New Classmates

16 2 0
                                    

Pagkapasok na pagpasok ko nakita ko agad si Mama na nakatayo sa tabi , halatang galit na galit sya sa titig nya pa lang .
"Anung oras na ha ? Bakit ngayon ka lang umuwi aber ! Di ba maaga pasok nyo ha !?"
Kalmado pero halatang may halong pagkainis ang tanong ni Mama .
"Nagtrabaho po ako ."
"Trabaho ha ? Para ano may maipaglaki ka samin ng papa mo ? Para masabi mong kaya mo na ang sarili mo ? Saka anung trabaho pinagsasabi mo edi ba nga nagsara na yung mini grocery na pinagtatrabahuhan ko dati ha ! Pano ka nagkatrabaho !?"
"May nag-alok po sakin na maging singer sa banda nila ."
"Talaga !? Singer ? O GRO HA !! 12:00 na ! Arlene ! Oras ba yan ng pag-uwi ng estudyanteng katulad mo ha ! Babae ka pa man din ! "
"H-hindi po totoo yun ! Nagtatrabaho po ako di po ako gumagawa ng masama . Saka tinext ko po kayo nun na gagabihin ako . Sana naman paniwalaaan nyo ko !"
Napuno nako kaya medyo napalakas ang pag-sagot ko kay mama .
*pak*
Isang malutong at malakas na sampal ang inabot ko kay mama .
"SUMASAGOT KA NA HA ! BAKIT KAYA MO NA BA KAMING PALAMUNIN ! KAYA MO NA KAMING BUHAYIN NG MGA KAPATID MO HA ! ETO TATANDAAN MO KAHIT BIGYAN MO PA AKO NG 1 million DI NUN MATUTUMBASAN ANG PAG-AALAGA KO SA INYO !"
Hawak hawak ko pa rin ang pisnging sinampal ni Mama habang umiiyak ako . Habang buhay na lang ba kaming ganito ?
"Anung nangyayare ha ?" Narinig ko ang boses ni Papa .
"Bakit ka umiiyak ?" Tanong sakin ni papa habang nakayakap sya sakin . Tinignan ko lang sya saka yumuko ulit .
"Pag-sabihan mo yang anak ko baka di ako makapag-pigil ."
Pagkatapos umakyat na si Mama sa taas.
"Pag-pasensyahan mo na si Mama mo ha ? Ano ba kasing nangyare ?"
Kwinento ko kay Papa yung nangyare kanina . Buti pa sya naintindihan ako .
-
Iiyak ako ng iyak kagabi kaya eto ang mata ko magang maga .
"Kahit di mo na ikwento sakin besty alam na alam ko na agad ang nangyare kagabi . Kitang kita sa iyong mga mata ang ebidensya "
Nginitian ko na lang sya . Halata namang fake ung ngiti ko .
"Okay lang yan di ka pa ba nasanay sa nanay mong sadista ,bungangera at strikto ? Di ko nga alam sayo bakit nagagawa mo pa rin syang sundin kahit ganyan sya sayo eh ."
"Kasi sya pa din ang nanay ko "
Wala na naman akong naintindihan dahil sa nangyari . Parang araw araw na lang ata may problema ako .

"Waaaaaaaaahhhhh !!"
"Ang gwapo nila"
"Baby uwi na di nako galit "
Napatingala ko ng marinig ko ang mga tilian at sigawan ng mga schoolmates kong babae . Ano ba naman yan oh ! Andun na eh oh ! Kakain nako ng shawarma eh . Sa panaginip ko na nga lang yun matutupad eh . Dahil wala akong pambili eh . 60 rin yun nu . Tapos naudlot dahil sa mahaharot na yun . Waaaah T-T sira na yung araw ko .
Sinu ba kasi yng tinitilian nila ? Kung makasigaw parang mapuputol yung ugat eh . Hindi ba sila nahihiya ? Nasa hallway sila haler ?
"BEST!!!!" Isa pa tong babaeng to eh -_-
"Ano ?" Bored kong sabi .
"Nabalitaan mo na ba ?"
"Ang alin?"
"May bago daw mga student sa school natin . At magiging classmates natin sila "
"And so ?"
"Di ka ba natutuwa best ?"
"Muka bakong natutuwa best ha ! Dahil sa kanila best naudlot ung maganda kong panaginip ! "
"Ts.shawarma again
-_- . Corny !"
Tinarayan ko na lang ulit sya at yumuko na lang ulit ako .

Nagising nako bago pa dumating si Sr . Buti at di nya ko naabutan kundi mapapakanta ako nito .
Ganun kasi yung prof namin eh pag late / natutulog ka sa klase nya ipapakita mo yung talent mo or else gagapang ka sa hallway ng 3 beses . Diba lupit ? Haha .
"Students  may bago nga pala kayong mga classmates "
"Sge pasok na kayo mga iho"
At pagpasok na pagpasok nila yung mga classmates kong girls ay ayun nagwala na naman at ako nagulat. Gulat na gulat .
"Okay magpakilala na kayo isa isa "
"Hi Im Xyril De Guzman"
"Im Toby Ramirez"
"Keifer Enriquez nga pala"
"Yo !Xavier Rivera here!"
Gets nyo na kung bakit gulat na gulat ako .

"Hi Pretty Girl ! " ako ba yung tinatawag ni Toby ? Sa direction ko kasi sya nakatingin eh .
Tumingin ako sa likudan ko . Malay mo kasi yung nasa likod ko pala yung tinitignan nya . Pero walang tao sa likod .
"A-ako !?" Tinanong ko pa sya habang nakaturo sa sarili ko . Mamaya kasi nag-aassume lang pala ako eh . Ang sakit pa namang umasa :( hahaha . Hugot
"Sinu pa ba best . Ikaw pa-humble ka pa !" Sang sumulpot tong babaitang to ? o. O
"Teka bakit kayo lumipat ng school ?"
"Kasi gusto namin" sabay ngisi ni Xavier . Pilosopo tasyo -_-
"Kasi gusto kong makasama ang babaeng gusto ko ."babaeng gusto ? Sinu kaya yung tinutukoy ni Keifer ?

"Sinu kaya yung sinasabi ni Keifer nu ?"
"Best  ang  slow !"
Ha?diko gets .

Panganay problemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon