I Do (Marie Digby)

59 6 5
                                    

Wag kalimutan yung music! :)


Corrine's POV

Maaga akong gumising dahil pang umaga ako sa pinagtatrabahuhan kong shop. Tapos pang tanghali naman yung pasok ko. HRM yung course na kinuha ko dahil yun talaga ang hilig ko. Wala na akong mga magulang. Namatay sila sa isang aksidente at kung minamalas nga naman ako, noong mga araw na yun ay hindi ko pa oras kaya ako lang ang nakaligtas. Gustong gusto ko na yun kalimutan pero hindi ko magawa. Lagi ko silang naaalala. Mahal na mahal ko sila.

Hindi na ako nakakain ng almusal dahil malelate na ako. Umalis na ako at dumiretso na ako agad dun sa shop.

"Here's your order ma'am. Thank you" sabi ko at binigay ko yung order niya.

"Can I order you?" napangiti naman ako sa sinabi niya. Sinabi ng nag iisang boyfriend ko na si Ryan. Dahil sa kanya natuto akong lumaban. Hindi niya pinaparamdam sa akin na mag isa lang ako. Lagi siyang nasa tabi ko.

"Sorry sir" sabi ko at nginitian ko siya.

Ngumiti lang din siya at may nilabas siyang sandwich sa bag niya at inabot niya ito sa akin. Ganyan siya tuwing pupuntahan niya ako dito. Alam niya kasi na hindi pa ako nag aalmusal dahil dito agad ang diretso ko. Pareho kaming HRM ang course kaya kasama ko siya lagi.

Umalis na siya at umupo siya sa isang table para hintayin ako. Ang sweet talaga ng boyfriend ko. Gwapo pa yan uyyy! Haha.

Nakalipas na ang Ilang oras. Tapos na ako dito sa shop dahil kailangan ko naman pumasok. Ganito ako kabusy araw araw. Gusto ko to eh.

"Tara na babygirl?" aya ni Ryan sa akin.

"Sabi ko wag mo kong tawagin babygirl eh" pagrereklamo ko.

"Gusto ko eh. Tara" sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko. HHWW lang ang peg. Haha.

"Thank you baby" sabi ko at sumandal ako sa balikat niya.

"I love you" sabi niya

"I love you too" sagot ko.

---Classroom---

Kakaalis lang ni ma'am. Kakabigay lang din pala niya ng project. Gastos nanaman to. Hindi ko na alam kung san ako kukuha ng pera. Kulang na kulang yung kinikita ko sa shop. Binibigyan din naman ako ni Ryan pero kulang pa rin yun. Kailangan ko atang mag OT ngayon.

"Baby girl are you okay?" Sabi sa akin ni Ryan na nasa tabi ko na ngayon.

"No" sabi ko habang umiiling. Nasa usapan kasi namin na kailangan maging honest kami sa isa't isa.

Inakbayan niya lang ako at sumandal naman ako sa balikat niya. "Magiging okay rin ang lahat baby girl. Makakagraduate rin tayo" sabi niya sa akin. Ganyan siya kapag alam niyang may problema ako. Lagi niyang pinapalakas yung loob ko. Lagi niyang pinaparamdam na nandyan lang siya lagi.

JANEROME PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon