I NEED YOU MORE TODAY (Caleb Santos)

17 1 0
                                    

Jane's POV

Papunta na ako ngayon sa bahay ng boyfriend ko para isurprise siya. Ngayon ko lang gagawin to sa buong buhay ko. Excited na ako kasi 1st anniversary namin ngayon. Miss na miss ko na din siya. Medyo nagiging busy na din kasi kami sa work kaya minsan wala na kaming time sa isa't isa para mag usap.

Andito na ako sa harap ng bahay nila. Papasok na sana ako kaso nakita ko na kakadating lang nya. Tatawagin ko na sana siya kaso nakita ko na may kasama siyang ibang babae. Inisip ko nalang na baka kaibigan lang niya yun. O baka pinsan?

Pero mas nagulat ako ng halikan niya sa noo yung babae sabay yakap ng mahigpit bago tuluyan magpaalam sa isat isa.

Bakit parang may mali? Diba dapat ako yung nandon hindi yung babae na yun?

"I love youuu. Huwag ka mag alala hindi kita iiwan. Bakit ko naman iiwan yung babaeng mahal na mahal ako? Bobo ko naman kung ganon"

"Miss na miss na kita loveee"

"Mahal na mahal po kitaaa"

"Ikaw lang ang nag iisang babae sa buhay ko. Promise"

"Hindi ko kayang mawala ka dahil ikaw ang buhay at mundo ko"

Bigla ko naalala lahat ng sinabi niya sa akin. Hindi ko na din namalayan na tumulo na pala yung luha ko. Itutuloy ko pa ba tong surprise ko? Bakit parang ako yung nasurprise? Shet ang sakit. Hindi na ako makahinga.

Pero tanga ako eh kaya tinuloy ko pa din. Kahit di na surprise kasi andon na siya.

Nag ayos muna ako ng sarili bago ako tumawag sa kanya at sabihin na nasa labas ako ng bahay nila.

Sinalubong niya ako pero parang may iba na sa kanya?

"Wala ka bang naaalala love?" tanong ko. Kasi simula kaninang umaga di pa niya ako binabati. Inisip ko nalang na baka may surprise lang siya.

"Ano bang meron ngayon?" Shet ang sakit. No self wag kang iiyak. Please lang pigilan mo. Huwag sa harap niya.

"Ah wala wala hehe" ngumiti ako kahit ang hirap hirap kasi tangina lang di na ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Sguro nga dapat hindi nalang ako pumunta. Baka sakali hindi pa ako nasaktan ng ganito. Baka sakali hindi ko pa alam lahat. Baka sakali masaya pa ako. Masaya pa ako kahit niloloko na niya ako.

"May problema ba tayo?" Hindi ako matahimik. Gusto ko na malaman lahat kahit alam kong masasaktan ako.

"Ayoko na Jane" wala na sigurong mas sasakit pa kung yung taong mahal mo na yung umayaw diba?

"Anong ayaw mo na?" nagkunwari nalang ako na hindi ko siya naiintindihan kahit alam na alam ko na may iba na siya.

Kitang kita ko yung saya nya dun sa babae kanina. Parang hindi naman siya naging ganun kasaya sa akin. Hindi siya nakasagot kaya ako nalang ang nagsalita.

"Date tayo bukas please" eto nalang ang nasabi ko kasi matagal tagal na din yung last time na lumabas kami.

"Di mo pa din ba naiintindihan? Ayoko na nga. Tapusin na natin to" walang emosyon sa kanyang mga mukha. Sobrang cold na parang ang dali dali lang para sa kanya na tapusin tong relasyon namin.

"Please love. Pagbigyan mo na ako bukas. Pagtapos non hahayaan na kita sa gusto mo" hinawakan ko yung kamay nya at yumuko kasi di ko na mapigilan yung luha ko na tuloy tuloy lang sa pagtulo. Sobrang hirap ipilit yung sarili mo sa taong umayaw na sayo. Wala ka na magagawa kundi hayaan siyang mawala sa buhay mo.

Ganito pala kasakit kapag nagsawa na sayo yung taong mahal na mahal mo. Yung taong akala mo hindi na mawawala sa buhay mo. Yung taong halos ginawa mo ng mundo ay iiwanan ka din pala na parang wala lang sa kanya. Ang dali dali mo na mabalewala sa kanya. Kumbaga para ka nalang basura na pinagsawaan na niya at gusto na nyang itapon kung kailan nya gusto.

Niyakap niya ako pero mas lalo lang ako naiyak kasi alam kong di na yun totoo. Hindi na ako yung mahal niya. Hindi na siya masaya sa akin. Hindi na ako mahalaga sa kanya. Pinagsawaan na niya ako.

