Mas maganda kung nakaplay yung musicJerome's POV
3 years na ang nakalipas pero bakit mahal ko pa rin siya? Bakit mahal pa rin kita Jane? Kung di nalang sana ako nagloko noon edi sana kami pa rin hanggang ngayon. Ang tanga ko! Pinakawalan ko pa yung babaeng mahal ko.
"Jane! Please mag usap tayo" - pangungulit ko sa kanya. Hindi ako titigil hanggang hindi siya bumabalik sa akin. Nagloko na ako noon, ayoko ng magloko pa ngayon.
Jerome please lang! Matagal na tayong tapos! Move on din pag may time - sabi niya at umalis na.
Niyakap ko siya. Ayoko siyang pakawalan.
Please tayo nalang ulit. Maniwala ka, siya yung humalik sa akin. Patawarin mo na ako - pagmamakaawa ko sa kanya
Pakawalan mo na ko Jerome! Masaya na ako ngayon kay Josh - sabi niya sa akin pero hindi ko pa rin siya sinunod.
Eh hayop ka pala eh! Pwede ba layuan mo girlfriend ko?! - pagsugod sa akin ni Josh. Lakas naman makaamoy ng hayop na to!
Una siyang naging akin - sabi ko
Tama na yan! Josh tara na - awat sa amin ni Jane at hinila na niya si Josh palayo.
Napasuntok nalang ako sa pader sa sobrang inis.
Pumunta ako ng bar at doon ako uminom ng uminom. Jane bakit ba ang bilis mo na kalimutan ako? Sobrang saya namin dati pero kasalanan ko rin kung bakit nasira yung relasyon namin. Nakakainis.
Flashback
Can I call you mine? - tanong ko sa kanya habang nakaluhod ako sa dumuhan na punong puno ng mga bulaklak. Ginawa ko to kasi mahilig si Jane sa mga bulaklak.
Grade 9 palang nililigawan ko na siya at ngayong grade 10 na kami, eto na siguro ang tamang panahon para tanungin ko siya. Ayokong maagaw pa siya ng iba sa akin lalo na at maganda pa ang nililigawan ko. Mahirap na kahit gwapo pa ako.
Inayos ko lahat ng ito sa garden namin. Ang alam niya ay kakain lang kami sa bahay namin. Hindi niya alam na may ganito akong Plano. Naglagay ako ng maliit na table at 2 chairs sa garden namin at dahil mahilig nga siya sa bulaklak talagang nagtanim pa ako nun at hinintay ko itong tumubo. Tapos nagluto ako nung favorite food niya which is adobo. Buti nalang at adobo yung favorite niya. Madali daling lutuin. Haha syempre nagpaturo muna ako kay mommy. Masarap kasing magluto si mommy ng adobo.
Grabe ka Je! Nakakainis ka! - sabi niya at biglang tumulo ang kanyang mga luha "tears of joy" dagdag pa niya at pinunasan niya na ito.
I'm waiting for your answer- nakangiting sabi ko sa kanya habang nakaluhod pa rin ako.
BINABASA MO ANG
JANEROME PLAYLIST
AléatoireMga iba't ibang kanta na gagawan ko ng story. All about JaneRome. Jane Oineza and Jerome Ponce. Love love! <3