Revelation

5 1 0
                                    

Limang araw na magkakasunod ang Gig namin . Wala kaming masyadong pahinga at tulog . Ang hassle pa kasi malalayong lugar ang pinuntahan namin . Buti at sagot nila ang pamasahe at pagkain namin . Anong oras ako laging umuuwi pero buti napapayag ko si Mama at si Papa . Yung ibang sweldo ko binigay ko sa kanila , kumuha lang ako ng 2k pambili ko ng libro,wallet at damit . Sabi ni Papa baka daw bumalik sya sa ibang bansa kasi nag-resign daw yung ka-trabaho nya at wala pa daw makuhang kapalit .
Pero sana may makuha na sila :( Ayaw ko kasing umalis ulit si Papa . Gusto ko nandito lang sya kasama namin .

Papunta kami ngayon ng Family ko sa Batangas para dalawin si Lola . Ilang taon na rin kaming di nakakapunta dun ,sobrang layo kasi tapos medyo busy pa kami . Excited nakong makita si Lola pati na rin yung ibang kamag-anak namin dun .

"Arlene gising!gising . Andito na tayo " nag-ayos muna ko ng sarili bago ako bumaba feeling ko kasi mag muta at panis na laway pa ko eh . Ang sarap talagang matulog pag nasa biyahe .

Pagkababa ko nakita ko na agad ang pinsan ko . Lumapit agad sila sakin .
"Arlene !!! Lalo kang gumanda ! Kamusta ka na !!!?" Sabi ng pinsan kong si Claire . Isa sya sa mga close ko . Magkasundong magkasundo kami lalo na sa PAGKAIN ! haha .
"Eto nambola pa ! Haha . Okay lang naman ako . Ikaw? Teka ang sexy mo na ha ! " at nag-pamewang pa sya . F na F ? Haha . Dati kasi mataba sya . Asar ko nga sa kanya baboy eh ,buti di sya napipikon.
"Ganun talaga pag nagkaka-love life "
"May boyfriend ka na ?"
"Meron pero di nya alam ." Tas bigla sya nalungkot . Pwede ba yun may bf ka pero di nya alam ? o.O .Nahalata nya atang naguguluhan ako .
"Hahaha . Joke lang .crush ko lang yun ."
Ahh . Kaya pala ! Hahaha .
Ganyan din ako dati eh . Para sakin bf ko si crush :D

Pumasok na kami sa loob . Sinalubong agad kami ni Lola .
"Apo ko . Namiss kita ."
Niyakap ako ni lola ng mahigpit ,ganun din ang ginawa ko . Miss na miss ko rin si lola . Kahit matanda na sya kaya nya pa rin sumabay sa uso kaya nagkakasundo kami .
"Namiss ko rin po kayo lola "
"Kumain ka na ba ?"
"Di pa nga po eh . "
"Oh tara , may inihanda ako sa inyo . Alam kong magugustuhan mo."
Pumunta na kami sa kusina ni Lola . Alam na alam talaga ni Lola ang paborito ko .
"Wow ! Spaghetti . Thank you lola ."
"Galing ko nu ? Hehe . Welcome apo . Kumain ka lang ng kumain dyan ."
Andaming pagkain . May spaghetti,fried chicken,lumpiang shanghai,liempo ,barbecue at leche plan . Siguro sinabi ni Papa na darating kami kaya naghanda si Lola .
Sabi ni lola meryenda lang daw lahat yun . Sa bagay madami kami nandito ngayon kaya naming ubusin yan .

Halos hindi ako makahinga sa dami ng kinain ko kaya naisipan ko munang lumabas para maglakad lakad at para na rin magpahangin . Iba talaga ang hangin sa probinsya ,sariwa .
Nakita ko si lola na nagdidilig ng mga halaman sa bakuran .
"Lola tulungan ko na po kayo ."
"Sge apo "
Hilig ni Lola ang magtanim ng mga halaman at bulaklak.Magaling mag-alaga si Lola kaya naman yung iba binebenta nya sa bayan . Marami na syang naging suki . Hindi nako magtataka pa doon sa ganda ba naman ng mga halaman at bulaklak na nakikita ko ngayon eh di na kataka-taka .
"Namiss ko ang mga bulaklak nyo lola ."
"Namiss ka rin nila . "
Sabay kaming natawa ni Lola . Ang cool talaga ng lola ko :)

Pinag-paalam ako ng pinsan ko kila Papa kung pwede akong sumama sa kanya sa Perya buti at pumayag sila . Matagal na din akong di nakakapunta sa mga perya kaya medyo na-excite ako .

Para akong bata sa sobrang sya ko  ng makakuha ako ng stufftoy. Sabi namin hanggang 7 pm lang kami pero anong oras na ,medyo napasarap kami sa paglalaro . Yari kami neto .

Sa di kalayuan  ay may naririnig kaming sigawan kaya naman nagmadali kami ni Claire . Si Mama yun ah ?

Pagpasok namin nakita namin si Mama . Mukang lasing sya ? Naparami siguro ng inom . Nagkakayaan kasi sila Tita Emerald na mag-inom kanina.
"Ano ba be ! Tama na . Wag ka ng uminom lasing ka na eh . Matulog na tayo "
"Hindi ako lasing . Kaya ko pa . Ako pa ba ? Haha .Yung panloloko nga pinsan ko slah kaibigan ko !Na kaya ko eh ! Alak pa kaya ? "
"Ano bang pinagsasabi mo ha Rhea . Tara na umakyat na tayo "
"Anong pinagsasabi ko ha ! Kahit ang sakit sakit para sakin tinanggap ko ang naging anak nyo ! Inaalagaan ko sya ! Minahal ko sya ! Kahit ang sakit sakit ! Di ko alam kung saan ako nagkulang bilang asawa para saktan mo ko ! "
"Di ko sinasadya yun ! Sabi ko naman sayo diba nilagyan nya ng pampatulog yung inumin ko kaya nakatulog ako at kaya may nangyari . Ikaw lang ang mahal ko ."
Iyak ng iyak si Mama . This is the first time na makita ko syang nagkakaganyan . Kaya pala this past few days parang balisa sya may problema pala sya .
Pero anong sinasabi nyang anak ? Diko gets ?
Napatingin sakin si Mama .
"Ikaw ! Ikaw ang bunga ng kataksilan ! Dahil sayo kaya ako nasasaktan ! " sigaw ni mama sakin habang dinuduro duro nya ko .
"Wag mo na lang pansinin ang sinabi ng mama mo ha ? Lasing lang sya ." Bulong ni Lola sakin .
"Lumayas ka dito ! Hindi kita anak ! " yan ang paulit ulit na sinasabi ni Mama habang inaakyat sya ni Papa sa taas .
Di ko alam kung anong nangyayari . Naguguluhan ako .

Panganay problemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon