Ilang araw na matapos ang nangyari . Ilang araw na rin akong dinededma ni mama hanggang ngayon galit sya sakin dahil sa pagkupit ko daw !? Di naman kasi talaga ako yun eh . Ilang beses akong nag-sorry sa kanya pero di nya ako pinakinggan .
Papasok nako sa kwarto ng may marinig ako ..
"Oo nakabili nako ako pa ba ? Kumupit ako sa mama ko . Di yan . Haha . Keri yan "
Boses yun ni Coleen ha ? May kausap sya sa phone sinu kaya yun ? Teka totoo ba tong naririnig ko ? Sya ang kumupit kay mama ? O_O pero pano napunta un sa bag ko ?
Pumasok ako sa kwarto nya. .
"Bakit andito ka !"bungad nya agad sakin . Ang galang diba -_-
"Ikaw ba ang kumupit kay mama ha ? "
"A-Anong pinagsasabi mo !? Wag mo ngakong pagbintangan !"
"Narinig kita !!! "
"Wag mo ngakong *sniff* pagbintangan ! Di naman *sniff* talaga ako yun eh . " nagulat ako ng napahagulol sya .
"Bakit mo sya pinagbibintanggan sa kasalanang ginawa mo !? "
Napalingon ako sa nagsalita at nagulat ako ng makita ko si mama. . Nilapitan nya si Coleen at niyakap nya para patahanin . Nakakainggit :( di nya yun ginawa sakin . Never .
"Pero ma-" pinutol ni mama ang sasabihin ko .
"Wag ka ng mag-paliwanag . Umalis ka muna dto pls lang ! Sumasakit ang ulo ko sayo . Idadamay mo pa ang kapatid mo sa kasalanan mo !" Hanggang sa makaalis ako nakita kong umiiyak pa din sya ..
-
Nandto ako kila besty . Gusto kong mapag-isip isip at lumayo sa kanila . Naguguluhan nako .
"Grabe talaga yang maldita mong kapatid eh ! Di lang sya spoiled brat ! Sinungaling pa tsk ! Susuntukin ko talaga un !"
"Yamo na sya baka may dahilan sya kaya sya kumupit "
"At ano naman ang dahilan nya ha ? Best anong gagawin nya sa 3K ? Dont tell me nag-dadrugs ang kapatid-ARAY !!" Binatukan ko nga sya . Empakta to ! Anung pinagsasabi .
"Best grabe ka naman . Maka-drugs . OA mo eh -_-"
"Malay mo lang naman eh . Makabatok naman . Matatanggal utak ko eh"
"Ay may utak ka ? Kelan pa ? "
"Ay ang hard nya oh . Meron nu ! Anung akala mo sakin . Alam mo sa totoo lang ang tanga mo kasi eh . Oh wag kang magagalit ha ? Kasi alam mo kung bakit ? Hinahayaan mo kasi yang spoiled brat mong kapatid mong sagot sagutin ka eh kaya walang takot yan sayo . Subukan mo kayang sindakin ." Tama si best hinahayaan ko nga lang sya kaya inaabuso nya ko .
-
Lahat ng gusto ni Coleen ibinibigay sa kanya agad . Samantalang ako andami pang katwiran ..
(Flashback)
I was 8 years old that time . Favorite ko nun ang cartoon character na si spongebob kaya naman pag nakakita ako ng gamit na may muka nya gustong gusto kong ipabili .
"Ma bili moko nun. Yun oh ! Yung spongebob " turo ko sa pencil case na nakita ko .
"Hay nako wala tayong pera di pa nakaka-sweldo yung papa mo saka may pencil case ka pa "
Tumahimik na lang ako nun . At malungkot akong umuwi .
(End of Flashback)
Never kong naramdaman ang pagmamahal ni mama sakin . Diko alam kung bakit iba ang trato nya sakin . Ang sakit isipin na lahat ng mali na mayroon ang kapatid kong si Coleen ay sakin naipapasa . Perfect daughter ang turing nya kay Coleen halos wala syang makitang mali sa kanya . Lagi syang nagpapasalamat na naging anak nya si Coleen pero ako kaya ipagmalaki nya rin ? Magpasalamat din kaya syang naging anak nya ako ? :(
BINABASA MO ANG
Panganay problems
Teen FictionPanganay , yan ang role ni Arlene Aguilar . Lahat ng duties ng isang Panganay ginagawa nya . At dahil mga bata pa ang mga kapatid nya halos lahat ng gawaing bahay ay nakatoka sa kanya . Pinapagalitan , sinisermunan , sinisisi , umiintindi at nag-pa...