Daily routine ko na ang magising ng maaga kahit late na late nako natulog nagigising pa rin talaga ako ng 6:00 a.m ewan ko ba pero kusang bumabangon ang katawan ko kahit gusto ko pang matulog . Epal tong katawan ko eh . -_- haha .
Bilang panganay ako ang nagluto ng breakfast na lagi ko namang ginagawa noon pa man . Pagkatapos kong magluto . Naglinis naman ako . Sipag ko nu ? Kailangan eh. Wala eh panganay.
-
Umakyat ako sa taas para gisingin na yung dalawa dahil anong oras na baka ma-late pa sila . Tulad ng dati umangal na naman si Coleen . Anong oras na kasi natutulog yang bata na yan kahit pag-sabihan ayaw sumunod ! Buti pa tong si Kysler bumangon agad . Niyaya ko na syang kumain . Hihintayin na lang namin bumaba ang maldita kong kapatid -_-
"Kumain ka ng madami ha ? Para may lakas ka mamaya :) "
"Opo ate arar . Dami dami . " ang cute at sweet nya talaga :>
Patapos na kami ng makababa si Coleen .
Padabog syang umupo
"Di man lang ako hinintay !"
Sasandukan ko na sya ng tabigin nya yung kamay ko kaya ayun natapon tuloy ung giniling sayang tuloy !!! XD
"Kasi naman eh ! Nagmamarunong kaya ko naman eh !! " di ko na sya pinansin . Kinuha ko na lang yung mga pinagkainan namin ni Kysler at hinugasan . Pag pinansin ko pa kasi sya hahaba lang lalo . Sanay nako sa kanya :)
Pero napansin kong tumulo yung luha ko . Sanay nako pero di ko pa rin talaga maiwasang umiyak tuwing minamaldita at sinasagot nya ko ng ganun . Parang di nya ko ate :( .
Binilisan ko na lang ang paghuhugas ko para masikaso ko na agad si Kysler .
"Ligo ka na Kysler . "
"Samahan moko ate arar kasi di pa tapos si Ate clen clen eh . Kain pa sya oh " ang cute nya talagang magsalita haha .
"Sge sge . Wag ka ng maglaro okay ? Kasi malelate ka . "
"Opo"
Pagkaligo nya pinagbihis ko na sya . Natapos na ring maligo si Coleen ,sa kabilang CR kasi sya naligo . Hinatid ko na rin sila pagkatapos nilang magbihis
-
"Arlene !!! Arlene !!! "
Napabangon ako sa kama ng marinig ko ang malakas na pag-sigaw ng nanay ko . Sanay akong marinig na sumisigaw si mama pero pag ganyan kalakas isa lang ibig sabihin nyan BEASTMODE na sya ! alam ko nagtataka kayo bakit bagong gising ako ? Malamang natulog ! Hahaha . Char . 4 pm ang pasok ko today kaya naman nag-pahinga muna ko saglit . Bumaba ako para puntahan si mama .
"Bakit po ?"
"BAKIT HA ? BAKIT KINUPITAN MO KO HA ? KAPAL NG MUKA MONG KUPITAN AKO PARANG DI KITA PINAPALAMON AT PINAG-AARAL HA !!!"
"Ma wala po akong alam dyan . Di ko po alam ang sinasabi nyo "
"DI MO ALAM ? ANO TONG NASA BAG MO HA ? SABIHIN MO ! SINUNGALING KA ! "
*pak*
Halos mapaiyak ako sa ginawang pag-sampal sakin ni mama. . Oo sinisigawan nya ako sinisermunan ! Pinapagalitan pero never nya akong pinagbuhatan ng kamay .
Umakyat ako sa taas , sinuot ko na ung uniform ko at kinuha ko na yung gamit ko. Kahit 3 pm pa lang umalis nako . Habang papunta ako sa school ay umiiyak ako , pinagtitinginan ngako ng mga kasabay ko sa jeep eh . May isang babae ang nagtanong sakin kung okay lang ako sabi ko naman okay lang ako . Kahit deep inside gusto ko ng magwala at sumabog sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon . Diko alam kung bakit nagawa akong sampalin at pagbitanggan ni mama . Never kong magagawa sa kanya yun at alam nya yun ."Oh best bakit ang lungkot mo ?"
Bigla na lang akong napayakap at napahagulgol kay best dahil sa tanung nya. .
"Uy napanu ka ? Bakit ka umiiyak ? Sinapak ka ba ng driver dahil di ka nagbayad ng pamasahe ? Sabi ko naman sayo magbayad ka eh . " napabitiw naman ako sa kanya at tinignan ko sya ng masama .
"Joke lang . Hehe .
Ano bang problema mo ? "
Naiiyak na naman tuloy ako . Ang masayahin ko ,ang harot ko pag nasa school pero ang totoo iyakin talaga ako :(
"Pinagbintagan ako *sniff* ni mama na *sniff* kinupitan ko sya . Nakita nya yung pera *sniff * sa bag ko . Tapos best sinampal nya ko ng malakas "
At tuluyan nakong napahagulgol .
"Sssssshh . Alam mo best di ako naniniwalang ikaw ang kumupit sa nanay mo . Ang bait bait mo kaya ,saka ang loyal mo sa parents mo . Ni hindi mo nga sila kayang suwayin at sagutin eh . Yaan mo na yun .. Wag ka ng umiyak . Wala kang kasalanan "
Niyakap ako ni Best . Im really thankful and blessed to have in my life. She's really the best :)
"Teka best di kaya ...
Si Coleen yung kumuha ? Di sa nagbibintang pero alam mo naman yung kapatid mong yun right ? " napaisip ako sa sinabi nya . Oo nga what if ? Tanungin ko kaya siya ? Pero ? Hays . Naguguluhan ako :/
BINABASA MO ANG
Panganay problems
Teen FictionPanganay , yan ang role ni Arlene Aguilar . Lahat ng duties ng isang Panganay ginagawa nya . At dahil mga bata pa ang mga kapatid nya halos lahat ng gawaing bahay ay nakatoka sa kanya . Pinapagalitan , sinisermunan , sinisisi , umiintindi at nag-pa...