Confuse

25 3 0
                                    

Naisipan ko ng umuwi  agad  pagkatapos ng klase di ko pa rin alam kung tatanggapin ko ba or hindi yung alok ni Xavier .
"Basta tawagan mo ako sa no.ko pag nakapag-desisyon ka na . Sge bye ."
yan ang sabi nya sakin bago sya umalis . Papayag bako o hindi ? Bala na :3
-
Pinapansin na nga pala ako ni Mama di na sya galit sakin nalaman na kasi nya ang totoo na si Coleen ang kumuha . Pano nya nalaman ? Nakita nya kasi yung bagong sapatos ni Coleen saka yung sobrang pera sa wallet nya . Pero di sya pinagalitan ni mama :(
Sinabihan nya pa si Coleen na kung may kailangan sya sabihin nya para hindi na nya kailangang kumupit pa . Napaka-spoiled nya talaga .
Kararating ko pa lang pero sangkaterbang labahan agad ang bumungad sakin .Pati na rin hugasin . For sure may bisita kanina si Mama ,andami kasing kalat sa sala . Nag-inuman na naman ata sila . Hobby ng nanay ko yan eh pag walang pasok sa trabaho .
Di ko pa nasisimulan ang gawain ko may inuutos na naman sakin .
"Pagkatapos mong maglaba at maghugas , magluto ka . Tapos ayusin mo yung kwarto ni coleen ! Bilisan mo dyan ! "
Gutom at pagod nako . Pero di naman ako pwedeng umangal kasi bubungangaan na naman ako ni Mama panigurado .
Nilabhan ko na lahat ng damit . Gumamit ako ng washing machine sobrang dami kasi baka diko kayanin pag manu mano . Habang di pa tapos yung pag-wawashing ko naghugas muna ko ng pinagkainan nila . Tapos binalikan ko na yung ginagawa ko kanina , buti at babanlawan na lang ung mga damit kaya natapos ko din yun agad . Pagkasampay ko sa mga damit . Pumunta nako sa kwarto ni Coleen . Sa totoo lang daig nya pa si Kysler kasi mas malinis ang kwarto nun . Parang binagyo yung kwarto nya ,parang di babae . Mahigit 30 minutes ko ding nilinis yung kwarto nya . At ang huli kong ginawa ang magluto , gusto kong magluto ngayon ng Chicken Curry .
Di ako magaling pagdating sa paghihiwa kaya ayun nahiwa ko yung daliri ko . Di ko na lang pinansin yung sakit at nagpatuloy nako sa pagluluto . Tinawag ko na agd sila pagka-lutong pagka-luto ko . Pinauna ko na muna sila kasi may gagawin pako . Umakyat muna ko sa taas para tignan kung may assignment ako .
Napatingin ako sa cellphone ko ng nag-ring yun . May tumatawag pero Unknown Number .
(Hello ?)
(Anak kamusta na ?)
Si papa :)
(Okay naman po ako . Kayo po okay naman po ba kayo ? Kumakain ba kayo sa tamang oras ? Baka puro kayo trabaho ha ?)
(Okay na okay lang ako nu . Ako pa ba . Miss na miss ko na kayo dyan )
(Miss na miss na rin po kita papa )
Miss na miss ko na si Papa :(
Sana bumalik na sya .
(Hayaan mo ilang taon na lang babalik nako dyan )
Ilang oras ko ding kausap si Papa , marami kaming pinag-kwentuhan . Sobrang close kami ni Papa ,para nga lang kaming tropa eh . Di katulad ni mama .
-
Pababa na sana ako ng may marinig ako . Hindi naman ako chismosa, pero parang ayaw kong gumalaw sa kinatatayuan ko.
"Di nya na kailangan pang malaman yun-Wag na wag mong sasabihin kay Arlene ang totoo naiintindihan mo ?"
Bakit ba lagi na lang akong nakakarinig ng may nag-uusap sa telepono ? At lagi na lang di maganda ang pakiramdam ko sa mga naririnig ko .
Si Mama yung narinig ko . Anu yung diko kailangan malaman ? Anong totoo ? Di kaya ampon ako ?
Bumaba nako ng maramdamang kong bumubukas yung pinto . Di ako mapakali kaya di rin ako nakakain ng maayos .
"Ate bat tulala ?"
Nilapitan ako ni Kysler at tinignan nya ko .
"Wala . Pagod lang ate " nag-smile naman ako sa kanya tapos bumalik na sya sa sala .
Hanggang sa pagtulog ko di pa rin ako mapakali . Daig ko pa inlove eh .
'Kung ano man yun sana di ako masaktan ng husto sa malalaman ko'
Pinikit ko na yung mata ko di nako masyadong nag-isip para di nako maguluhan pa .

Para akong zombie pagbangon ko . Ang laki na nga ng mata ko dumagdag pa ang eyebags ko -_-
2:30 nako nakatulog . Ang aga ko pa namang nagising ngayon .
At ginawa ko na ang lagi kong ginagawa tuwing umaga . Ang daily routine ko bilang isang Panganay .
Pumasok na rin ako pagkatapos ng lahat ng gawain .
"Best ano bang naging pagkukulang ko ha? Huhu "
Ano daw ?
"Ano na namang sinasabi mo dyan ha ?"
"Best para kang tumira ng shabu kagabi . Tignan mo yang mata mo oh ! Sabi ko sayo pag may problema ka wag mong sarilinin "
"Pano ba naman kasi narinig ko si Mama sabi nya wag daw sabihin sakin ung totoo saka wala na daw akong karapatang malaman pa yun "
"Hala best ! Alam ko na yang ganyan ! Napapanuod ko yan sa T.V saka nababasa ko sa wattpad . Isa lang daw ibig sabihin ng mga linyang ganyan eh , Ampon yung anak ganun " natahimik naman ako dun , alam kong joke lang yun pero what if totoo pala ? What if ampon ako ? Kaya ba ganun si mama sakin kasi di nya ako anak ?

Buong araw akong walang kibo di ko pa rin kasi maiwasang isipin ang narinig ko nung gabing yun . Sana pala di ko na lang pinagkinggan ng di ako naguguluhan .

Panganay problemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon