At dahil may new classmates kami at yun ang mga ka-banda ko ! Medyo nailang ako , Oo close kami pero hindi lang kasi ako sanay na nasa school sila at classmate ko pa .
"Itae mo na yan best!"
Panira talaga ng moment kahit kelan . Kita mong nagmumuni muni . Kung ano sinasabi
"Tse ! Don't talk to me !"
"Ay kabog si ateng ! Nag-eenglish na sya oh ! May new classmates lang eh ganyan na .Ikaw ha ?"
Tapos nag-smirk sya . Kung ano na naman iniisip nitong empaktang to !
"Waaaah . Hi toby maloves !"
"Ohmygod . Ang hot mo talaga Xyril ! "
"Akin kana lang Keifer!"
"Baby Xavier uwi kana di nako galit!"
Sabi na eh parating na sila eh . Di naman sila mag-wawala ng ganun kung hindi eh .
Timabihan agad ako ni Toby .
"Hi pretty girl"
"Bolero . Haha"
"Hindi kita binobola nu ! Totoo yun diba guys ?" Sabay tingin nya kila Xyril .
"He's right you are beautiful " totoo ba ito ? Sumasang-ayon si Keifer ? Owmygi ! Parang dati lang si Xavier ang pinagpapantasyahan ko pero ng makita ko si Keifer nag-iba agad ang isip ko . Ang lakas kasi ng appeal nya eh . Saka pag nagsasalita sya nakakakilig sa ganda ng boses nya ^____^
Napayuko na lang tuloy ako kasi feeling ko namumula yung pisngi ko . Keifer nemen kese eh .
Buti dumating na yung prof namin kundi mahihimatay nako sa kilig .
"Uy narinig ko yun " bulog sakin ni besty .
"Ano yun?" Syempre kunwari di alam . Mamaya kasi asarin ako nyan .
"Patay malisya ! Asus ! Kinilig ka lang eh ! "
Wala pa rin pala akong ligtas . Sa ilang taon naming mag-best friend kilang kila na namin ang isa't isa . Kahit mga utot at hininga namin alam na alam na namin . Childhood friend ko kasi si besty .
"M-makinig ka na nga lang !" Sabi ko para di na nya ko kulitin pa .
"Owkay sabi mo eh ! " umayos na sya ng upo at nakinig na kay Sr . Pero para syang tanga kasi nakangiti sya . For sure , nag-iisip na yan ng pang-aasar sakin -_-"Best kilala mo na ba yung bagong love team ngayon ?"
"Hindi eh ."
"Ano ka ba naman besty ! Dinaig pa nito ang ibang loveteam ."
"Anung loveteam ba yan ?"
"Keilene"
"Keilene ??"
"Keifer + Arlene =Keilene ."
"Ewan ko sayo best !"
"Kunwari ka pa kinilig ka naman !"Lumabas na lang ako ng room . Makapunta na nga lang sa library ng matahimik naman ang buhay ko .
Kung di ko lang bff si Ashriell matagal ko na syang nasapok . Andami kasi nyang alam eh na KALOKOHAN ! I-partner ba naman ako kay Keifer ? Di pa nga kami nagkakakilala nun eh . Di pa rin kami masyadong nag-uusap . Ang lagi ko lang kakwentuhan sa kanila si Xavier madaldal kasi yun eh saka makulit din . Saka imposibleng magustuhan ako nun , halatang iba ang type nun .'Buti walang masyadong tao makakapag-relax ako'
Sabi ko sa sarili ko . At dahil mahilig akong magbasa naghanap ako ng libro sa Fiction section .
'Nasan na kaya yun?'
Hanap hanap .
'Ayun !'
Kukuhanin ko na sana yung libro ..
"Waaaaah !!"
Buti di ako narinig ng Librarian kundi mapapalabas ako . Sinu ba naman kasing di mapapasigaw ,kung pagmumuka ni Keifer ang bubunggad sayo .
"Sorry kung nagulat kita ." Dapat lang jusko ! Feeling ko aatakihin ako eh .
"A-ano ba kasing ginagawa mo dyan eh . Pasulpot sulpot ka na lang bigla ."
"Naghahanap ng libro malamang"
May pagka-pilosopo rin pala tong mokong na to .
Kinuha ko na yung libro ,iniwanan ko na sya run bahala sya .
Paglapag ko ng libro ko muntikan na naman akong mapasigaw pano ba naman kasi ung muka na naman nya ang nakita ko ,buti napigilan ko ang sarili ko .
"Magugulatin ka pala ."
"Medyo . Hehe"
"Bakit di mo kasama yung best friend mo ?"
"Ay iniwan ko muna ng matahimik ako ."
"Hahaha . Parang si Xavier yun nu ?"
"Oo parehong madaldal ."
Alam ko nagbabasa ako eh . Kasi tong lalaking to eh dinaldal ako eh . Makapagbasa na nga lang ulit .
"Oo nga pala di pa kita masyadong kilala "napatingin naman ako sa kanya . Yan na naman dadaldalin ako . Pero tama sya .
"Mag-kwento ka sa buhay mo "
Ano to interview ? Haha . Sge na nga ? Buhay ko ? Anong meron ? Ano nga ba ?
"May 2 akong kapatid , panganay ako . May mama ako pero parang wala naman ,haha . Tapos daddy's girl ako ."
"Wala ,panung wala ?"
"Lagi syang masungit parang di nya ako mahal . Oh ikaw naman" tapos tumawa ako ng mapakla . Hindi ba mapaitv! Haha . .
"I have a complete family . I have twin sister ,Keith is her name . Masaya naman kaso wala silang masyadong time sa'min alam mo na business "
Ay taray ! Rich kid !
Madami pa kaming pinagkwentuhan . Pati nga yung katangahan ko nung Grade 6 na-ikwento ko sa kanya ,tawa sya ng tawa . Muntikan na tuloy kaming napalabas ng librarian .
Diko alam na ma-eenjoy ko ang makipag-kwentuhan sa kanya ."Next time ulit ha ? Bye!" Sabi ni Keifer bago sya umuwi .
"Uy ano yun besty ha !? Ikaw ha may di ka sinasabi ! "
"Nagkwentuhan lang kami sa library . "
"Aha doon pala ung tagpuan nyo ha ! Kelan pa to ha ! Umamin ka ! Nasan si crispin ilabas mo sya !! Ilabas mo !"
Binatukan ko nga .
"Aray ."
"Baka kasi naalog yung utak mo , inayos ko lang .Anung tagpuan ka dyan ha ! Nagkataon lang empakta ! "
"Owkay . Tara na uwi na tayo . Gutom nako eh . "
Hanggang sa pag-uwi namin inaasar nya ako . Akala ko pag nabatukan ko na sya titigil na sya di pala -_-
Bakit kasi dun pa sila nag-aral ! Lagi tuloy akong napeperwisyo !
BINABASA MO ANG
Panganay problems
Fiksi RemajaPanganay , yan ang role ni Arlene Aguilar . Lahat ng duties ng isang Panganay ginagawa nya . At dahil mga bata pa ang mga kapatid nya halos lahat ng gawaing bahay ay nakatoka sa kanya . Pinapagalitan , sinisermunan , sinisisi , umiintindi at nag-pa...