"I love you" sabi ko kahit alam kong di na niya ako kayang sagutin ng "I love you too". Nagbago na lahat at wala na akong magagawa don kahit pilitin ko pa. Dahil may mahal na siyang iba. "Mahalin mo siya ng mas  higit pa sa pagmamahal mo sa akin" dagdag ko pa.

"Nakita m-" oo kitang kita ko kayo at alam mo ba kung gaano kasakit makita na yung mundo ko ay may iba na palang mundo? Pero di ko yan sinabi sa kanya. Mas hinigpitan ko lang yung yakap ko sa kanya. Tanga diba? Mahal na mahal ko eh. "Sorry" yan lang yung nasabi niya. Hindi ko magawang magalit sa kanya kahit sobrang sakit na nagawa nya akong lokohin. Basta ang gusto ko lang ngayon ay kasama ko pa siya kahit alam kong matatapos na din tong oras na to.

Nagpaalam na ako sa kanya kasi medyo late na din. May work pa ako bukas at hindi pa ako pwedeng umabsent. "Happy 1st anniversary love. Hinding hindi ko makakalimutan tong araw na to" nakita ko na parang nagulat siya kasi syempre di na nya naalala yun. "Pwede ba ako humiling?" tanong ko at lumapit ako sa kanya "Pwede bang gawin mo sa akin yung mga bagay na ginagawa mo sa akin nung mga panahon na masaya pa tayo?" sobrang sweet kasi talaga namin dati na parang ayaw na namin maghiwalay. Mukha naman nagulat siya sa gusto ko. Syempre di madali yun noh. Hindi na madali para sa kanya na halikan niya ako, yakapin niya ako o maging sweet sa akin kasi nga hindi na ako yung mahal niya. "Please kahit ngayon lang?" dagdag ko pa.

Kinuha ko yung kamay nya at pinatong yun sa ulo ko "Mag iingat ka ha papakasalan pa kita" sinabi ko yung line na madalas niya sinasabi sa akin sa tuwing maghihiwalay na kami. "Mahal na mahal kita my future wife" dagdag ko pa dahil isa din yan sa mga sinasabi niya sa akin. Sweet diba? Akala ko tuloy siya na din yung future husband ko. "Kiss mo na ko love di mo ba alam na sobra ko namiss yung kiss mo" pagbibiro ko pa. Kahit durog na durog na ako. Hinawakan niya ako sa pisngi ko at hinalikan niya ako sa noo. Shet parang mas lalo lang akong naiyak. Kaya inalis ko na yung kamay nya sa pisngi ko at tumalikod na. Naglakad na ako palayo sa kanya kasi pakiramdam ko hindi ko na kaya magtagal pa don. Pinipilit ko nalang yung sarili ko sa isang taong sinukuan na ako.

Pag uwi ko sa bahay dumiretso na ako sa kwarto ko para di na ako makita nila mama. Ayoko mag alala pa sila sa akin. Patuloy pa din sa pagtulo ang aking mga luha. Pakiramdam ko sobrang maga na nung mata ko kakaiyak. Kinuha ko yung phone ko para palitan na yung wallpaper ko na picture namin dalawa. Sobrang sakit lang gawin to pero may choice ba ako? Wala akong choice kundi pilitin maging okay. Pilitin maging masaya kahit yung happy pill ko mismo iniwan na ako. Tinignan ko yung dati namin pictures. Nung mga time na okay pa kami. Yung mga time na ako pa yung mahal niya. Ang hirap kalimutan lahat ng alaala na meron kami. Kung pwede lang sana panaginip nalang to lahat para paggising ko bukas ng umaga wala na yung sakit.

Miss na miss ko na yung mga time na lagi niyang sinasabi yung "I love You" or "I Miss You" sa akin kahit na isang minuto palang kami naghihiwalay. Pero ngayon wala na siya iniwan na niya ako. Hindi na maibabalik yung dati. Malabo na mamahalin niya uli ako. Iniwan na ako nung taong kailangan ko. Wala na yung taong nagbibigay ng lakas sa akin sa tuwing down na down ako. Iniwan na ako nung taong mahal na mahal ko yung taong nangako at pinagkatiwalaan ko baka kasi...

minahal ko yung taong ginusto lang naman ako...

--End--

Long time no story!! Lol hahaha namiss ko gumawa ng story. Sorry na po broken lang. Charot haha. Request na po uli kayo.

Requested by: Nadine!! (Anak ko yan wooh)

Basahin nyo po to ng may music para mas feel. Hehez

__________________

Vote!!

Comment!!

Enjoy Reading!!




JANEROME PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon