Chapter 12 - savior

15 2 0
                                    

"Xandra, pwede ba naming malaman ang problema mo? Hindi sinabi ni Sean yung buong detalye kasi ang sabi niya tanungin ka daw namin," said Jecka at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Oo nga Xandra, did you remember the last time nung kumain tayo sa resto nina Enzo. Parang may iba sa'yo during that time," ipinatong ni Candace yung kamay niya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng comfort dahil sa mga kaibigan ko. Thanks to them. At kinuwento ko nga ang nangyari.

"So it means kayo na ulit ni Raven?" tanong ni Jecka.

"Yeah, it's just for fun. Tinitingnan ko kung hanggang saan siya."

"Malay mo naman seryoso na talaga siya sa'yo this time."

"Mahirap din naman maniwala sa mga pambobola, diba?" Napahalumbaba na lang ako sa table at napabuntong hininga.

"Sumama ka sa sa'min mamaya pupunta kami sa bar." Sabi ni Candace na nakangiti sa'kin. Pag-iisipan ko pa ba o sasama na ako?

"Wag mo ng pag-isipan, okey? Sunama ka na." Sabi ni Jecka na parang nabasa ang nasa isip ko.

Eh paano kung andoon yung pinsan ni Sean. I really hate him. Makikita ko na naman siya. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa kanya. Siguro dahil sa mga sinabi niya sa'kin.

"Kung ang iniisip mo ay yung pinsan ni Sean, don't mind him. Kung mananatili kang nakakulong sa kahon mo hindi mo makikilala kung sino ka talaga." Nagulat ako sa sinabi ni Jecka nabasa na naman niya ang nasa isip ko. BS Psycho nga pala ang kurso ng babaeng ito.

"Oo na, sige na sasama na ako mamaya," sabi ko ng hindi nakatingin sa kanila.

---

Andito ako ngayon sa labas ng bar. Sina Sean, Candace, Matt, at Jecka ay nasa loob ng bar. Gusto ko lang magpahangin dito sa labas. May mga bagay din akong narerealize pag mag-isa ako. Maya-maya'y may tumabing lalaki sa'kin. Nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya at napausod sa kinauupuan ko. Nakahood siya sino kaya 'to? Nung tinanggal niya yung hood nakilala ko na kung sino siya.

"Hey! ms. gorgeous, bakit nandito ka sa labas?" said Tristan while smiling at me.

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin.

"Ms. gorgeous, alam kong galit ka pa rin sa akin dahil sa mga sinabi ko sa'yo pero sana naman eh tanggapin mo na ang sorry ko."

"I won't," yun lang ang tangi kong naisagot sa kanya. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan samantalang nakatitig lang siya sa akin.

"Saan ka pupunta," tanong niya.

"Eh ano naman sa'yo kung saan ako pupunta, pupunta ako kung saan ko gusto."

Naglakad ako palayo sa kanya dahil ayaw ko siyang kausap. Sa halip na pumasok ako sa bar ay lumakad ako palayo kay Tristan at palayo sa bar.

Hindi ko namamalayan na palayo na pala ako ng palayo kay Tristan at sa bar at napadpad ako sa madilim na lugar. Nakahalukipkip ako na tila lamig na lamig. Sa aking paglalakad ay may nakasalubong akong tatlong lalaki.

"Pare, may chix oh .." - lalaki 1

At pinalibutan na nila ako. God please help me. What will I do? Ano bang naisipan ko at lumakad ako palayo ng bar. Delikado nga pala kapag mag-isa ako lalo pa't gabi. I'm doomed with these kind of guys. Mga mukhang kurimaw, huhu.

"Mukhang masarap yan ah, mmmm," at napakagat ng labi yung lalaki 2. I saw their devilish smile. Unti-unti na silang lumalapit sa'kin. Takot na takot ako at niyakap ko na lang ang sarili ko. Napapikit ako sa sobrang takot. Hinawak na ako nung lalaki 3 sa mga braso ko. Bakit ba sobrang lapit ko sa mga ganito?

Who are you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon