Napilitan akong pumasok ng office dahil sa sinabi ni Dad. Noon lang kasi naging ganun si Dad na makipag-usap sa akin. Parang nakonsensya naman ako dahil si ate Andy lang talaga ang nakakatulong nila sa kompanya samantalang ako nagtatrabaho para sa sarili kong kapakanan at para may panggastos. Ang hindi ko alam malulugi na pala ang kompanya namin. Baka sa kangkungan kami pulutin kung nagkataon.
May kumatok sa opisina ko. "Come in," narinig ko ang boses ni Dad at parang may kausap siya habang papasok sa opisina ko.
"Anak Xandra, I would like you to meet formally Tristan Kevin Perez anak ng may-ari ng Perez group of companies."
"Psh! Yeah, I already knew him."
Tristan smiled at me. Nilamig ako bigla sa ngiti niya. I admit cute siya lalo na when he saved me. Erase! Erase! Erase!
"Xandra, are you with me?" Nagulat ako nagsasalita pa pala si Dad. I'm out of my mind.
"Yes Dad! Pardon."
"Hindi mo pala narinig ang sinabi ko. Ikaw ang magtuturo ng lahat ng gawain kay Tristan dito sa kompanya."
"Bakit ako Dad pwede namang si ate Andy na lang?"
"Hindi pwede, gusto ko ikaw ang magturo kay Tristan ng mga bagay bagay na dapat gawin sa opisina."
"Bakit kailangan ko siyang turuan ng mga gawain sa opisina?" Nagtataka kong tanong. Nacurious lang ako dahil ang alam ko nursing graduate siya at magdodoctor tapos magpapaturo siya ng mga gawain sa opisina. Ano 'to?
"Dahil nag-invest ang Perez group of companies sa kompanya natin kaya kailangan mong turuan si Tristan."
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Dad. Kailangan ko palang masinsinang turuan si Tristan.
"Kailan naman magsstart?"
"Ngayon na, Tristan please be ready sa lahat ng ituturo ni Xandra and ikaw naman anak please be good to him. I know you're a good girl."
"Psh! Okey Dad ang dami mo pang sinasabi."
"Maiwan ko na kayo ha." Lumabas na ng opisina ko si Dad. Naiwan kami ni Tristan dun. Anong gagawin namin tutunganga na lang? Baka wala akong maiturong matino sa lalaking 'to.
"How are you Xandra?" Xandra talaga hindi ba ms. gorgeous ang tawag niya sa akin. Erase ulit hindi hindi hindi. I sighed again.
"Actually I'm fine, let me tour you here in Hernandez Company." Walang sigla kong sabi.
"Okey!" Yon lang ang nasabi niya. Hindi ba siya nagtataka kung bakit wala akong gana?
---
"Eto ang magiging table mo, sana natandaan mo lahat ng sinabi ko sa'yo at natandaan mo rin kung sinu-sino mga staff dito."
"Of course, natandaan ko naman lahat Miss Xandra, maliban sa kanya," itinuro niya si Mia.
"Ah, she's Mia my secretary."
Nagpacute naman si Mia. "Hi! Sir."
"Hi! Miss Mia, nice meeting you," then he winked at her. The nerve! Dito pa talaga sila naglalandian sa harap ko.
Napatighim naman ako dahil sa paglalandian nila, "ehem, ehem Mia baka gusto mo ng bumalik sa trabaho mo." Una kay Enzo, pangalawa dito naman kay Tristan. Prospect ba niya ang mga gwapong lalaki? Wow ha! Lakas ng loob niya. Sekretarya lang naman siya.
"Hey! baka gusto mong sumama sa akin sa coffee shop since tapos na din naman ang session natin." He winked at me and smiled. Kanina kay Mia lang siya kumindat, ngayon naman sa akin na. Siguro nahipan na ng hangin ang mata niya.
"Working hours ngayon kaya bakit ka nagyayayang mag-coffee shop tayo." Tinaasan ko siya ng kilay. Baka mamaya mapagalitan pa kami ni Dad.
"Kung yung daddy mo ang inaalala mo, don't worry magpapaalam tayo for sure papayag naman yon."
"Wow! Ang lakas mo naman sa Daddy ko para sabihin yan."
