"Buti naman pagbibigyan mo sya ."
"Tama ka bestie eh . Dapat bigyan ko muna na sya ng chance bago ako mag-predict . "
"Lagi naman akong tama eh . Hehe "
Lagi nya na lang pinupuri yung sarili nya -_- . Pasalamat sya bestie ko sya kundi matagal ko na syang nasapok .Maagang natapos ang klase namin . Wala na rin naman kasing ginagawa . Pasahan lang na ng projects . Napasa na namin yung project namin ,ang taas nga ng grade namin eh nakita ko . "Good Job" daw sabi ni Sr.
Magbabakasyon na naman . Boring na naman for sure
-_- . Yung iba sobrang excited kasi mamasyal sila,ganun . Ako ? Hindi! Pano naman kasi nasa bahay lang ako buong magdamag nun !
Maglilinis ,mag-aalaga ,magluluto ,
magliligpit,mamalantsa at maglalaba . In short , YAYA !
Kaya di ako masaya pag bakasyon kasi wala akong dahilan para mag-reklamo . Wala nga naman kasing pasok . At walang gagawin . Kahit namamasyal kami di rin naman ako nakakatakas sa duty ko bilang panganay kaya di pa rin masaya :|
Wala ka na ngang magandang bakasyon ,wala ka pang freedom :(Kakausapin ko na si Keifer . Medyo kinakabahan ako . Ewan ko kung bakit . Kailangan kong lakasan yung loob ko . Pinuntahan ko sya sa may garden .
"Kiefer,pwede ba tayong mag-usap ?" Lumapit naman agad sya ng tawagin ko sya .
"Mga pre ,wait lang usap lang kami ." Pagpapaalam nya sa mga tropa nya .
"Go loverboy ! " sigaw ni Toby at Xavier . Yung dalawang yun talaga ang kukulit .Natawa lang si Keifer sa kakulitan nung dalawa . Sanay na siguro sya . Haha .
"Ano nga palang pag-uusapan natin ?" Napansin nya sigurong naiilang ako kaya sya na yung unang nag-salita .
"Keifer ,payag na ko "
"Ha ? Di ko gets ."
Akala ko ako lang ang slow! Isa pa pala tong si Keifer -_-
"PUMAPAYAG NAKONG LIGAWAN MO KO ."
O_O . Lumaki yung mata ni Keifer . Infairness may mata na sya ! Wala kasing mata yan eh . Haha .
"Seryoso ?" Aba !? Anong tingin nya sakin manloloko ? Dipa April Fools ngayon uy !
"Muka bakong nagbibiro -_-"
Nagulat na lang ako ng yakapin nya ako ng mahigpit . Grabe papatayin ata ako nito.Makayakap wagas !
Napansin nya atang di nako makahinga kaya binitawan nya nako . Buti naman .
"Sorry . Sobrang saya ko lang talaga . Salamat talaga Arlene . Promise,hinding hindi kita sasaktan "
Ganun pala pag masaya ? Kulang na lang pumatay ? Haha . Charot .Halos mapunit na yung labi ni Keifer kakangiti . Diba sya napapagod? Diba sumasakit yung panga nya ?
Papunta kami ngayon sa bahay nila Xavier slash tambayan namin . Dto kami tumatambay pag walang pasok ,pag maaga uwian,pag may practice at pag gutom kami . Dto nila gustong tumambay marami kasing pagkain ! Hahaha .
Nagagalit na nga si Xavier eh ! Pano kasi kaysa sa kanya lang yung pagkain may kahati pa sya . At minsan kakainin pa lang nya ,nakain na nila Toby !Kaya ang ginagawa nya kahit yung kusina nila may body guard na rin . Hahaha . Sosyal diba ?
Nandito kami ngayon sa sala . Pag-uusapan kasi namin yung Gig namin .
Pinagpaplanuhan namin kung anong mga kanta ang i-peperform namin . Mas dumami ang kumuha samin,gawang bakasyon .
Diko alam kung nakikinig si Keifer o hindi . Nakatitig lang kasi sya samin tapos nakangiti .
"Bro para kang baliw . Ngiting ngiti ka dyan " napansin rin pala ni Xyril yun.
"Masama ? "
"Siguro kayo na ni Arlene no ? " mapang-asar talaga tong si Xavier bagay talaga sila ni bestie .
"Manliligaw pa lang ako ."
"Manliligaw ka palang ng lagay na yan ? Pero kung maka-ngiti ka ? Pano pa kaya kung sagutin ka ? Jusko nahimatay ka na ! Haha " tumawa kaming lahat sa sinabi ni Toby . Hahaha . Puro talaga sila kalokohan .
"Iba ka Arlene ! " sigaw ni Xavier with matching palakpak pa .Magdamag nilang inasar si Keifer . Tawa nga ko ng tawa pano kasi si Keifer namumula na . Bwahaha . Kinikilig bwisit !
Anong oras na nung makauwi ako buti wala pa si Mama kundi yari na naman ako nito .Umakyat na agad ako sa taas para magpalit ng damit . Nag-sando at shorts lang ako ,nasa bahay lang naman ako saka sobra kasi ang init . Di ko keri . Naisipan kong maglinis
dahil walang ibang gagawa nun kundi ako .At alam ko namang hindi ako tutulungan ng maldita kong kapatid .
Kinuha ko ang Cellphone ko at sinalpak ko sa speaker . Magpaptugtog ako . Ganto ginagawa ko para sipagin ako at hindi tamarin. Ganun rin ba kayo ? Haha .
Pagkatapos kong linisin ang bahay . Nagsaing at nagluto na ko . Mag-hahapunan na rin kasi .Ang saya ! Kasi for the first time di ako pinagalitan ni Mama ! Daig ko pang nanalo sa Lotto sa sobrang saya ko . OA kung iisipin pero ang saya kasing hindi mapagalitan o mapuna yung Mali mo. Himala nga't pagtapos kumain ni Mama ay sya na ang nag-prisinta na mag-hugas ng pinagkainan namin . Sabi ko ako na lang pero sabi nya sya na lang daw . Magpahinga na lang daw ako . Sinunod ko naman yung utos ni Mama ,mamaya kasi maging Monster na naman sya eh . Hehe . Char .
Nakakapanibago si Mama . Kahit noong isang araw ganyan din sya diko alam kung bakit . Nakatulala ,malungkot at minsan nakikita ko pa syang umiiyak . Di ko alam kung anong problema nya ,di naman kasi nya sinasabi.
One time pa nga may nakita akong picture na sinusunog nya habang umiiyak sya . Galit na galit sya . Halos nagwawala sya sa galit nya .
"Bakit mo ko niloko ! Tinuring kitang kapatid ! " Yun ang mga linyang paulit ulit na binibigkas ni Mama .
Niloko ? sinu kaya yun ?
BINABASA MO ANG
Panganay problems
Teen FictionPanganay , yan ang role ni Arlene Aguilar . Lahat ng duties ng isang Panganay ginagawa nya . At dahil mga bata pa ang mga kapatid nya halos lahat ng gawaing bahay ay nakatoka sa kanya . Pinapagalitan , sinisermunan , sinisisi , umiintindi at nag-pa...