"Lola totoo po ba yun ?"
Napatingin bigla sakin si Lola . Di ko na talaga alam . Gulong gulo ako .
"Apo ko ayaw kong mag-sinungaling sayo kasi Mahal na Mahal kita . Oo totoo ang sinabi nya . Anak ka ng tatay mo sa ibang babae . At ang babaeng yun ay second cousin ng mama mo na kaibigan nya rin . Inakit nya ang tatay mo para lang mapasakanya ang papa mo .Nabuntis ang totoong mama mo pero di sya nag-tagumpay sa balak nya kaya iniwan ka nya . Umalis sya di namin alam kung saan . "
Hindi ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko . Ang sakit sakit malaman . Ilang taon nila sakin yun tinago ! Yun ba yung ayaw nilang ipaalam sakin ? Bakit wala ba akong karapatan ?
"Bakit di nyo po sinabi agad sakin ? "
"Ayaw ng pag-usapan pa ng mama mo ang tungkol dun . "
"Lola aalis mo na ko gusto ko munang mapag-isa naguguluhan po ako "
Kinuha ko lahat ng gamit ko. Gulong gulo ang isip ko ngayon . Feeling ko nasa taiping ako . Naghihintay ako ng director na sisigaw ng "cut " pero wala akong narinig . Ang drama naman ng buhay ko masyado di bagay sakin :( Dapat ginawa na lang nilang comedy para lagi akong masaya o kaya ako ang nagpapasaya .Pinipigilan pako nung una nila Lola na umalis pero sabi ko kailangan . Gusto kong makapag-isip ng mabuti .
San ako pupunta ? Yun ang diko alam sa ngayon .
Ilang oras nakong naglalakad sa kalsada habang umiiyak . Buti at di ako napagkakamalang baliw ng mga tao na nasasalubong ko . Pagod at gutom nako .May nakita akong isang maliit na kubo ,pumunta ako dun para makapag-pahinga .
Ang unfair talaga ng buhay . Kung kelan akala mo okay na ang lahat dun naman magugulo :( For sure maga na yung mata ko ,kanina pa kasi ako naiyak eh .
Mag-aalas tres na ng madaling araw ,medyo inaantok nako . Nilatag ko yung kumot ko pati yung unan ko na spongebob . Girl Scout ata to :DNanaginip daw ako may tumatawag daw sakin tapos pinapauwi nako . Sinu kaya yun ?
Minulat ko na yung mata ko . Pagbukas ko nakita ko si Papa ? Kinusot kusot ko pa yung mata ko baka kasi namamalikmata lang ako .
"Papa mo to Arlene ,di ka nanaginip "
Nakuntento lang ako ng marinig ko ang boses nya .
"Anong pong ginagawa nyo dito ?"
"Sinusundo ang prinsesa ko ."
"Pero pa-"
"Alam kong naguguluhan ka anak sa mga nalaman mo ngayon. Pasensya ka na kung nilihim namin ha ? Natatakot lang kaming mawala ka samin anak ." Nilapitan ako ni Papa at niyakap nya ako ,niyakap ko rin sya ng mahigpit .
"Uuwi na tayo ha ? Wala mg drama okay ? "
Nag-nod naman ako . Sumakay na ko sa passenger seat .Ngayon alam ko ng wala nakong dahilan para lumayo sa kanila . Di man ako matanggap ngayon ni Mama bilang anak ,alam kong balang araw mamahalin nya din ako :(
Everytime na nagbabyahe kami ni Papa lagi kaming nagpapatugtog then kakanta kami . Kahit sintunado todo pa rin kami sa pag-birit . Isa ito sa mga bonding moments namin noong bata ako na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin namin ..
*boogshhh*
Yan ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay .-
Pag mulat ng mata ko puro puti ang nakita ko . Kahit di ko tanungin kung nasan ako sa itsura pa lang ng digdig at ceiling alam na alam ko ng nasa Ospital ako . Kinapa ko ang ulo ko ,may bendang nakalagay . Nasan si Papa ?May pumasok na nurse na babae .
"Hi Maam buti naman at gising ka na po . May masakit po ba sa inyo ?"
"Wala naman po ."
"Sge babalikan na lang kita mamaya"
Pagkatapos nun ay lumabas na sya . Kailangan kong mahanap si Papa . Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa kanya ,kung okay lang ba sya oh hindi .Lumabas ako ng room . Buti at hindi ako nakita ng ibang nurse kundi papagalitan ako for sure .
Lahat ng room dto sa ospital sinilip ko . Mayamaya pa ay nakita ko sila Mama sa isang tapat ng room .Lumapit ako ng konti napansin nya ko kaya lumingon sya .
"Anong ginagawa mo dto ?"Kalmado pero alam mong may galit sa tanong nya .
"Gusto ko pong kamustahin si Papa "
"Kamustahin ha !? Ayan tignan mo kung anong nangyari sa Papa mo ! Tignan mo ! "
Sinilip ko ang glass window na tinuro ni Mama . Halos maiyak ako ng makita ko ang kalagayan ni Papa . Wala syang malay andaming nakalagay na aparratus sa katawan nya .In short ,comatose sya .
"ANO MASAYA KA NA HA ! WALA KA NA TALAGANG NAGAWANG MAGANDA ! PURO NA LANG KAMALASAN ANG DINULOT MO SA PAMILYANG ITO ! PAREHONG PAREHO TALAGA KAYO NG NANAY MO ! WALA KAYONG IBANG GINAWA KUNDI SIRAIN ANG BUHAY KO MGA WALA KAYONG KWENTA ! "
Natumba ako ng itulak nya ko .
"HINDI KO ALAM KUNG BAKIT TINANGGAP KITA ! DAPAT PINAMIGAY NA LANG KITA SA IBA KUNG ALAM KONG GANTO LANG ANG GAGAWIN MO SAMIN ! DAPAT IKAW NA LANG YUNG NA COMATOSE O KAYA DAPAT NAMATAY KA NA LANG PARA HINDI NA KAMI MINAMALAS NG GANTO!" Halos mapahagulgol ako sa sinabi ni Mama . Sumasakit na yung ulo ko ,sobrang sakit pero wala ng sasakit pa sa mga salitang binitawan ni Mama .
Naiwan ako dtong nag-iisa na nakasalampak pa din sa sahig . Pilitin ko mang tumayo diko kaya . Nakakahiya ,pinagtitinginan nako ng mga tao habang iyak ako ng iyak .
"Apo anong ginagawa mo dyan ?"
Si Lola . Niyakap ko sya ng mahigpit at tuluyan na naman akong napahagulgol .
"Shh . Tahan na apo . Magiging okay din ang lahat ."Nandito na kami ngayon sa kwarto ko . Babantayan muna daw nya ko .
Buti pa si Lola tanggap ako
:( . Oo hindi ako tunay na anak ni Mama pero sana naman magawa nya rin akong mahalin . Hindi ko maintindihan kung bakit sakin sya laging galit. Di ko naman kasalanan na maging anak sa labas .
BINABASA MO ANG
Panganay problems
Teen FictionPanganay , yan ang role ni Arlene Aguilar . Lahat ng duties ng isang Panganay ginagawa nya . At dahil mga bata pa ang mga kapatid nya halos lahat ng gawaing bahay ay nakatoka sa kanya . Pinapagalitan , sinisermunan , sinisisi , umiintindi at nag-pa...