How Did You Know

54 7 4
                                    

Don't forget to play the music before you read this story.

Maddiejane's POV

"Anak pupunta ka ba kay Jerard ngayon?" tanong sa akin ni mama. Si Jerard siya yung mahal ko.

"Opo mama! Birthday niya po eh" sagot ko kay mama at nagpaalam na.

"Sunod nalang ako dun! Inaya kasi ako nila mare eh!" sigaw ni mama sa akin.

"Bahala kayo ma!" sigaw ko rin sa kanya. Masaya lang ako kasi mapupuntahan ko uli siya.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagpunta na ako sa lugar kung nasan siya.

"Good morning Jerard!" bati ko sa kanya at inilapag ko yung dala ko para sa kanya. Umupo na ako at tinabihan ko siya.

Pero sa tuwing pupuntahan ko siya hindi ko mapigilan na hindi maiyak. Masaya na malungkot. Naalala ko tuloy yung mga araw na nakilala kita.

*Flashback*

"Hi miss anong pangalan mo?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya kilala pero gwapo siya ah. Ang ganda ng mga ngiti niya.

"Hi, I'm maddiejane" bati ko sa kanya at nginitian ko rin siya.

Kung hindi ako magkakamali ah basketball player siya. May dala siyang bola at pawisan na pawisan siya eh. Haha! Oh ano tawag sa kanya? Diba basketball player?

"Nice meeting you Maddiejane" sabi niya at nakipagshakehands siya sa akin.

"Magaling ka magbasketball?" tanong ko sa kanya. Yun kasi yung hilig kong laruin sa bahay eh. Paano ba naman nag iisang babae ako. Kami pala ni mama. Haha. Si papa at sila kuya palaging naglalaro ng basketball kaya nakikisali ako. Tinuruan din nila ako.

"Oo naman. Gusto mo manood ka? May laro kami mamaya, mas maganda sana kung andun ka" sabi niya sabay kindat. Nagpapacute ba siya? Hindi na kailangan kasi cute na talaga siya. Hahaha.

"Sige manonood ako" sabi ko sa kanya at kita ko naman na sobrang saya niya.

Sinama niya ako sa court at pinanood ko siyang maglaro. Ang galing nga niya. MVP pala siya last year. Bumaba ako at nakisali ako sa kanya.

"Hindi ako nainform sanay ka pala" sabi niya sa akin habang inaagaw niya sa akin yung bola.

"Hindi ka nagtanong eh" sabi ko saka ko shinoot yung bola. Oineza for three!!

Natapos na kami maglaro. Grabe nakakapagod pero ang saya.

"Nasan na ba yung panyo ko" sabi ko habang hinahanap ko yung panyo ko sa bag ko.

JANEROME PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon