Shut up & dance

10 2 0
                                    

Ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko ang sinabi ni Keifer sakin . Oo ,mabait sya sakin may pag-ka sweet din pero ni minsan kasi diko binigyan ng malisya yun . Ni minsan rin di ko naisip na magkakagusto sya sakin .

Simula ng gabing yun di na kami nagpansinan pa . Iniisip ko tuloy pano kaya namin magagawa yung project namin .
"Bakit di mo pa kasi pansinin " napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni besty .
"Natatakot ka na naman Arlene ? Alam mo di porket nasaktan ka ng isang lalake ,lahat ng lalake sasaktan ka na . Di sila pare-pareho ,oo magkakalahi sila pero di sila magkaka-ugali . Bakit di mo bigyan ng chance si Keifer ? Baka naman di ka pa nakaka-move on ?"
Napatingin ako saglit sa kanya . Oo tama sya di nga pare-pareho ang mga lalake . Pero masisi nya ba ko ? Di pa nga bako nakaka-move on ? Mahal ko pa rin ba sya ?

Awkward . Sobrang awkward . Andito ako ngayon sa bahay nila Keifer dto daw kami gagawa ng music video .
Favorite daw nya yung kantang shut and dance kaya ayun ang gagawan namin ng MV .
"Hmm.Arlene?"
"Yes?"
"Start na tayo ? "Nag-nod naman ako.
Inuna muna naming  mag-record ng kanta sa studio nya . Rich Kid ding tong isang to eh ,biruin mo pa naman may studio sya sa loob ng kwarto nya .
Sobrang laki ng kwarto nya mas malaki pa sa bahay namin .
Pagtapos nun ,ginawa na namin yung music video .
At dahil awkward naka-ilang take kami . Ang e-epic ng mga kuha .
"Naka-limang take na tayo .Pano ba yan ?"
Oo nga nakailang take na kami . Masaya yung kanta pero halata naman sa mga muka namin habang ginagawa namin yung video na di kami masaya ,na may ilangan saming dalawa .
"Mall tayo . "
"Ha?"
"Sabi ko Mall tayo . Dun natin gawin yung Music Video natin "
Hinatak ko na sya . Awkward man ,wala eh ! Baka di sya pumayag eh .

Andito na kami sa MALL . Pumunta kami sa Tom's World ,doon ko gustong gawin yung MV namin .
Naglaro lang kami ng naglaro ,in-enjoy lang namin ang bawat oras .
Niyaya nya akong mag-JUST DANCE nung una ayaw ko kasi walang mag-vivideo samin . Kasi alternate kami pag yung isa maglalaro yung isa naman yung kukuha ng video. Pero nagulat ako ng may tinawag syang lalake ,akala ko FC lang sya pero kilala nya pala yun(peymus!) At yung tropa  nya ang nag-video samin .

6 pm na ng matapos kami.Medyo nakakapagod pero masaya . Nawala yung awkwardness namin sa isa't isa kanina . Parang balik normal na ang lahat .
"Ang galing natin" napatingin naman ako kay Keifer .Hahaha . Ang cute nyang tignan para syang mabata kung makangiti . Tuwang tuwa eh . Teka did I say his cute ? O_O .
P-pero okay lang naman yun diba ? FRIENDS kami FRIENDS! Pero bakit ganun ? Bakit parang bumilis yung heart beat ko ? Saka parang kinikilig ako ? Ano ka ba ARLENE ! Kay LEE MIN HO ka lang pwedeng kiligin !
Umiwas nako ng tingin baka mangamatis na yung muka ko sa kilig eh .

"Uy una nako ha ?"
"Hatid na kita ."
"Wag na . Nakakahiya."
"Anung wag na !? Hahatid kita at wag kang humindi kundi papakagat kita sa aso namin . Hahahaha"
Panakot to eh nu. Magsasalita pa sana ako pero hinatak na nya agad ako . Galing talaga nitong lalake nito -___-

Nagpaalam nako bago pako pumasok sa loob . Buti at hindi ako nakita ni mama kundi yari ako .
Kanina hindi ko maiwasang mapangiti nung kinukuhanan ko sya ng video habang naglalaro sya .Ang cute nya---- hindi ang gwapo nya. Hindi ko alam pero feeling ko nagugustuhan ko na sya pero ... natatakot ako .

Panganay problemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon