Competition

24 2 0
                                    

Lalo pa kaming naging close ni Keifer . At lalo pa kong inaasar ni besty . Bagay daw kami . Tsk . Dahil sa walang katapusang pang-aasar nya sakin lahat ng kaklase namin inaasar na rin kami . Yung tipong magtabi lang kami ,mag-usap lang kami bigla ka na lang makkakarinig ng
"ayieee!"
"Bagay sila"
Ang malisyo't malisyosa ! Bawal ba mag-usap ang babae't lalake ?
Sabi ni Keifer wag ko na lang daw pansinin . Nakakairita kaya sila .

At dahil malapit na ang October ,marami ng abala sa pag-iisip ng mga activities na gagawin nila . Alam ko nagtataka kayo kung anong sinasabi ko . Ganto kasi yan malapit na ang Foundation dito sa school . At masaya yun ,PROMISE :) .
Andito kami ngayon sa canteen , mag-memeeting daw kasi kaming mag-kakabanda . Mayroon kasi silang nakita sa bulletin board na Competition at gusto nilang sumali kami .
Kung ako ang tatanungin syempre ayoko ,kasi nga diba may stage fear ako ? Saka nakakahiya kasi .
Pero pumayag ako ayaw ko namang iwan sila sa ere nu .
"Kailangan na nating mag-practice ngayon pa lang . Kahit sabihing dalawang linggo pa bago mag-competition . Marami tayong makakalaban and I now naghahanda na yung mga yun . Sa laki ng prize maraming magagaling ang sasali kaya guys no excuses pag practice okay ?"
Wow ! Ang seryoso ni Xavier ngayon ha . Bago yun . Haha.
Tumango naman kaming lahat sa kanya . Medyo nag-woworry lang ako kasi baka di ako payagan pag walang pasok eh .
"Mamaya na tayo mag-papractice okay ? Sa studio nyo natin . Oo nga pala di pa alam yun ni Arlene samahan nyo na lang sya "
Pagkatapos ng meeting namin umalis na si Xavier ,pupunta na daw kasi sya sa studio para daw maayos na yung mga gagamitin mamaya .
"Kinakabahan ka nu ?"napatingin naman ako kay Toby.
"Medyo . Di naman kasi talaga ako performer eh . Saka wala talaga akong alam sa mga ganyan . "
"Hahaha . I know ."
"Pareho talaga kayo . Haha"
"Ha ? Sinu ?"
Tignan mo'to bastos kinakausap pa eh . Nilayan na agad ako . Hay nevermind -_-

-
"Best tara na uwi na tayo"
"Best di pako uuwi eh may pupuntahan pako ."
"San punta ?"
"Studio diko alam kung saan eh . Basta kasama ko sila Toby "
"Sasali kayo sa competition nu ?"
"Pano mo nalaman ?"
"Hula ko lang . Hehe." Loka loka talaga tong babaeng to .
"Sge ingat ka ha . Wag mong iuwi si Keifer ha ?"
Bago ko pa sya mabato ng bote ,nakatakbo na sya ng mabilis . Abnoy talaga yun .
'Nasan na nga pala sila Toby ?'
Nandito pa rin ako sa school ,hinahanap ko sila Toby. Nasan na ba kasi yung mga yun eh ? Bakit kasi nila ako iniwan ? T-T
Paliko na sana ako ng makita ko ang mga mokong na nagkukumpulan sa isang tabi . Andito lang pala sila eh . Ano naman kayang ginagawa nila ?
"Ehem !"
"Uy Arlene nandyan ka !"
"Ay hindi kapatid mo to ! Kanina ko pa kayo hinahanap nandto lang pala kayo ."
"Easy ! Nanunuod lang naman kami ng basketball "
Basketball ,asus baka mamaya kung ano ano yung pinanuod nila . Oh wag green minded ! :)
"Osya . Tara na nga baka magalit na si Xavier satin . Anung oras na oh . Baka gabihin pako nito . "
"Eto na po madam ! "

Pumunta na kami sa Studio na sinasabi nila .
Nasan yung studio dto ? Eh mukang bahay to eh . Sinundan ko na lang sila kung saan sila pupunta kasi wala akong alam dto sa lugar na to . First time ko nga lang dto eh .
"Nandito na tayo ."
Nag-dingdong na sya . Dito ba talaga ? May nagbukas ng pinto si Xavier ?
"Tuloy kayo sa bahay ko."
Bahay nila ? Ang laki naman ng bahay nila parang mansyon .
"Bahay ng pamilya nyo . Hindi mo bahay . " pag-cocorrect ni Xyril.
"Pareho lang yun "
Umakyat na kami sa taas para puntahan ung studio nila . Wow ! Ang laki . Parang tulad to sa mga napapanuod ko lang sa T.V . Andaming instrument . Kumpletong kumpleto . Edi sya na RK !
"At dahil ngayon lang kayo ,wala ng kain kain sisimulan na natin ang practice okay ? "
"Pero-"
"Aangal ka pa toby ha ! Mahigit isang oras ako naghintay sa inyo ang lapit lapit lang ng bahay ko mula sa school na-late pa kayo . Saka pag mamaya pa tayo nag-simula gagabihin kayo . Mapapagalitan pa kayo lalo na tong si Arlene babae pa naman yan ."
Wow . Concerned :D
Wala ng sumagot pa samin . Inumpisahan na agad namin yung practice .

Panganay problemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon