Prologue :
PANGANAY :
-taga pag-alaga ng mga nakakabatang kapatid
-katulong sa gawaing bahay
-taga bantay ng bahay
-role model
-dapat magpasensya
-unang dapat umintindi
Yan ang mga duties ng isang Panganay ,pero di lang yan ! Marami pa . Ang hirap maging panganay kasi unang una sa lahat ikaw ang yari sa nanay mo pag di mo binantayan ang mga kapatid mo . Pag nag-away kayo ng kapatid mo ,sasabihin ng nanay mo sayo "intindihin mo na lang" o kaya "pagpasensyaha mo " ,kahit ang mali ang kapatid mo . Kahit ikaw ang tama nagiging mali sa paningin nila . Nasasaktan ka na pero wala pa ring nakakapansin . Hanggang saan nga ba ang kayang gawin ng Panganay ?
-
"Arlene alaagaan mo ang kapatid mo ha "
"Arlene linisin mo yung bahay "
"Arlene yung aso pakainin mo "
Ayan ang lagi kong naririnig tuwing umaga bago pumasok sa trabaho si Mama . Lahat ng gawaing bahay nakatoka sakin bilang ako ang PANGANAY at mga bata pa lang ang mga kapatid ko .
"Opo ma "
"Sige ,mag-ingat kayo ha . Aalis nako "
Hinatid ko na si mama sa sakayan ng jeep tutal walking distance lang naman sya at malapit lang sya sa bahay . Umalis nako nung nakasakay na si mama .
Pag-uwing pag-uwi ko nag-saing agad ako pagtapos nagluto ng almusal .
"Coleen , Kysler gising na malelate na kayo "
"5 minutes " eto talagang si Coleen kahit kelan -_-
"Di pwede . Bangon na bangon ! " hinila ko yung yakap nyang unan para gumising na sya at bumangon .
"Ano ba ! Natutulog yung tao eh !
"Malelate ka na eh . "
"Tsk . Epal "
Kahit bulong narinig ko pa din ung sinabi nya . Kahit inis na inis ako sa kanya dahil sa kamalditahan at sungit nya di ko pa rin syang magawang saktan o pagalitan . Ibang iba sya kay Kysler ,malambing at sweet na bata di tulad nya .
Bumaba na kami para kumain .
"Wow hotdog " tuwang tuwa si Kysler nung makita nya kung ano ang breakfast .
"Tsk . Nakakasawa" di ko na lang sya pinansin . Tahimik na lang akong kumain . Ewan ko ba kung bakit ganyan yang bata na yan .
-
Sinabihan ko silang maligo na para makapag-prepare na sila papasok sa school . Hinugasan ko na muna ung pinagkainan namin habang hinihintay ko sila . Bigla akong napaisip nung maalala kong wala na nga pala akong part time job . Kailangan ko na naman tuloy mag-hanap . Nag-desisyon akong mag-working student dahil gusto kong tulungan si Papa na nasa ibang bansa . Ang mahal pa naman ng tuition ko idagdag mo pa ang sangkaterbang thesis at project . Hirap talagang mag-college ! Mayamaya pa narinig ko na sila Coleen sa sala . Nang matapos nakong mag-hugas ng plato pumunta nako agad dun at inasikaso ko agad si Kysler ,5 years old pa lang sya kaya di pa sya marunong mag- suot ng uniform .
"Yan ang pogi mo na Kysler "
"Ako pa " tapos naka-pogi pose pa sya. Ang cool ni bunso. Sya lang ang close ko sa lahat .Hinatid ko na sila agad sa school nila na malapit lang din samin . Umalis nako ng makapasok na sila sa loob
BINABASA MO ANG
Panganay problems
Ficțiune adolescențiPanganay , yan ang role ni Arlene Aguilar . Lahat ng duties ng isang Panganay ginagawa nya . At dahil mga bata pa ang mga kapatid nya halos lahat ng gawaing bahay ay nakatoka sa kanya . Pinapagalitan , sinisermunan , sinisisi , umiintindi at nag-pa...