"Oo naman, trust me," then he winked again. Bahala siya.
---
As what Tristan said, pumayag si Dad nung sinabi niyang isasama niya ako sa coffee shop. Anong meron sa taong ito para magustuhan siya ni Dad. Bakit si Raven noon ayaw na ayaw ni Dad? May anumalya ba akong hindi alam? Tristan and I aren't friends pero bakit gustung-gusto niya si Tristan lalo na nung pumunta siya sa amin. Napagkamalan pa nga siyang manliligaw ko.
"Anong gusto mo Xandra?" asked Tristan while smiling.
"Kahit ano, kung anong oorderin mo."
"Okey! Just wait a minute."
Pumunta si Tristan sa counter at umorder na ng kakainin namin.
After a minute, dala-dala na niya ang inorder niya.
2 cheese cake and 2 dark mocha coffee. Nilapag niya ang mga order sa table. Umupo na siya sa chair. Magkatapat lang kami kaya kitang-kita namin ang isa't isa. Inilagay na niya ung isang dark mocha coffee at cheese cake sa harap ko.
"Let's eat," said Tristan to break the silence.
Tumango naman ako. Para naman may masabi ako magtatanong na din ako.
"Tristan!" Napatingin siya sa akin.
"Yes!" he responded then he flashed a smile on me.
Napalunok naman ako. Bakit ang cute niyang ngumiti? Please erase that on my mind.
"Ahm, kasi diba nag-aaral kang magdoctor bakit kailangan mong mag-aral ng mga gawain sa company."
"Paano mo nalaman?" Nagtataka niyang tanong.
"Narinig ko lang," sabi ko sabay subo ng cheese cake.
"Ah, kasi sooner or later baka ako na ang isa sa mamahala ng Perez group of companies kasama si Sean you know naman we're related by blood. Actually I'm still a nursing student at kailangan kong tapusin ang pagdodoctor ko because this is course is really my passion. Siguro pag MWF nasa school ako tapos pag TTH nasa kompanya nyo ako. Wala akong interes sa mga gawain sa kompanya kaso no choice ako dahil nag-iisa naman akong anak kaya ako talaga ang aasahan ng mga parents ko."
"Wow! Only child ka pala. Mahirap ba maging only child?" Out of nowhere natanong ko yan kasi parang yon ang gusto ko sana naging only child na lang ako para wala akong kaagaw sa lahat ng bagay.
"Hindi naman mahirap hindi rin madali kasi malungkot din pag walang kapatid tapos nung bata ako wala akong ibang kalaro kundi sina Sean at yung iba ko pang pinsan. Bakit mo naman natanong?"
"Wala naman hehe just asking," napangiti ako ng pilit.
Itinuloy na lang namin ang pagkain ng cheese cake. Maya-maya'y tumunog ang cellphone ko.
Raven
Calling ......I answered the call.
Me: hello!
Raven: hello! I saw you.
Me: Where?
Raven: in the coffee shop with that guy.
Me: I'm just talking to him, that's what you want, right?
Raven: good girl, I love you bye!I ended the call.
"Is that your ex?" asked Tristan.
"What is it you anyway?" I raised my eyebrow to him.
He held my hand, "don't trust him too much Xandra, I'm not telling this because I'm mad at him it's just that ..... "
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nagsalita na ako. "I know Tristan don't worry."
"Do you want to revenge on him? Use me."
"What?" I was shocked with his question and when he said the word "use me".
"I'm serious," I saw the seriousness on his eyes. Hindi pa din niya binibitawan yung kamay ko.
Hindi ko na-resist yung ginawa niyang paghawak sa kamay ko at ang mga sinabi niya. He looks really serious about it. Will I accept his offer about the vengeance thingy? Oh no! I really don't know.
-----
A/N: read read read! Salamat po sa walang sawang nagbabasa. Vote vote vote and comment comment comment. Mwuakx :*-storiimiks-
BINABASA MO ANG
Who are you?
Teen FictionSa di sinasadyang pagkakataong ay nagkakilala kami. Masyadong napakaawkward ng pangyayaring ito. Sino ba ang nilalang na ito? Who the heck is he to kiss me? I don't even know him. - Alexandra Jamille Hernandez