Halos lumipad nako kakamadali dahil late nako patay ako nito baka di ako papasukin ni Sr . at ma-minusan pako . Minus 5 pa naman pag late o kaya absent -_-
Nag-dasal muna ko bago ako makapasok ng room
"Lord pls sana wala pa si sir " syempre sabi ko lang yan sa isip ko . Muka naman kasi akong tanga kung sasabihin ko yun nu ,mamaya tawanan ako ng mga nakakita sakin .
Kumatok muna ko bago ako pumasok .
-_O
O_-
O_O
Ang laki na nga ng mata ko lalo pag lumaki pagpasok ko , pano ba naman kasi walang tao . Halos madapa dapa nako sa bilis ng lakad ko tapos pagpasok ko walang tao !? Anyare ?
Tinawagan ko si Yaya or si besty . YAYA ang tawag ko sa kanya at ang tawag nya sakin Alipin . Diba ang bongga ? Haha . Pano naman kasi pareho kaming panganay at pareho kami ng sitwasyon yun nga lang mas maswerte sya dahil isa lang ang kapatid nya at di mabunganga ang nanay nya . Kung ang nanay ko parang may armalite ung nanay nya parang singer sa ganda ng boses tuwing nagsasalita ang hinhin ,grabe ! Yun nga lang nasa ibang bansa ang mudrakels nya kaya ayun sya ang taga-pagalaga . Saka buti pa sya walang malditang kapatid !
Pinindot ko na yung Call ng makausap ko na si Yaya .
Calling Yaya ...
Tagal sagutin ha . Naiinip nako .
( uy alipin napatawag ka ! ) buti naman sinagot nya -_-
(Ang tagal sagutin yaya ! Panong di ako tatawag walang tao dine ! Nasan sila ? )
(Kinain ng lupa alipin ! Haha . Char ! Malamang wala si Sr.dyan . Shunga !)
(Ay ang sweet -_- . Magtatanong bako kung alam ko !! )
(I know ! Hehe . Oh easy ! Easy ka lang eto naman . Pupuntahan kita dyan wait ka lang oki ? May chika ako )
Kahit kelan talaga ang best friend ko chismosa -_- . Walang araw na wala syang chismis eh .
(Sge sge . Bilian mo ha ? Kundi sasabihin ko sa guard na crush mo sya ! )
( oo na tae to eh ! )
Hahaha . Natawa naman ako dun . Crush nya kasi yung guard dto sa school . Di lang sya kundi lahat ng girls pano ba naman kasi ka-gwaponb nilalang .
-
"Alipin !!! Im here na ! "
Napalingon ako agad sa tumawag sakin . Kahit kelan talaga eh nu yung bunganga nya .
"Ingay mo yaya ! "
"Pake mo ! "
Ang sweet namin nu ? Haha. Ganyan kami mag-lambingan , bugbugan ,tarayan ,laitan at sigawan . Friendship Goals nga daw eh . Haha .
"Oh ano na nga pala yung chika mo YAYA ?"
"Ganto kasi yan Alipin ,nakita ko yung ex ko grabe besty alam mo ba kung anong itsura ng pinagpalit nya sakin ? Mukang CLOWN ! Ang kapal ng make up tapos ang pabebe pa . Grabe iba na talaga ang taste ng ex ko "
Di naman halatang bitter sya nu ? Halata namang mahal nya pa yung ex nya eh . Denial lang sya .
"Mahal mo lang yung ex mo eh"
"H-hindi a-ah ! "Tsk . Ayaw pa kasing aminin eh .
"Oo na . Btw besty I need your help "then I pout my lips .
"Di bagay sayo gaga ! " tapos siniringan nya ako .
Binatukan ko nga .
"Aray!eto naman joke lang . Di mabiro ! "
"Ngayon lang mag-seryoso eh . Umayos ka naman ."
"Eto na . Eto na. Ano ba yun ?"
"Kailangan ko ng panibagong trabaho eh "
"Teka ,diba may trabaho ka na ? "
"Eh kasi nag-sara sila eh . Kaya eto nganga ang lola mo "
"Hmm . Sige tutulungan kitang mag-hanap . Saka tatawagan ko rin si Tito baka kulang sya sa empleyado alam mo na i-rerecommend kita "
"Talaga best ? Ang sweet mo talaga best ! I love you talaga " niyakap ko sya tapos kiniss ko sya sa pisngi sa sobrang saya ko .
"Yuck best ! Kadiri ka ! Laway mo " tinulak nya ako ng unti .
"Eto naman masaya lang yung tao eh "
"Okay . Okay .tara na nga pumunta muna tayo sa canteen kain muna tayo . Mamaya mo muna isipin yan pagtapos ng klase "
-
Natapos ang klase ng wala man lang akong naintindihan . Andami ko kasing naiisip ngayon . Isa na doon yung paghahanap ko ng trabaho . Gusto ko kasing tulungan sila mama para mabayaran yung titulo ng lupa namin dahil baka mamaya mapalayas kami anytime pag di kami nakapag-bayad . Makulit at masayahin ako sa harap ng ibang tao pero deep inside iyakin at madrama ako ,lalo na pag usapang pamilya na .
Nandito kami ngayon sa isang Fast Food Chain ni Ashriell ,yan nga pala pangalan ng best friend ko :)
"Ya ,kinakabahan ako "
"Ano ka ba keri yan ! Ikaw pa ? "
Lumapit yung Manager samin . Ohmygod this it sisig !
"Hello Im Erwin Montanegro ,the manager .What can I do for you ?"
"Hello po , Im Arlene Aguilar . Mag-aaply po sana ako as Service Crew ."
"Ah ganun ba ? Wait me here okay ? May kukunin lang ako saglit ."
"Sge po "
Saglit nga lang talaga sya dahil mayamaya pa lang ay bumalik na sya . This time may hawak na syang papel .
Ano kaya yun ? Tanong ko sa sarili ko .
"Eto nga pala yung mga sasagutan mo . Dont worry kasi personal test lang naman to kaya di ka mahihirapan " whoo ! Kala ko may Math Problem eh ! Haha .
Kinuha ko na ung paper and then sinagutan ko na nga . Easy nga lang talaga sya .
Binigay ko na yung papel pagtapos ko . Pati na rin ung resume ko .
"Okay ,thank you . Tatawagan ka na lang namin for interview tomorrow ,okay ? I'll see you soon Ms.Aguilar . "
"Sge po Sr .Salamat po " tapos nag-shake hands kami .
Paglabas ko hinanap ko si best /Yaya . Lumabas kasi sya naglibot muna sya dto sa Mall baka daw kasi mainip sya . Nahagilap ko naman agad sya saka agad na niyakap .
"Best ohmygod ! This is it sisig na talaga "
"Best OA ! di ka pa natatanggap shunga !"
"And so !? Bawal maging masaya ? "
"Whatever !umuwi na nga lang tayo ! "
Masaya kong umuwi. Yes ! Magkakaroon nako ng trabaho ! Haha . Ang advance ko masyado ! Hehe . Pagbigyan nyo na minsan lang to.
BINABASA MO ANG
Panganay problems
Teen FictionPanganay , yan ang role ni Arlene Aguilar . Lahat ng duties ng isang Panganay ginagawa nya . At dahil mga bata pa ang mga kapatid nya halos lahat ng gawaing bahay ay nakatoka sa kanya . Pinapagalitan , sinisermunan , sinisisi , umiintindi at nag-pa...