeous, and sexy body, ayaw ko talaga doon, basta ang alam ko ayaw ko ayaw ko ayaw ko kay Tristan."
"Grabe talaga ang pagkaayaw ah, hahaha."
--
Niyaya ako ni Jecka na mag-mall, much better na din nakakaboring din naman kasi tumambay sa kanila eh.
"Xandra, tinext ko si Candace para makabonding din natin siya."
"Okey, sige. Tara muna sa Starbucks, my treat." Tumango naman si Jecka.
We go to the Starbucks.
"Anong gusto mo Jecka?"
"Caramel Machiatto na lang Xandra."
"Okey, pareho pala tayo, wait mo ako jan, order lang ako."
After kong umorder pumunta na ako sa table kung saan kami nakapwesto ni Jecka.
"Matagal pa ba si Candace?" Matagal kasi kumilos si Candace eh, lalo na pag may lakad kami lagi na lang siya ang iniintay namin.
"Oo Xandra, may dadaanan pa daw siya."
"Okey, let's wait for our coffee."
"Xandra, tumingin ka sa may pinto."
Pagtingin ko sa pinto, nakita ko si Tristan at may kasama siyang girl. Masaya pa silang nagkukuwentuhan.
"Playboy din ang gago, pustahan tayo Jecka."
"Ha? May kasama lang na babae playboy agad. Hindi siya gago ha, gwapo siya ang gwapo kaya ni Tristan."
"Ilusyonada, tumigil ka nga jan. Kung siya rin lang naman eh wag na lang kahit pa gwapo siya."
"Eh di wow, kung yan pananaw mo, tatanda kang dalaga pag ganyan ka Xandra, magmadre ka na lang kaya, dahil lang kay Raven nagkakaganyan ka."
"It's not about Raven, wag mo na nga mabanggit yong pangalan nun, nakakasuka kasi."
"Nakakasuka o nakakatuwa? Hahahaha."
"Pang-asar ka talaga."
"2 caramel machiatto for Xandra, here's your order." Kinuha ko yung order namin. Maya-maya'y may bumati sa akin, yung gagong bastos.
"Hey miss gorgeous, is that you?" nakangiti niyang sabi.
"Obvious ba? mr. pervert." Pasnob kong sabi.
"Ang panget naman ng tawag mo sa akin, sige ka baka tawagin kitang miss good kisser, hahahaha," sabay tawa.
"Bwiset ka!!!grrrrr!" Tinalikuran ko na siya. Bahala siya nakakainis. Hindi ko alam na kasunod ko pala siya.
"Hi! Diba ikaw si Jecka?" sabi ng gago.
"Yeah, ako nga."
"By the way, this is my cousin Tanya, Tanya this is Xandra and she is Jecka." They both smiled. Ako naman nakasimangot pa din. Nakakainis kasi eh.
"Have a seat," said Jecka.
"Baka magalit si Xandra, pwede ba kami makishare ng table?"
"Yeah, no problem Tristan." Hay naku Jecka, kainis ka. Pumayag pa siya na dito makishare sa amin ang gago.
"Hey Xandra, bakit wala kang imik dyan?" Magtatanong pa itong si Jecka alam naman niya.
"Miss gorgeous, ang panget mo pag nakasimangot."
"The hell I care."
"Ang taray talaga nito, pero nag-enjoy ka sa kiss ko nung isang gabi diba? Nag-enjoy din naman ako sa kiss mo eh, hahaha," ngumiti siya ng nakakaloko. Muntik ko ng maibuga sa pagmumukha ng gagong Tristan na yon yung kape na iniinom ko. Hindi na siya nahiya binanggit pa niya yon sa harap ng kaibigan ko at ng pinsan niya.
"Ang kapal talaga ng mukha mong gago ka."
"Haha, I'm just kidding around Xandra. We have to go now. I'm just reminding you that she is my cousin," habang tinuturo niya si Tanya. "Alam ko nasa isip nyo, sige una na kami, bye."
"Bye Tristan," mega wave pa ng hands 'tong si Jecka. Ang landi ha.
Nakahinga na ako ng maluwag. Salamat lumayas na ang gago.
"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Tristan?"
"Basta inis talaga ako sa kanya, hilig niya mambwiset eh. Pinagdiinan pa niyang pinsan lang niya yung kasama niya, wala namang nagtatanong. Pinaglalandakan ata niya talagang single siya whatever he say."
"Nagpapapansin lang yon, pansinin mo kasi."
I gave her I-don't-even-like-him look.
"Teka nga Xandra, sabi mo playboy si Tristan pustahan pa daw oh, hahaha."
Takte, bakit ko ba sinabi yon? Naalala pa niya yon.
"Malay mo, playboy yon. Itsura niya maraming naging babae yon."
"Ewan ko sa'yo Xandra." Mukhang naiinis na sa akin si Jecka.
![](https://img.wattpad.com/cover/40406243-288-k390554.jpg)
BINABASA MO ANG
Who are you?
Fiksi RemajaSa di sinasadyang pagkakataong ay nagkakilala kami. Masyadong napakaawkward ng pangyayaring ito. Sino ba ang nilalang na ito? Who the heck is he to kiss me? I don't even know him. - Alexandra Jamille Hernandez