Pagkagising ko nagluto ako ng corned beef na may patatas at nagsangag din ako ng rice. Sarap ng breakfast ko. Dito nga pala ko sa unit ko inihatid ni Tristan kagabi. Kapag gusto ko mag-isa dito ako natuloy sa unit ko. Alam naman sa bahay kapag hindi ako umuwi ibig sabihin andito ako sa unit ko. Handa na ang breakfast ko. Nagtimpla na rin ako ng coffee. Hindi naman ako uminom kagabi kaya wala akong hang over. Ready to eat. Habang kumakain ako biglang may kumatok sa pintuan.
Pagbukas ko ng pintuan bumungad ang mga mukha nina Sean, Matt, Candace at Jecka.
"Mukhang masarap ang breakfast mo ah," sabi ni Matt. "Pwede ba kami makikaen?"
"Oo naman," nagprepare ako ng apat na plato, spoon, and fork. "Mukhang hindi kasya ang fried rice."
"May dala kaming greenwich," said Jecka at nilagay niya ang pizza sa dining table.
"Upakan na natin yan, at ako ay gutom na," sabi ni Sean.
Kumain sila ng pizza. Si Matt at Candace naman dahil natakam sa luto ko kaya yun ang kinain nila. Naubusan sina Sean at Jecka kaya pizza na lang ang sa kanila.
"Xandra, hindi ka ba nalulungkot dito sa unit mo kahit mag-isa ka lang," asked Candace.
"Hindi naman sanayan lang," sabi ko habang nakatuon ang mga mata sa panonood ng TV dahil tapos na rin naman akong kumain.
"Pahiga ako sa sofa ha," lumakad si Matt papunta sa sofa at nahiga siya.
"Okey, feel free to sleep." Nakasandal ang likod ko sa sofa. Parang walang iniisip na work eh noh. Ano kayang naisipan ng mga ito at pumunta sila dito. Parang dumayo lang ng kain eh.
"Si Enzo nga pala bakit hindi ninyo kasama?" Tanong ko habang nakatuon pa rin ang mata sa pinapanood.
Nagkatinginan silang apat. Nung mapansin nilang napatingin din ako sa kanila ay iniiwas nila ang tinginan nila at kunwari may tinitingnan na kung ano sa kisame.
"What?" Tinaasan ko sila ng kilay.
"Alam mo naman yun busy sa kanyang resto," said Jecka na itinuon na rin ang mata sa panonood ng TV.
"Oo nga," pagsang-ayon naman ni Sean.
Meron ba akong dapat malaman sa tinginan nila. Hmmm! Napabuntong hininga na lang ako.
"Jecka, hindi lang ikaw ang psychologist dito ha. Iniisip ninyo pa rin ba yung kagabi." Tiningnan ko sila isa-isa. Hindi sila makatingin ng diretso sa akin.
"Eh kasi ano eh, ahm, si Enzo kasi diba lasing nga siya kagabi hanggang sa pag-uwi namin pangalan mo ang binabanggit niya." Sabi ni Candace habang nakatingin sa mga daliri niya at nilalaro ang mga ito.
"Alam ko naman yon guys. Baka nga hindi na niya ako kausapin after ng mga revelation niya. Nasasaktan ko na pala siya ng hindi ko alam." Napabuntong hininga na naman ako. Hay naku!
"Xandra, wag ka magagalit ha." Parang naaalangan pang sabihin ni Sean eh.
"Okey, go ahead." Para naman hindi siya matakot na sabihin sa'kin. Iniisip ata ni Sean na amazona ako. It's too ridiculous.
"Since naopen na rin naman yung about sa topic na yan, diba nagalit ka kay Tristan pero bakit sabi ni Enzo magkayakap kayo kagabi."
"Yun ba talaga ang gusto ninyong malaman? Sige sasabihin ko sa inyo kung bakit." At ikinuwento ko sa kanila yung nangyari kagabi.
"I see, kaya pala! Namisinterpret ni Enzo yung pagyakap mo kay Tristan kagabi," said Matt.
"At least okey na kayo ng pinsan ko diba, kaiiwas mo yan tuloy, pero nakabuti naman," dumampot ng pizza si Sean at kinain ito. Hindi pa pala ubos ang pizza na yan.
![](https://img.wattpad.com/cover/40406243-288-k390554.jpg)
BINABASA MO ANG
Who are you?
Подростковая литератураSa di sinasadyang pagkakataong ay nagkakilala kami. Masyadong napakaawkward ng pangyayaring ito. Sino ba ang nilalang na ito? Who the heck is he to kiss me? I don't even know him. - Alexandra Jamille Hernandez