Day off ko ngayon. Buti na lang at pinayagan ako ni Dad mag-day off. I need a break.
Nasa bahay lang ako at habang kumakain ako ng breakfast biglang nag-ring yung phone ko.
Matt calling...
I answered his call.
Me: Hello! Matt
Matt: Xandra, busy ka ba ngayon? Me: Nope, andito lang ako sa house, why?
Matt: Isasama ka sana namin sa bagong bukas naming hotel. Opening ngayon I just want all of you to go there with me.
Me: Tamang-tama wala akong pasok ngayon. Ilang days ba tayo doon?
Matt: 3 days tayo doon, sama ka na ha?
Me: Sige magpapaalam na lang ako
Matt: Before lunch ang alis punta ka na lang dito sa bahay, okey?
Me: Yeah, copy.He ended the call. I need to pack up my things. After eating, I went upstairs to take a bath.
---
"Xandra, we miss you. Tagal ka na naming hindi nakakabonding." Sabi ni Jecka habang nakayakap sa akin. I just stared at her blankly. "Grabe si Xandra wala man lang text back kung ba ga sa cellphone." Kinalas niya ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin.
"Busy na kasi siya sa work," said Sean smiling widely.
"Sino pa bang kasama natin, kompleto na tayong lima ah," said Candace habang palinga-linga sa paligid.
"Si Enzo, on the way na daw siya papunta dito," said Matt while checking out his car.
Kasama pala si Enzo. Namimiss ko na rin ang taong yon. Hindi na kami nagkakabonding katulad ng dati. Namimiss ko yung pagpunta niya sa office ko para lang tulungan ako sa mga paper works ko. I snapped from my thought when Sean spoke.
"Pati pala si Tristan kasama natin, on the way na rin siya."
Biglang tumahimik ang lahat at napatingin sila sa akin.
"Whaaaattt???" I shout exasperatedly.
"Ang ganda mo today mars," said Candace ironically.
I just rolled my eyes. Alam kong hindi yon ang ibig niyang sabihin. Nabanggit lang ang pangalan ni Tristan, kung makatingin naman sila wagas. Bakit nung si Enzo yung binanggit ni Matt parang wala lang naman sa kanila. Bakit pag kay Tristan big deal agad.
"Xandra wag ka ngang sumimangot. Ang ganda ng araw wag mong sirain." Sabi ni Jecka nang may ngiti sa kanyang labi at iginala ang tingin sa paligid.
"Pakielam nyo ba," mataray kong saad.
After few minutes, dumating na ang pinakahihintay namin at take note sabay pang dumating si Tristan at Enzo.
"Oh ayan na pala ang hinihintay natin."
Napukaw ng atensyon ko ang suot ni Tristan. Naka-polo shirt, shorts at rubber shoes siya. Naka-butones ang polo shirt niya then nakashades. Simple lang yung suot niya pero lakas makapukaw eh. Tama nga si Candace ang hot niya. Screw that Xandra. Galit dapat ang peg mo sa kanya.
Enzo snapped me. "Bestfriend!!!"
"Oh Enzo, namiss mo siguro ang masungit mong bestfriend," said Sean with an amused grin.
"Oh!" walang buhay kong sabi.
"Mukhang wala sa mood si bestfriend." Enzo smiled at me widely.
Napasmile na din ako. Kilala na ako ni Enzo kaya alam niya yung mood ko.
"Uy, napasmile na si Xandra." Jecka said teasingly.
Andyan nga pala si Tristan. Napansin ko na nakatingin lang siya sa akin at kay Enzo. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.
BINABASA MO ANG
Who are you?
Teen FictionSa di sinasadyang pagkakataong ay nagkakilala kami. Masyadong napakaawkward ng pangyayaring ito. Sino ba ang nilalang na ito? Who the heck is he to kiss me? I don't even know him. - Alexandra Jamille Hernandez