"Grabe ka ha Xandra! Haba ng hair mo .. feeling mo naman prinsesa ka habang sinasave ka ng prinsipe mo. Wow ha! Ikaw na ganda mo te .."
"Inggit ka lang Jecka hahaha," at tumawa ng malakas si Candace.
"Oy hindi ah, grabe siya oh .. speaking of that guy na nakilala mo Xandra gusto ko rin siya makilala."
"Wag na Jeckz, baka agawan mo pa si Xandra hahaha," at tumawa na naman si Candace.
Parang hindi pa din ako makaget over kay DK kulang na lang pati sa panaginip ko kasama siya. Inlababo na ba ako?
"Alexandra, para kang baliw jan. Bakit ka napapangiti jan? Siguro iniisip mo yung guy na nakilala mo," at tinitigan akong mabuti ni Jecka.
"Nagkakuhanan ba kayo ng mobile number?" tanong ni Candace.
"Hindi nga eh sayang nga, sana pala kinuha ko yung number niya para naitext ko siya."
"Hoy Xandra mahiya ka nga, ikaw tong girl ikaw pa yung may balak na kumuha ng number niya. Hintayin mong siya ang mauna, okey?" Sabi ni Candace na nakapameywang.
"Sana magkita kami sa ibang pagkakataon, sa paghahanap ko sa bar ng taong kaforever ko si DK lang pala yun. Sana siya na talaga, dahil kung siya na talaga magbabago na ako hindi na ako mag-iinom at magpapakatino na talaga ako. Inlove na ata ako sa kanya."
"Naku malakas na ata talaga ang tama mo sa DK na yun. Pero girl wag ka muna mag-assume. Assumera ka rin kasi minsan kaya nasasaktan ka," said Candace para matauhan ako. Ouch lang! Eh di ako na nga ang assumera.
"Oo na, kaya nga sana siya na talaga ang para sa'kin para di na ko masaktan."
"At kung mangyari yun masaya kami ni Candace para sa'yo," and Jecka hugged me tight. Nakihugged na din si Candace kahit ouchy ang mga sinabi niya. Ganyan lang talaga yan.
"Basta mars kung saan ka masaya suportahan ta ka," sabi ni Candace. Sabay bawi din naman.
---
Pag-alis nina Candace at Jecka, nasa bahay lang ako the whole day kasi naman tinatamad ako pumasok ng office. Kunwari masama ang pakiramdam ko. Galing umarte noh. Andito lang ako sa kwarto ko nanonood ng tv at kumakain ng chips. May biglang kumatok sa kwarto ko. "Knock, knock .. Xandra buksan mo 'tong pinto."
Si Ate Andy yung kumakatok for sure. Ano naman kayang kailangan niya? Pinatay ko yung tv, ibinaba ko yung kinakain kong chips at nagtalukbong ako ng kumot. "Yes ate, come in bukas yan. Anong kailangan mo?"
"I'm just checking if you're okey. Kasi hindi ka na naman pumasok sa office ngayon. Hinahanap ka ni Dad, I told him that you're not feeling well kaya hindi ka nakapasok. Ang sabi niya kaltas daw yon sa sweldo mo because you're absent today."
Magtataka pa ba ko? Masyado silang harsh pagdating sa'kin pero dito kay ate Andy hindi. Unfair talaga sila.
"Alangang pilitin kong pumasok kung masama ang pakiramdam ko." Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatalukbong ko ng kumot.
"Alright! Get well my little sister. Babalik na ulit ako sa opisina para gawin ang trabaho mo since hindi ka makakapasok today."
"Ano yan ate? Parang pinapamukha mo sa'kin na ikaw ang gagawa ng trabaho ko."
"Hindi naman sa ganun little sister, sinasabi ko lang sa'yo para alam mo at para hindi ka na laging galit sa'kin. Ikaw na nga lang ang nag-iisang kapatid ko ganyan ka pa sa'kin. Sige magpahinga ka na jan." Hindi na hinintay ni ate Andy yung sunod kong sasabihin at umalis na siya.
Masyado na nga ata akong nagiging harsh sa ate ko.
Anong gagawin ko eh ganun na talaga ako sa kanya? Kahit nung mga bata pa kami we're not really close dahil ako ang lumalayo at siya 'tong lumalapit sa'kin. Pero ngayong malalaki na kami ganun pa din. Hindi pa din kami close.
![](https://img.wattpad.com/cover/40406243-288-k390554.jpg)
BINABASA MO ANG
Who are you?
Teen FictionSa di sinasadyang pagkakataong ay nagkakilala kami. Masyadong napakaawkward ng pangyayaring ito. Sino ba ang nilalang na ito? Who the heck is he to kiss me? I don't even know him. - Alexandra Jamille Hernandez