Tinawagan ko na si Xavier . Tatanggapin ko na yung alok nyang trabaho . Kailangan ko kasi talaga ,di rin naman kasi malaki yung kinikita nila mama't papa .
At ang loko ? Tuwang tuwa tatanawin daw nyang malaking utang na loob ang pagpayag ko . Haha . Nakakatawa sya masyado syang OA ! Magkita daw kami mamaya papakilala daw kasi nya ako sa mga ka-banda nya .
Medyo kinakabahan na ngako ngayon pa lang eh .
"Sabi na eh . Di ka makakatiis best . Kunwari ka pa eh " dapat pala diko na lang sinabi sa kanya -__-
"Sge best ,mauna ka ng umuwi . May pupuntahan pako "
Nung una ayaw nyang pumayag gusto daw kasi nyang makita si Xavier at baka daw pogi rin ang mga ka-banda nya . Ang harot talaga nun . Haha .
Pero sabi ko sa kanya next time na lang pumayag na naman siya . Yun nga lang padabog syang umalis haha .
-
Im On my way to Emerald's Cafe , dun kami magkikita ni Xavier. Sana mabait yung ka-banda nya .Pagpasok na pagpasok ko nakita ko agad si Xavier ,pano ko naman syang hindi mapapansin eh nakatayo sya tapos pakaway kaway pa sya . Pinagtitingginan tuloy sya .
"Sabi na eh papayag ka eh . Sa gwapo ko ba namang to ? "
Nginitian ko na lang sya.
"So ano na ?"
"Mamaya darating na rin yung mga kabanda ko ,wait ka lang "
Nag-nod naman ako .
Nag-order na sya ng pagkain ,tinanung nya ako kung ano ang gusto ko sabi ko juice lang sabi nya wag daw akong mahiyang mamili umiling lang ako . Sya na lang mamimili ng order ko . At hinayaan ko na lang sya . Bakit pa kaya nya ko tinatanung kung sya rin ang pipili ? -_-
Kumain muna kami habang hinihintay yung mga ka-banda nya . Kukuhanin ko na sana yung wallet ko ng ..
"Libre na yan , kahit wag muna ko bayaran "
"Pero-"
"Sapat na sakin yung pumayag ka na maging singer namin ."
"Sure ka ha ?"
Nag-nod naman sya sabay ngumiti . Ang gwapo nya talaga :)
Buti libre kala ko maghuhugas nako ng pinggan eh . Nung buksan ko kasi yung wallet ko kanina naawa ako sa pitaka ko panu kasi 50 lang ang laman . Nasa 450 pa man din ang kinain ko pano na yung 400 kung nagkataon diba ? Thank you sa nakadiscover ng salitang 'Libre' haha .
Bumalik lang ako sa katinuan ng marinig kong sumigaw si Xavier . "Yo mga pogi !"
Paglingon ko.. Halos maibuga ko ang iniinom ko . 'Ang gagwapo nga nila'
Kaya naman pala yung mga tao sa Cafe nakatingin sa'min . Kasi naman tong mga nilalang na ito oh ,mukang mga hulog ng langit . Para silang mga anghel . Ma-inggit nga mamaya si besty . Bwahaha .Umupo na sila sa tabi namin . At ako ? Mukang tanga pano di ako mapakali buti di halata .
"So sya pala yung sinasabi mo samin Xavier ?" Sabi ni kuyang katabi ko . Di ko pa alam name nya eh .
"Oo sya nga "
"Tama ka she's beautiful . "
Kinilig naman ang lola mo dun .
"By the way , Im Xyril ."
Then nag-shake hands kami .Ang lambot ng kamay parang babae . Ahhh,Xyril pala ang name nya *Q*
"Ako naman si Toby " nag-shake hands din kami .
"Im Keifer" tapos kinindat ako !??? Nag-shake hands din kami pero dahil sa ginawa nya natulala ako .
"Ehem !"
Epal naman tong si Xavier
-_- . Binitawan ko na yung kamay nya . Awkward .Pinag-usapan na namin yung tungkol sa pagiging singer ko sa banda nila .
ECLIPSE that's the name of our band according to them . Tinanung ko sila bakit ganun , sabi nila kasi daw nung naisipan nilang gumawa ng grupo bigla daw nagkaroon ng lunar eclipse . It's sounds weird and unbelievable at first ,pero nung nagpakita sila sakin ng picture dun nako naniwala .
"Pwede ka ba sa saturday ?" Napatingin ako sa nagsalita . Si Toby .
"Di ko pa sure . Text ko na lang kayo ,na kay Xavier yung no.ko"
"Akin na yung no.ni Arlene " sabi ni Keifer kay Xavier habang kinakalikot nya yung phone nya.
"Ayoko nga !"
Tinignan ng masama ni Keifer si Xavier . Natakot ata si Xavier kasi bigla na lang yang binigay .
Medyo napahaba ang kwentuhan namin kaya anung oras na ako nakauwi . At tulad ng inaasahan ko nabungangaan ako ng nanay ko kagabi . Ayaw nga nya akong paniwalaan na naghahanap akong trabaho eh . Gumagala lang raw ako . Hinayaan ko na lang sanay na naman ako .
BINABASA MO ANG
Panganay problems
JugendliteraturPanganay , yan ang role ni Arlene Aguilar . Lahat ng duties ng isang Panganay ginagawa nya . At dahil mga bata pa ang mga kapatid nya halos lahat ng gawaing bahay ay nakatoka sa kanya . Pinapagalitan , sinisermunan , sinisisi , umiintindi at nag-pa...