Comeback

11 2 0
                                    

Anung oras na pero di pa rin ako inaantok kaya naman naisipan kong tawagan si besty . Mainggit nga . Bwahaha .
Buti naman sinagot nya agad kala ko naman paghihintayin nya pa ako eh .
(Best gabi na nambubulabog ka pa maawa ka naman sakin)
(HAHAHA . Sorry na . May i-chichika lang kasi ako )
(Uy parang biglang nawala ang antok ko ha ) halata namang nawala kasi nag-iba yung boses nya . Chismosa talaga -_-
(Best ang gwapo nila . Grabe talaga ,para silang mga anghel . Owmygi!!!)
(Ewan sayo ! Di mo kasi ako sinama eh . Nakakainis ka ! Tapos ngayon iniinggit moko .)
(Sorry na talaga best . Yaan mo sasabihan ko sila na kung pwede pumuntang school)
(T-talaga ? Promise yan ha ? Kundi kutong ka !)
(Oo naman best ,mukang malakas naman ako sa kanila eh . Hehe . Sge bye ! Sorry sa pambubulabog !)
Nagbabye na rin sya sakin . Siguradong bugbog sarado ako nito kay Ashriell bukas . Ihahanda ko na ang braso ko .
-
Mas maaga akong pumasok dahil alam kong excited na excited si besty sa ikekwento ko . Di pa yun kuntento sa sinabi ko kagabi for sure .
"ARLENE SOFIA AGUILAR !" Aba sabihin ba naman ang fullname ko napaka-eskandalosa talaga nitong besty ko slash yaya ko .
"Bakit Ashriell Reien Lucas !?"
"Gantihan lang ? Uy ano may kasalanan ka pa sakin !" Aray ko naman , sabunutan ba naman ako ?
"Sorry na ,papapuntahin ko na nga lang sila diba ? "
"Siguraduhin mo kundi lagot ka sakin"
"Promise"
Nag-punta na kami agad sa first subject namin . Kaysa makinig si besty kay prof sakin sya nakikinig . At ang loka kilig na kilig sa eksena namin ni Keifer . Ang swerte ko daw kasi nakabighani ako ng anghel . Grabe lang , malay nyo napuwing lang diba ? O kaya pinagtitripan lang ako .

Masaya na sana ang araw namin eh kaso biglang nagkaroon ng surprise Quiz sa last subject namin .
Sana may masagot ako .
'Madali lang yan class ,dont worry' yan ang famous line na sinasabi ng mga teacher / prof sa mga students every time na may exam .
Pero pag nag-exam naman kayo feeling mo finals na sa sobrang hirap nung test . Yung totoo ?
"Grabe best sasabog ata yung utak ko dun !"
"Ako feeling ko mamatay nako "
"Kahit kelan talaga mag-pa quiz un ano ."
"Sinabi mo pa."
Niyaya ko ng umuwi si besty feeling ko kasi anytime sasabog ung utak ko sa sakit . Grabe naman kasi yung quiz na yun !

Pagpasok ko sa gate ,nagtaka ko kasi parang may kakaiba kaya naman agad akong pumasok sa loob .
Nagulat ako ng may nakita akong mga maleta ? Teka sinung aalis ? O sinung dumating .
"Arlene"kilala ko kung sino yun..
"Papa!" Lumapit ako sa kanya at agad na niyakap .
"Namiss kita anak"
"Namiss ko din po kayo pa . Sabi nyo sakin magbilang pako ng ilan taon ? Eh bakit nandito na agad kayo ?"
"Ayaw mo bang makasama ang pinakagwapo mong papa ? "
"Syempre gustong gusto ko po . Namiss ko po kayo eh "
"Kasi nilipat ako sa Philippines ng company namin kaya dito na ko mag-tatrabaho . "
"Talaga pa ? Yehey"
Nawala yung sakit ng ulo ko ng makita ko si Papa . Miss na miss ko talaga sya . Si Kysler at si Papa lang kasi ang kakampi ko dto sa bahay :(
-
Nagyaya si papa na pumunta sa Mall. Namiss daw kasi nya ng sobra ang Pilipinas . Ilang taon rin kasi sa ibang bansa si Papa mga 6 years din sya dun .
Marami silang pinamili at marami rin akong binitbit buti na lang nandito na si
Papa at may katulong akong mag-bitbit ng ilang paperbags.
Sana dto na talaga si Papa para naman may kakampi ako araw araw .
Sinabi ko kay besty na umuwi si Papa ,tuwang tuwa naman sya kasi may kakampi na daw ako ulit finally . Alam nya rin kasing yun ang superhero ko sa mama kong dragon :D

Panganay problemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon